12

40 6 5
                                    

Weekend na , alam niyo naman anong meron ngayon diba?diba?diba?diba?diba?

Sorna na po excited lang ako pero di ko maintindihan sarili ko ngayon , masaya na nagpapanic na excited na naiinis, bwiset

Masaya dahil sisimulan na namin yung sayaw naming dalawa , nagpapanic kasi baka magkamali ako , excited kasi kaming dalawa lang magkasama buong araw ngayon at naiinis dahil sa nangyari sa mga nakaarang araw , bwiset

Wag niyo nang tanungin kung ano nangyari nung mga nakaraang araw nakakaleche lang , nakuuu nakakainis kapag naalala ko yung dalawang yun sarap nilang paguntugin mga piste

Pero pakshet talaga di ko kaya to kaya sasabihin ko na sainyo (pabebe pa kasi sasabihin rin pala dami talagang alam)

*Excited na ako ngayon dahil ito ang araw na nakasali na ako sa grupo nila , kaya pagkatapos ng klase direcho agad ako sa room.

Pagkapasok ko sa room , unti palang ang tao dito , at wala parin ang magaling kong kaibigan napakanice.

Habang iniintay si magaling na leader ay bumukas ang pintuan akala naming magkakasama dito ay ang aming napakahusay na instructor, hindi pala

"Hi "

Bigla nalang ako nainis , bakit siya nandito? piste

At lalo akong nainis nang kasama pala nitong babaeng to ang aming magaling na leader , ang taong kanina ko pa hinihintay tsk, nawalan na tuloy ako ng ganang magpractice

'Sorry guys nalate ako , may bago kasi tayong members , kilala niyo naman na kung sino sila diba nasa harapan niyo naman na , kaya magsimula na tayo.'

Nang makita niya ako na nandito nasa isang sulok pinuntahan niya ako

'masyado kanamang excited , kaya iniwan mo nalang ako kanina sa room hahahahhaha'

"Ewan sayo" at pumunta na sa gitna para magsimula na , pero nakakainis lalo dahil magkatabi lang kami nitong babaeng to peste

Nagdaan ang araw , naisayaw naman namin ito ng mabuti , pero di parin maialis ang pagkainis dun sa babaeng yun, gusto niyong malaman kung sino yung kinakainisan ko? Siya lang naman yung babaeng nabungo ng aking tatanga tangang kaibigan sa canteen , Ewan ko kung bakit inis na inis ako sakanya

Pero nalaman ko rin kung bakit ako naiiinis dun sa babaeng yun , dahil lang naman ay naglalandian silang dalawa , silang dalawa ng best friend ko.*

Sinong di maiinis dun aba , Kaya pagpasok ko sa loob ng room ay nandun na siya nakangiti magisa tss , nabaliw na

"Anong nginingiti mo diyan"

'Ay pot-- papatayin mo ba ako?! Langya ka kumatok ka naman'

"Tss" oo papatayin kita gusto mo now na? Pero joke lang di ko kaya na mawala ka chos

Nagsimula na kami at nagpapasalamat ako dahil maayos naming nagawa ang pagsayaw , pero may napansin siya sakin , di ako masyadong nagaganahan magpractice

'bat ka ganyan?'

"What"

'anong what what , whatwhatin kita diyan eh' inirapan ko nalang siya wala ako sa mood kaya wag niya akong sisimulan kundi masaampulan ko yan naku

'bat ang sungit mo?meron kaba ngayon ? Gusto mo bukas na---'

"Wala to"

'asuuus, hoy dont me di ako pinanganak kahapon para--'

"Alam ko dahil pinanganak ka nung May 14 ----"

'naman eh! Seryoso na kasi , bat ka ba ganyan? Anyare ba' nagtanong pa , gusto ata nito ng sapak eh

Ngumiti ako ng peke para di na ulit siya magtanong nakakairita na mga bes" Kulit sabi nang wala eh"

'hayst sige na nga ' at ginulo ang buhok ko at inakbayan ako habang naglalakad pauwi , takteng yan di niya ba alan kung gaano kahirap magayos ng buhok?!

Nakakabwiset , bat kasi sumali pa yung babaeng yun at kapag tuwing kasama niya siya at lalapitan siya ay sabik na sabik makita siya ,bat ba kasi ako nagkaganito ? Peste!

bakit ba ako nagseselos?

At bat naman ako nagseselos ? Sila ba?

Pero pano kung sila na nga?

----------

Edited and Revised : 01/16/17

Best FriendWhere stories live. Discover now