16

26 4 3
                                    

May pasok na ulit at makikita ko nanaman sila , silang magkasama , makikita ko nanaman masaya ang best friend ko , masaya dahil sakanya

Habang naglalakad magisa papunta sa school , napapangiti nalang ako ng mapait kapag naalala ang mga panahong gusto ko pa siya , gusto ba talaga o mahal? Hindi naman ako magiging ganito kung di ko siya mahal diba? Mahal ko na nga , dati pa pala

Bat ko kasi nagawang mahalin ang katulad niya ? Na best friend ko pa? Sa dinami raming lalake sa mundo bat siya pa? Bwiset na buhay

Pagdating ko agad sa room isinubsob ko agad ang mukha ko sa desk , para makaiwas sa mga mata niyang aali-aligid , delikado na baka ano pang magawa ko

Pero maloko ang tadhana , saktong pagkaangat ko ng ulo ko may nakaabang na mga mata saakin , mga mata ng best friend ko , mga mata ng mahal ko

Napaiwas naman agad ako dahil ayoko na muna siyang pansinin , kasi masakit , masakit dahil tinago niyang may gusto siyang iba , masakit dahil di na siya nagsasabi saakin, masakit dahil akala ko may 'chance' , masakit dahil wala na talaga akong pagasa

Lutang ako buong maghapon , andami naring nakakapansin na lutang ako magdamag sa klase , para tuloy akong adik , gusto ko nang umuwi , gusto ko nang magpahinga , makalayo muna sa mga problema at hinanakit sa buhay (grabehan)

Pagkatapos na pagkatapos ng last subject lumabas agad ako at naglocker para makauwi na , at para narin maiwasan ko siya , silang dalawa

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakaalis ako ng walang nanggugulo saakin , bago dumercho pauwi bibili muna ako ng makakain, pampagaan ng pakiramdam ,

ice cream

Si ice cream na laging nandyan kapag kaylangan kong sumaya , salamat at naimbento ka ice cream isa kang alamat

At dating gawi sa may park ako tatambay at mageemote magisa , habang kumakain may mga batang dumating , isang lalaki at isang babae , ang saya nilang tingnan ,buti pa sila wala silang iniisip na problema , yung lagi silang masaya at walang paki alam sa mundo kundi silang dalawa lang ang nageexist (turuy)

Kung pwede lang ulit maging bata eh kanina ko pa ginawa , Kung alam ko lang kung paano gumawa ng timemachine hayst

Umakyat ako sa isang puno at umupo sa may sanga nitong malaki , aaminin ko na po na may lahing unggoy po ako dahil mahilig ako umakyat ng puno pero joke lang yun di po ako unggoy sa ganda kong to? Tsk sayang tong mukha ko kung magiging unggoy lang , madaming lalaki na magpapakamatay, Kawawa naman sila tsk tsk tsk , hay eto na ba nangyayari kaba broken hearted? Nagiging mas mahangin? Naku malala na ako , binalik ko yung tingin ko sa view, ang ganda ng view dito sa taas , yung dalawang bata naglalaro parin , di pa ba sila hinahanap ng mga magulang nila? Malapit na maggabi ah ba-

'Hey it's dangerous up there you know' little boy

Buti pa sila may pake saakin eh yung isa diyan , hayst paano ba ako makakapagmove on dun sa kupal nayun 'wow naging kami?', how? How how the carabao di batutin? Charot

Bumaba naman ako at baka magalit pa saakin tong dalawang tong kacute na mga bata, pero parang English spokening tong mga to eh omaygad my blood is nosing don't me joke unle hehehehe

Best FriendWhere stories live. Discover now