chapter 35

7.4K 271 85
                                    

"Wag kayo magpahalata. Sakay na." Nagmamadaling bungad niya samin at itinaas ulit ang bintana ng sasakyan upang isara. Marahil nagtataka din si mom kung paano napunta si Chin sa harap namin. Pero hindi na ko nag atubili at binuksan agad ang pintuan ng sasakyan . Hinila ko papasok si mom sa back seat at tsaka agad na pinatakbo ni Chin ang sasakyan. Tatlo lang kaming andito, pero sasakyan ito ni Jonas.

Agad niya yung pinaandar. Tsaka niya tinanggal ang sumbrero at hinagis yun sa katabi niyang upuan. Nanginginig ang kalamannan ko, napatingin ako sa salamin at naaninag ko ang mata ni Chin. Seryoso, matapang ngunit may takot at pag-aalala. Pagtingin ko sa phone, nakababa na ang tawag ni Ethan.

"Chin... paano..." di ko matapos tapos ang itatanong ko sa pagkabalisa. Lumingon ako sa likuran para tignan ang hospital. "Chin...andoon din ba ang iba?"

Andun ba sila Mars? Dahil ang alam ko ay sinundo sila ni Jonas diba? Maaari nga na andun sila dahil andito si Chin pero paano na... pag nalaman ng mga kalaban.

"Tita pa off po ng phone ni Agatha."

"Ha? O sige. Kinakabahan na talaga ako sa inyo. Teka okay patay na."

Hindi maalis ang tingin ko sa hospital habang nagdadasal, hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo doon. Patuloy ako sa pagluha, walang sumabog? Walang usok?

Ibig sabihin... okay na? Pero paano kung may ibang nangyari kay Ethan at sa iba. Alam kaya ng kalaban na andun ang iba namin kaibigan?

Pag nagkataon... si Ethan, baka hawak nila si Ethan.

"Nasaan si Ethan?Teka nga ano bang..."

Hinang hina ako at nanginginig pero napahawak ako ng madiin lalo sa kamay ni mom dahilan para mapatigil siya sa pagtatanong. Simula nung sumakay kami ay di ko pa pala binibitawan ang kamay niya.

"Chin..." tawag ko habang lumuluha padin at bumaling sa kanya Naramdaman kong biglang hinimas himas ni mom ang likuran ko. "Chin..."

"Kinakabahan na talaga ako sa inyo..." nanginginig na sabi ni mom.

"Ch-Chhin... andun ba sila Mars?"

Tatawag sana ako kay Ethan ulit nung mapansin kong naka off na ang phone ko.

"Oo. Wag mong i on ang phone mo. Baka matrack tayo." matipid niyang sagot. Sabay dampot niya ng phone nung tumawag si Mars. Napaabang ako.

"Hello. Kasama ko na sila." sagot ni Chin habang patuloy sa pagmamaneho. Wala akong marinig sa sinasabi ni Mars. "Sige. Ingat ah."

Sasabihin ko sana na kausapin ko si Mars ay naibaba na ang tawag.

"Chin. Anong sabi?" sabay yugyog ko sa balikat niya. Inawat ako ni mom.

"Nak nagddrive si Chin."

"Teka lang po mom. Chin, ano, anong sabi?"

"Mamaya na tayo mag usap kailangan ko magfocus sa pagddrive pls. Kailangan makarating tayong penthouse agad. Yun lang ang pinakamalapit na lugar na pwede muna natin puntahan."

"Tawagan ko si Daddy. Tama... teka." bubuksan ko sana ulit ang phone ko nung pigilan ako ni mom.

"Agatha wag mo nga i-on ang phone mo. Baka matrack tayo lalo na't di ka pwede tumawag at ipagsabi ang sitwasyon niyo sa iba. Magtiwala ka sa mga kasama natin."

"Chin... ipaliwanag mo nga ang nangyayari. Agatha, inumin mo 'to. Dali na. Susko ano ba nangyayari sa inyo. Aatakihin ako sa inyo e."

"Mamaya ko na po ipapaliwanag kailangan madala ko muna kayo sa safe na lugar."

Ininom ko ang tubig na binigay ni mom pero panay ang tapon nun dahil sa nanginginig ang kamay ko at sa bilis magpatakbo ni Chin. Tila para ba kaming hinahabol nung kung sino. Panay din ang tingin niya sa side mirror.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon