chapter 24

12.5K 390 79
                                    

chapter 24

THIRD PERSON'S P.O.V.

"Magkasama na sila. Mukhang inaalalayan na ni Alexis si Agatha." aniya ni Ethan habang nakatingin sa kanyang monitor at pinapanuod ang pag galaw ng tanda ni Agatha at Alexis.

"4 minutes nalang. Bago mag alas otso." tensyonadong sabi ni Doms sa kabilang linya.

Lahat sila ay tensyonado habang lumilipas ang bawat segundo, si Uriah ay lalong nabahala dahil lumagpas si Agatha at Alexis sa limang minuto na ibinigay nila para umalis. Lalo na nung sabihin ni Alexis na mukhang napadami ang inom ni Agatha.

Kinasa niya ang kanyang baril at binuksan ng kaunti ang sasakyan.

"Uriah." tawag ni Dominic sa kanya ngunit hindi siya sumagot at banaad sa kanyang seryosong mukha ang pag-aalala.

"Oh, anong nangyari?" tanong ni Chin dahilan para sabay na mapatingin si Dominic sa cellphone.

"Bakit? Tutok mo nga sa monitor Chin." utos ni Dominic at halos maidikit na na ang mukha sa cellphone.

Doon nila nakitang nagkahiwalay si Agatha at Alexis,halos mapamura si Dominic nung makita ang bilog na marka ni Alexis na mabilis na gumagalaw palayo sa pwesto ni Agatha.

"Damn. Ethan...anong nangyari?" bulalas ni Dominic at di mawari ang sasabihin sa sobrang kaba at pagkabigla.

"Fck. Mukhang may humila kay Alexis." hinala ni Ethan habang sinusubukan ulit na pasukin padin ang system ng club. Lumipas pa ang ilang segundo bago niya 'yon tuluyan mapasok.

Agad niyang pinasok ang CCTV system ng club at doon niya napagtanto kung ano na ang nangyayari.

Napabuntong hininga nalang si Ethan at napapahampas sa mesa.

"Hala! Ano advance orasan nila?" gulat na gulat na tanong ni Chin nung makita nag kuha ng CCTV.

"Patay na mga ilaw?" kabadong tanong ni Uriah habang nakatitig sa cellphone. "Fck!"

Hindi na sila makapag usap ng maayos sa sobrang kaba. Lalo na nung biglang gumalaw sa pwesto si Agatha.

Inilapit ni Uriah ang mga mata sa cellphone upang makita ng maayos ang monitor ni Ethan.

Kinutuban na silang lahat na may mga lalaking humihila kina Agatha at Alexis.

"Hindi nila sinasagot ang phone." aniya ni Ethan. Habang si Dominic ay abala din sa pagtawag ngunit walang sumasagot.

"Walang lalabas sa inyo!" seryosong sabi ni Chin sa kabilang linya dahilan para matigilan si Uriah na lumabas ng sasakyan. Bumigat ang kanyang paghinga habang iniisip kung ano na ang nangyayari kay Agatha at Alexis. "Pag pumasok kayo, mas magiging komplikado lahat." napapikit siya ng ilang segundo at pinapakalma ang sarili dahil alam niyang hindi makakabuti na magpakita siya ng labis na pagkabahala lalo na't alam niya kung gaano katindi ang pag-aalala ngayon ng kanyang mga kasamahan.

"Hindi naman nila hahayaan na mabastos o masaktan sila basta basta kahit na di sila marunong makipaglaban." paliwanag niya kina Uriah at unti-unting lumalakas ang kutob na maayos ang kalagayan nila Alexis. "Babae ako at ako ang lubos na nakakaintindi sa kanila sa ganoong sitwasyon.Lalo na't alam nilang may mga beast na nag aantay sa kanila sa labas ng club, gagawa at gagawa ng way ang mga 'yan para makalabas ng maayos. Kaya kumalma lang kayo." sabay hawak niya sa balikat ni Ethan na ramdam niyang labis din ang pag-aalala.

Hindi na sila umimik at sinunod nila ang sinabi ni Chin.

"Binuksan na ilaw." biglang sabi ni Ethan dahilan para mabaling ang atensyon nila ulit sa monitor. Doon ay tinitigan nila mabuti ang bawat screen ng lahat ng kuha ng CCTV. Habang hindi magkanda ugaga si Ethan sa pag pindot upang manatiling nasa loob ng CCTV system ng club.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon