17

22 4 5
                                    

Papasok nanaman (wala nang nagbago lagi nalang may pasok hayst) makikita at masasaksihan ko nanaman silang dalawa , oh Lord ano pong kasalanan ko at ginaganito niyo po ako? Pinapahirapan

At gaya ng dati pagkapasok sa room derecho agad sa upuan at ipinikit ang mga mata at isinubsob ang mukha sa may arm chair 

Habang nagihintay na may magsalita ng "goodmorning class" bigla kong naalala na may practice ngayon ng sayaw , makakasama ko nanaman siya

At syempre nandun nanaman yung kanyang 'love of his life' tsk , pesteng buhay yan , nakakabadtrip umagang umaga eh , piste yan pisteeeh

Dumating na yung teacher namin at wala pa yung gugong nayun - eh bakit ko ba siya hinahanap? Wala naman yun pake sakin kaya bat ko pa siya hahanapin? Hinahanap rin ba niya ako? Hindi diba? Hayst pakidala na po ako sa mental nababaliw na po ako , baliw na baliw sakanya.

Bago umalis si mam nagbigay ng napakabigat na mga gagawin , kung makapagbigay ng project wagas eh, may galit ata samin , di uso sakanila ang taympers huhuhu

Hindi po kami robot na mabilis magawa lahat ng pinapagawa , tao rin po kami katulad ninyo , napapagod rin kami, may damdamin rin kami

Okay tama na dramahan at pasensya narin po nadala lang hayst , siguro kulang lang ako tulog at pagkain at pagkain at tulog at pagkain at pagkain at tulog.

Palabas na si mam nang bumukas yung pintuan at dun iniluwal ang lalaking nagpatibok ng aking puso(ululs)- este yung kanina ko pang hinihintay-ay yung kupal naming classmate.

Ibinigay na niya yung excuse slip niya at dumerecho sa upuan niya na katabi ko lang, napansin ko na haggard at bagong gising siya at lumalalim yung eye bags niya at ang daming kurot sa braso at napansin ko rin na ang dami kong napapansin

Bigla naman siyang lumingon at umiwas naman ako , ayaw ko pa muna siyang kausapin o titigan o tingnan, lumabas ako ng room at dumerecho sa cr para tumambay joke tinatawag na kasi ako ni kalikasan may paguusapan siguro kami, magmemeeting lang ganun.

Pagkatapos naming magusap ni kalikasan (umihi) , pumunta ako sa mga lockers pagkabukas ng locker ko may nakita akong isang post it na kulay blue na nakatupi, at syempre binuksan ko at eto ang nakita ko

" 안녕하세요!

- "

Watdahek bakit nagakaroon ng ganito dito? Ano to? Di ako marunong magbasa nito at anong bansa to? Chinese ba to? Jusko sumasakit ulo ko dito , nakooo headache abot ko dito eh jk wala akong head ache lang pero para saan yung ache? para ba sa puso ko ? oo at a :c

Kinuha ko na lahat ng kaylangan ko sa locker at bumalik sa room, pagkapasok ko wala paring teacher at kapag walang teacher mainggay at kung ano ano ang ginagawa nila , naglalaro , naghaharutan , nagbabatuhan ng papel , naghahabulan na parang nasa park na parang ang lawak ng room , at kanya kanyang trip sa buhay , at ngayon ako ata trip nitong katabi ko kanina pa eh , pero mamaya maya tumigil rin Hallelujah! Praise the Lord!

Hindi ko na siya pinansin pero naalala ko pala na makulit tong katabi ko at hindi susuko hangga't di niya nakukuha yung dapat niyang makuha, nagtatanong nanaman sakin , walang kapaguran na daldal , ratatat ang bibig

Best FriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя