13

33 5 2
                                    

Bago umuwi , pumunta muna kami sa isang convenience store para bumili ng ice cream , pampatangal inis lang dahil sa mga nangyari kanina

'ice cream nanaman ?'

"Pake mo ba? Ako naman kakain kaya shoo kanalang kung ayaw mo tsk"

'ang sungit naman hmp , baka nga meron ngayon' oo meron ako ngayon meron akong balak gawin sayo, ipapakain na kita sa mga aso bwiset

Bumili rin siya ng ice cream , gaya gaya tss,at nagbayad na pagkatapos magbayad pumunta naman kami sa park , kung saan lagi kaming tambay , isa rin ito sa mga gusto kong lugar , kapag galit ako o malungkot ako o naiinis ako , sa madaling salita stress reliver , dito lang ako pupunta (dami ko pang sinabi yun lang pala )

Umupo ako sa isang swing , at sa kabila naman siya , sinimulan na namin ang pagkain , bumili rin ang loko nainggit kasi tsk

'bat ang tahimeeeeeeeekkkkkkkk'

"Tahimik ka diyan , eh ang ingay mo nga eh sipain kita diyan"

'grabe siya oh' at di ko na ulit pinasin , mabuti naman kasi pinunta ko dito para magrelax hindi para mastress lalo nyemas

'galit kaba sakin?'

Umiling lang ako habang kinakain tong ice cream , mas mahalaga pagakin kaysa sakanya

'don't me , kilala kita galit ka eh , di mo ko pinapansin tapos ang tahimik mo pa 'eh alam naman na pala niya eh bangasan ko tong lalaking to

"Eh alam mo naman pala eh bat kapa nagtanong?"

'naman eh , sorry na kung ano man ang nagawa ko sayo ' at nagpout ang lolo niyo yak , napakadrama pa tsk

Di ko siya pinansin bahala siya diyan , nakakainis siya bwiset , di ko yan papansinin hanggang paguwi , pabebe muna ang lola niyo dahil andami kong alam

Habang naglalakad pauwi ang lamig , at ang lakas pa ng hangin , wala panaman akong suot o dalang jacket , wrong timing naman yung panahon bwiset naman oh kaya habang naglalakad pauwi ay nakayakap ako sa sarili ko sa sobrang lamig , ayan kasi pa ice cream ice cream ka pa napala mo tsk

Nagulat nalang ako ng may nagpatong sakin ng isang jacket , alam niyo naman na kung sino naglagay nun diba ? wala naman na akong ibang kasama dito kundi ang bestfriend kong kupal

" paano ka? Malamig kaya baka ubuhin ka niyan at sipunin" wow concern bisprin pero parang kanina gusto nang itakwil sa bwiset eh, wala eh malakas tama ko dito sa kupal na to

'okay lang , basta ikaw okay ka okay narin ako , diba sabi ko sayo nung bata pa tayo aalagan kita at proprotektahan , pangako ko yan sayo ' bigla ko nalang naalala ulit yung sinabi niya nung mga bata pa kami

-flashback-

Nandito kami sa park nagswiswing kasama si bespren hihihi

"Bespren slide tayo!!" Sigaw ko sakanya

msige ikaw na mauna, dito ako aabangan kita baka mahulog ka eh'

Sweet naman ni bespren hehehehe kilig na ako , nagslide naman ako dito sa mahabang slide , ang sayaa!

"Wiiiiiiiiiii"

'oh dahan dahan bespren'

"Wiiiiii--- aray!"

Nasabit ako sa hawakan ng slide ang bad huhuhuhu , bad slide I hate you na

'bespren!'

"Huhuhuhu ansakit bespren " may sugat yung braso ko ang bad nung slide talaga wawa naman ako

'halika nga gamutin natin yan'

Umuwi agad kami kasama siya , para malinisan yung sugat ko at syempre humingi kami ng tulong kay mommy

'tita mommy pwede po kami bumili ng ice cream itretreat ko po si iyakin hehehee'

"Hindi ako iyakin!!"

'hehehehehe joke lang 'at ginulo yung buhok ko waaaaaa!

Umoo naman si mommy kaya hinila niya agad ako palabas , parang dadagdagan pa ata ni bespren yung sugat ko huhuhuhu

Pagkabili namin kinain ko na yung ice cream ko habang siya at walang kinakain , hala bat wala siyang ice cream? Kawawa naman si bespren

"Oh bat di ka bumili ng ice cream mo?"

'nilalamig ako eh ikaw nalang kumain'

"Eh? Eto oh sayo nalang , o di kaya share tayo "

'sige sayo na basta okay ka okay narin ako at ipapangako ko sayo na aalagaan kita at proprotektahan hanggang sa paglaki natin , okay?'

"Okay!" I love my best friend , so much

-end of flashback-

Napangiti nalang ako nung maalala ko yun , at natuwa rin dahil sakanya dahil tinupad naman niya yung pangakong yun , Hindi niya ako binigo

'oh ngingiti ngiti ka diyan?'

"Bakit masama?"

'oo kaya, tinatakot mo ako bigla bigla ka nalang ngumingiti diyan , mamaya sinasapian kana pala eh batukan kaya k--- Aray naman!' inunahan ko na siyang batukan , batukan daw ba ako ? Kakapangako palang niya saakin kanina diba? Witness ko kayo kaya ipaglaban niyo ako, Ansama talaga , wow nagsalita

"Tss" nauna na akong maglakad at umuwi na , umuwi narin siya at nagbabye saakin , kumaway lang ako sakanya , nilalamig na ako piste naman

Pumasok na agad ako para di na malamigan at ginawa na ang dapat gawin, pagkatapos kong gawin lahat ng dapat kong gawin ay nahiga na ako at nagpatugtog sa phone ko, habang nagpapatugtog may isang notif na lumabas , nubayan istorbo eh ganda ganda na ng kanta, binuksan ko yon at napasimangot sa nakita ko ,isang message nanaman

From : Kupal kong bespren

Matulog kana may practice pa bukas , Saranghae











Bestfriend

•••
Korean words:

Saranghae - I love you

Thank you for reading and voting , hope you all enjoy ☺

Edited and Revised: 01/16/17

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon