chapter 31

8.5K 248 31
                                    

(Unting backread muna tayo guys. Thank you! Sorry sa sobrannnnng taggggaalllll ng update.)

AGATHA'S P.O.V.

"Sorry we're late." paumanhin ni Jonas nung makarating kasama si Demi. "Ano bang meron ngayon?"

Andito kami kina Uriah ngayon, kasama sila Doms, Ethan, Mars, Chin at Kurt. Ako lang ba nakakapansin? Iba ang aura nilang lahat. O ako lang ang weird ? Naninibago lang siguro ako kasi sinasama na nila ko sa mga usapan nila.

Dahil sali pusa lang naman ako dito ginagawa nalang ako ng kakainin namin. Magdidinner nadin maya maya.

"Padeliver nalang tayo." aniya ni Uriah nung di ko namalayan e andito na siya sa kusina.

"Wag na. Puro ka na nga fast food . Magluto nalang ako." sabay sulyap ko sa kanya saglit.

Sa sobrang hiya ko nakalimutan ko kung ano nga ba 'yong sunod kong gagawin. Hindi na ko natapos sa paghugas ng lettuce.

Basta kunwari busy ako, nahihiya pa ako kausapin siya. Dalawang araw na ang nakakalipas nung magcelebrate kami nung birthday ni Demi simula nun ngayon palang ulit kami nagkita.

Pero may napansin akong kakaiba, di ko alam kung na turn off ba siya sakin dahil dun. Kasi nitong mga nakaraang araw. Hindi kami madalas magkausap. Medyo matagal din siya magreply.

'O busy lang talaga siya? Sabagay, ang laki na nga ng eyebags niya busy siya sa plates.'

Hiyang hiya padin ako sa ginawa ko nung araw na 'yon, kahit kanina di padin ako tinitigilan nila Doms sa pang-aasar.

Parehas lang kaming tahimik, andun padin siya sa likuran ko at nag iisip padin ata kung magpapadeliver o hindi. Nakatingin ba siya sakin? Buti di niya ko inaasar, kundi baka nasapak ko siya.

"Tol, magsimula na tayo may... lakad pa ko mamaya..." aniya ni Ethan at dahan dahan bumabagal ang salita. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa kamay ni Uriah kaya napatingin din ako doon.

Biglang nataranta si Uriah, hawak hawak niya 'yong mga gulay na nahugasan ko na at parang... parang balak atang hiwain? Marahan niyang binitiwan yung kutsilyo at celery at tsaka tinignan tignan nalang ang ibang mga nakalagay sa mesa.

"Baka may mga sira na 'tong panghalo mo." kaswal niyang sabi at tsaka lumakad pabalik ng sala.

Tumingin sakin si Ethan na mas nakakabahala, nagdududa kaya siya? Nagulat ba siya na makitang maghihiwa sana ng gulay si Uriah? Kahit kahit ako nagulat. Tahimik lang kaming parehas. Kasi alam ng lahat na ayaw ni Uriah ang nagkakalikot sa kusina at lalo na ang maghiwa. Kaya nga puro deliver ang gawa niya palagi.

"Kailangan mo ba tulong?" tanong ni Ethan pero parang may ibang iniisip habang nakatingin sakin.

Ngumiti ako at umiling. "Okay lang. Mas maguguluhan lang ako pag may tumulong sakin hahaha."

Tinitigan niya ko ng ilang segundo dahilan para kabahan ako. Ito na naman, napapraning ako. Ano ba iniisip niya? Nahahalata na kaya niya yung samin ni Uriah? Na kakaiba ang mga kinikilos ng kaibigan niya?

"Doon ka na nga." sabi ko at nagkukunwaring masungit. Kailangan normal lang Agatha. Masyadong magaling ang instinct niyang kapatid mo.

Umalis naman siya at bumalik sa mga kasama.

Kailan kaya ko mapapanatag, hindi pa namin napag uusapan ni Uriah kung anong balak namin sa relasyon namin.

-----

"What are yoy trying to say? Iwasan ko si Kelvin?" rinig ko mula kay Jonas nung pumunta ako sa sala habang inaantay kumulo ang niluluto ko.

Pansin ko sa mga mukha nila ang tensyon lalo na sa mukha ni Jonas at Uriah.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon