chapter 32

9.5K 316 181
                                    

Mars' P.O.V.

Alam niyo ba yung pakiramdam na lagi mo siyang nakikita pero hindi mo siya magawang hawakan? May times na gusto ko umiwas at magtago nalang. Pero hindi ko magawa dahil parehas kami ng circle of friends, school at classroom.

"Dude, ito yung kinekwento ko sayo." si Jonas tsaka may pinakitang picture kay Chin.

Natigil ako saglit sa pagtawa nung makita sila, pero saglit na saglit lang at bumalik na kami sa pag-uusap nila Dominic.

'Hmm paano ba?'

Okay okay naman na ko, hindi na ganun kasakit yung nararamdaman ko di tulad noon. Bumabalik na ko ulit kahit papaano sa pagiging maingay at masayahin. Pero alam mo 'yon, may parang lamat na di ko maintindihan.

Hindi ako galit kay Jonas dahil nagustuhan siya ni Chin. Di niya nahalata noon na gusto siya ni Chin may pagka manhid din e. Natatawa nalang ako minsan lalo na pag mag-isa, loko loko din 'tong kaibigan ko.

Hindi tulad noon na tumatawa ako dahil masaya talaga ako, pero nung maghiwalay kami may times na pinipilit ko nalang tumawa para mapakita sa lahat na ayos lang ako lalo na sa harap ng mga kaibigan namin.

Alam ko na alam nila na wala na kami ni Chin, hindi nila ako tinatanong pero alam mong andyan sila para sayo. Halata mo sa kanila e... na parang nag-aantay na iopen ko sa kanila yung about samin ni Chin.

Kahit papaano naikwento ko na sa kanila yung samin ni Chin, noon kasi hindi ko pa magawa ikwento. Kasi iniisip ko palang naiiyak na ko. Pero seryoso, nung nagki kwento ako sa kanila talagang may times na maluha luha padin ako.

Nung isang beses, naiwan kami tatlo ni Dominic at Chin dito kina Uriah. May kailangan icheck si Chin at kailangan ng makakasama. Nag volunteer agad si Doms na siya na ang sasama.

Nakahinga ako ng maluwag nun, kasi iniisip ko palang na kami lang ni Chin ang magkasama ay kinakabahan ako. Ang hirap baka di ko mapigilan ang sarili ko.

Aaminin ko, gusto ko umiwas hanggat maari. Kasi parang may tumutusok sa dibdib ko lalo na tuwing mapapalapit siya sakin. Nasasaktan padin ako.

Naitatanong ko padin sa sarili ko.

"Anong pagkukulang ko?"

Pero magulo e. Talagang araw-araw gusto ko nakikita siya.
---

NSTP day. Dati nung highschool recess ang favorite subject ko, pero ngayong college na NSTP lang. Walang Math at di kailangan mag-aral, basta gawin lang yung pinapagawa.

Pero hindi nadin pala, noon inaabangan ko yung mga susunod namin na gawin ni Chin sa subject na 'to. Marami kami nagagawang bago dahil dito. Pero ngayon tuwing sasapit ang araw na 'to. Iniisip ko nalang paano ko masusurvive ang araw na 'to.

Na kailangan ko maging masaya kahit na wala yung mga kaibigan ko dito. Sila nalang ang natitira kong happy pill, kaya lagi ako tambay kina Uriah. Hindi nadin ako nag dadrive nang malayuan at mabilis. May trauma padin ako sa nangyari sakin. Wala na ko gana magmaneho kaya minsan iniiwan ko nalang ang sasakyan ko at nagtataxi nalang.

Sa totoo lang, sa ilang beses na muntikan na ko mamatay pero mas nangingibabaw padin sakin yung takot at sakit na naranasan ko kay Chin...

"Pre, sorry baka makipagpalit muna ko ng floor. Namali yung talon ko sa basketball kahapon kaya ayan di ako makalakad maayos lalo na pag-aakyat ng hagdan." sabi nung kapartner ko na kasama ko sa rooftop maglilinis.

"Sige pre ayos lang, makipagpalit ka nalang kung sino dito sa ground floor para di hassle. Dapat nga di ka na pumasok e. Sino ba dito sa baba?"

"Ako..." sabat ni Mai. "Tsaka Chin."

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon