1

155 9 2
                                    

Nandito kami ngayon sa canteen, at habang kumakain ako ng tahimik , kinukulit ako ng kasama ko, tinatanong ako paulit ulit na kung bakit hindi ko daw siya pinapansin kanina pang umaga, at bakit rin daw hindi ko siya kinakausap at pag nagkikita kami sa hallway hindi ko rin daw siya pinapansin. Daming tanong jusqkoporudy sarap tapalan ng tape

Isang napakalupet na sagot ko para sakanyang mga katanungan , 'Trip ko'

Kaya eto ka ngayon katabi ko na ang mokong na nasa tapat ko lang kanina, at kinukulit parin ako , hanggang di ko na kinaya na hindi ko siya kausapin , kawawa naman eh , at baka mawalan na akong ng pandinig mahirap na

"Oh nandyan ka pala." bati ko sakanya

"Grabe ka naman! kanina pa kaya kita kinakausap di mo kasi ako pinapansin eh bakit ba? Nagmumukha na akong engot dito tingnan mo dami narin nakatingin sakin hays dami ko talaga fans , HEY FANS!" sagot naman niya , daldal as ever sarap talaga tapalan

"Wala trip ko lang and please lumayo ka sakin bago pa kita bugbugin diyan"

"ah trip pala ha gumaganon kana ha" at dun na niya sinimulan pisilin yung pisnge ko na parang wala nang bukas , walangya talaga kahit kaylan , kita niyang may ngingungya akong pagkain eh , oh sadyang bulag tong lalaking to , bastusan ganun ba?

Pagkatapos niyang pagtripan yung pisnge ko at habang hinihimas himas ang kawawa kong pisnge , huhuhu rip cheeks , bigla niya nalang akong inakbayan at ngumanga na parang magpapacheck up ng ngipin, abat ginawa pa akong dentista , bunutin ko lahat ng ngipin nito kapag di ako nakapagtimpi , pero syempre joke lang yung gums nalang niya hehehe

"Nuyan , titingnan ko bibig mo? Papakita mo ba sakin yang mga tinga mo? Bakit ano mer---"

"subuan mo ko , gutom na ako" at ginawa pa akong alipin , walanjo sa ganda kong to? charot

"Hoy may kamay ka po at walangya ka rin eh bumili ka ng pagkain mo dun dami dami mong pera" ang duya talaga nito kahit kaylan

"sige na isa lang naman" isang sapak kaya?

"Isa your face , dun kana nga bumili kana , libre mo narin ako" at ang kupal chill lang habang nakaakbay sakin, kung itulak ko kaya to nakakangalay kaya ikaw banaman akbayan ng mabigat na braso , bato ata tong braso niya eh

"Dalii na ikaw naaa,  lilibre kita pero ikaw bibili"

"Ano ako utusan!?" Abay ginawa akong yaya anak ng tokwa naman oh

"Opo alipin po kita , alipin na taba" ABA BASTOS TO AH

"Ulul lumayas ka sa tabi ko aaliiiiss!"

Umalis naman ang kupal , masunurin na bata beri gud beri gud at masapak ko ng wala sa oras , pero ang loko lumipat lang ulit sa harapan ko at nakangisi pa , tanggalin ko kaya yung mukha niya leche

Iniwan ko na siya dun na nakaupo at nakangisi , sana mabulok siya dun , naglakad na ako pabalik ng room ng may biglang umakbay sakin , muntik ko nang mahampas kung sino yung epal na umakbay sakin pero nagsisi ako nang hindi ko tinuloy

"Ang bad , nangiiwaaaaan ganyan na ha" ang bata jusko sakit sa braincells

"Ewan sayooo"

"Yieeee galit na si taba taba"

"Tigiltigilan mo nga ako"

"Tabaaaaa"

"Heh"

"Hahahahahahahaha cute cute ni taba" sabay pisil sa pisnge ko , ano ba inggit much sa pisnge ko ha

"Luba--- yan mo nga- ako! Ang sakit na ng pisnge ko sayo kanina pa ha"

"Peace na tayo " at itinaas niya yung dalawa niyang daliri na naka peace sign alangan cross sign ,may ganun ba?

"Oo na Oo na basta libre mo ko mamaya"

"Yes poooo" maka po wagas ha

minsan- madalas pala , nakakabwiset tong lalaking to , kahit ang sarap na niyang hambalusin at ipalaplap sa mga dragon hay nako pasalamat talaga siya at ako naging kaibigan nito at buti mahal ko tong mokong na to , he will always and forever ( pero walang forever) be my number one
best friend.

-------------
A/N : Hello Everyone! Sorry ang lame ng first chap babawi ako sa mga next UD,Thank you so much for reading my works/ stories hope you all like it , enjoy reading and please vote , comment, support and share and also to inform all readers , this story never copied other stories plots , sariling sikap at gawa po itong storyang to (lols) at isa lamang itong fiction story , gawa gawa lang po to ng aking mahiwagang utak at ng malulupet kong imahinasyon , hope we can be friends di po ako nangangain ng tao 😂 , Hi narin sa lahat ng Army (BTS) diyan 💕

{Characters:

V from BTS
&
Irene from Red Velvet

are our main characters }

Best FriendWhere stories live. Discover now