15

19 4 3
                                    

Habang naglalakad pauwi magisa , bumili muna ako ng ice cream , pampagaan lang ng loob , peste kasi nangyari kanina

Habang dala dala ko ang dalawang gallon ng ice cream at isang nakacone , dumeretcho muna ako sa park , gusto ko lang mapagisa ngayon , okay lang na magkabrain freeze ako o masaktan yung utak ko , wag lang yung puso ko

Pagkaubos ko ng ice cream kong nakacone , binuksan ko agad ang isang gallon ng ice cream , pagkaubos ko ng isang gallon yung isa naman, ako lang uubos ito alang nang aangal ang umangal panget

Nagtataka kayo kung bakit ako magisa at kumakain ng ice cream magisa at uubusin magisa at ako lang magisa sa park

Napakasimple lang ng sagot ko diyan , pake niyo ba? Eh sa sawi ako ngayon , gusto kong mapagisa at gusto kong kumain ng madaming ice cream , baka sumaya naman ako kahit kaunti

Ang husay kasi ni tadhanang manakit eh , talagang direct to the point , wala man lang signal na dadating agad yung sagot ko sa tanong na 'sila na ba' , pinapamukha talaga ni tadhana na 'wala na talagang pagasa'

Pagkakita ko at pagkadinig ko palang kanina ang mga nangyari ay umalis agad ako at derecho labas ng campus , naguluhan rin ako kanina bigla bigla nalang ako umaalis at bigla bigla nalang ako nagtatakbo sa daan hanggang makarating sa store para bumili ng ice cream

Napapailing nalang ako para sa sarili ko , bat ko pa ba pinagpipilitan na may pagasang mahalin rin niya ako gaya ng pagmamahal ko sakanya , hindi bilang magkaibigan kundi mas higit pa dun

-flashback (earlier)-

Napatingin ako kung sino ang sumigaw nun at pagkakita ko palang sakanya di na ako nagdalawang isip na kunin ang mga gamit ko at umalis , napakabilis naman magreply si tadahana sa tanong ko , nasurprise ako dun ah

Narinig ko pang sinisigaw niya ang pangalan ko at bumalik daw ako dun , grabe naman na so gusto mo pang ipamukha saakin ang paglalandian niyong dalawa at ako isang dakilang salingkitkit?

Di ko namalayan na madaming tumatawag saaking mga kaklase ko at mga nakakakilala saakin , para akong lutang kanina na parang ang laki laki ng problema ko

Bakit ba galit na galit ako at naiinis sainyo lalo na sayo , at bat naman ako maiinis at magagalit eh kung sa una palang alam kong hindi mo ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko sayo

Naiinis rin ako sa sarili ko , ang tanga ko talaga kahit kaylan , umaasa parin ako sa mga bagay bagay na wala na talagang pagasang mangyari

-end of flashback-

Gaya ng sabi nila , kapag sobra na at di mo na kaya , tama na , itigil na , suko na , awat na wag mo nang pilitin ang sarili mo kung di na talaga kaya at kung alam mo nang walang mararating ang mga pinagpipilitan mong mga bagay

Simula ngayon , suko na ako tama na ayoko nang umasa , pagod na ako ,gusto ko ring sumaya , tama nga ang sabi nila, ang sakit sakit umasa sa taong mahal mo na sa simula palang ay wala ka nang pagasang maging kanya , siguro tinadhana talaga kami ,









Tinadhana kami na hanggang magkaibigan lang.

-----------

Edited and Revised : 01/21/17

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon