Chapter 17 - Command Room

3K 135 4
                                    

Si Armando, kilalang kilala na ito ni Pepe dahil kanina pa nito tinatamaan ang buo niyang katawan. At kahit masakit ay hindi siya nagrereklamo. Sino siya para magreklamo? Sa harap niya ay isang babae na handang iaalay ang buhay at isinantabi ang pang sariling interest para protekahan ang mga tao. Hindi nagkataon na Armando ang pinangalan ng matanda sa paborito niyang sandata. Si Armando ang kanyang pangarap at True Love. Subalit ngayon kahit ilang ulit niya bangitin ang pangalan nito, ang tanging sasagot na lamang ay isang malamig at walang buhay na sandata.

"Umilag ka!" sigaw ng matanda na handa na ulit umatake. Huminga ng malalim si Pepe at hinanda ang sarili para dumepensa. Naglakad ang matanda papalapit at inihampas ang baston papunta sa ulo ni Pepe. Inilag ni Pepe paatras ang kanyang ulo pero humakbang ulit ang matanda at nahabol nito ang kanyang target.

Humapdi ang noo ni Pepe at ang kasunod nito ay isa pang tama sa binti. Tumalon si Pepe paatras na halos maiyak na sa sakit. Puno na ng pasa at pawis ang kanyang buong katawan pero tumayo ulit siya ng maayos at inihanda ang kanyang sibat, "Kaya ko pa!" isip niya.

Tumigil ang matanda sa paglakad at biglang naglaho si Armando, ang kanyang baston, "Tapos na tayo sa ngayon", sabi nito.

Napahinga ng malalim si Pepe sa narinig. Binitawan niya ang kanyang sibat at bigla itong nahati sa maliliit na piraso bago tuluyang maglaho.

"Lola!"

Lumingon si Pepe at nakita si Elena na papasok mula sa malaking pintuan ng dojo, "Nakumpirma ko na po yung mga sinabi niyo sa akin. Dugo po ni Adam ang laman ng Lukbutan."

"Good," sagot ng matanda.

Si Pepe naman ay nakatunganga lamang sa magandang babaeng naglalakad papalapit. Ngayon lamang niya nakita si Elena na naka suot ng maikling paldang hapit na hapit sa legs at long sleeves na plunging ang neckline. Nag-init ang pakiramdam ni Pepe at parang nabawasan ang sakit ng kanyang katawan.

"Sa Command Room po tayo," sabi ni Elena.

"Susunod na ako," sagot ng matanda.

Naglakad si Pepe at Elena papunta sa hallway. Mabagal ang lakad ni Pepe dahil sa sakit ng kanyang binti at hita. Bago siya pumasok sa pinto ng Command Room ay napalingon siya at napansin ang paiwas na tingin ni Lola sa mga larawan na nakasabit. Napatingin na lamang siya sa sahig nang nakita ito. Pagpasok niya ay tinuro ni Elena na nakaupo sa harap ng isang computer na maraming screen ang isang mahabang lamesa sa gitna ng kwarto. Gumalaw ang mga kamay at daliri nito sa keyboard at umilaw ang lamesa. Pagkatapos nito ay lumabas ang isang holographic image ng Pilipinas.

"Ang mga ilaw na nakikita nyo ay ang mga kompanya na pag aari ng mga Wolfgramm; lima sa Mindanao at tig-tatlo sa Visayas ay Luzon. Lahat ng iyan maliban sa dalawa ay direktang kontrolado ni Calvin sa pamamagitan ni William Tan. Ang dalawa naman ay kontrolado ni James Wolfgramm, anak ni Calvin."

"James? Siya ba yung Prince daw?" tanong ni Pepe.

"Yes, siya ang may pakana ng nangyari sa garden at hindi niya kasundo ang Ama niya."

"Sa ngayon ay nasa Mindanao si Calvin para maghanda sa Blood Ritual." sagot ni Elena ngayon ay tumayo at lumapit sa lamesa.

"Blood Ritual?"

"Oo, ang ritual na ginawa ni Adam gamit ang dugo ng isang tikbalang at ngayon naman ay gagawin ito ni Calvin para maging kasing lakas niya si Adam."

Napahawak sa noo si Pepe, "Sobrang lakas na niya ngayon. Hindi tumalab sa kanya yung apoy na proteksyon ng Lukbutan. Tapos lalakas pa siya?"

"Oo, ang apoy na sinabi mo ay gawa nga ni Amang para masunog ang mga aswang na hahawak sa Lukbutan subalit hindi ito sapat para sa mga Wolfgramm. Si James, nasunog man ay buhay pa at nagtatago at nakita mo na walang epekto ang apoy na iyon kay Calvin."

Aswang Hunter | New BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon