Chapter 96 - Para sa Katarungan

765 41 8
                                    

Naging abo ang singsing at natigilan ang lahat habang unti-unti itong tinatangay ng hangin.

Humigpit ang hawak ni Calvin kay Pepe, "You are useless now," sabi niya sabay tapon kay Pepe sa lupa na parang isang papel na nilapirot sa kanyang kamay.

"HAhhhhh!"

Isang sigaw mula sa likod ng aswang ang mabilis na tumawag sa kanyang pansin. Si Elena, hawak ang isang sectus na sibat ay sumugod kay Calvin. "You will be the first to die," sabi ni Calvin. Sasalubungin ni Calvin ng atake si Elena subalit biglang nagbago ang kanyang isip at umilag na lamang sa saksak ng sibat.

"WHAT?" Nanlaki ang mata ni Calvin dahil agad niyang napansin na hindi pa din nanunumbalik ang kanyang lakas. Dapat ay naramdaman na niya agad iyon subalit mahina pa din siya. Nanlaki din ang mata ni Elena subalit mayroong itong kasamang ngiti.

"THE RING! YOU STILL HAVE IT!" sigaw ni Calvin.

Tinuloy ni Elena ang pagatake at walang nagawa si Calvin kung hindi umilag. Planado ang kanyang bawat saksak at hampas. Hindi lang niya basta hinihila ang kanyang sibat matapos niya itong isaksak. Iniikot niya ito paitaas, paibaba o pahalang upang hindi makabalik ng atake si Calvin. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng emosyon ang mukha ni Calvin. Galit. Puno ng galit ang kanyang mata. Hindi niya matanggap na naisahan siya ng kanyang mga kalaban.

"Arms of Ignis," sabi ni Calvin. Nagliyab ang kanyang dalawang braso at hinarang niya ang isa sa mga saksak. "Ah the infamous Hell Fire. I did not know it can a stop a sectus," sabi ni Elena. Titig na titig sa mata ng kaharap, "WHERE IS IT?" sabi ni Calvin sabay hawak sa sibat ni Elena. Lumabas muli ang ngiti ni Elena.

"Here," sabi ni Pepe mula sa likod. Pinakita niya ang kanyang kaliwang kamay at tinanggal ang kanyang dignum na gloves. Nanlisik ang mga mata ni Calvin at isang mabagsik na ungol ang lumabas nang ibinuka niya ang kanyang bibig. Ungol na tulad ng sa isang Leon. Lumakas ang apoy sa dalawang braso niya at nagpakawala ito ng matinding heat wave.

Sumalag ang lahat sa heatwave na ito at biglang humarap si Calvin kay Pepe. Inilapat niya ang kanyang dalawang palad sa lupa na parang isang leon at mabilis na sumungab.

Si Pepe ang kanyang pakay. "STOP HIM!" sigaw ni Elena. Pinulot niya ang sibat ni Pepe sa sahig, "Linara!" sigaw niya at pagkatapos ay inihagis niya ang sibat kay Calvin. Agad na rumisponde si Linara sa sigaw ni Elena. Biglang nawala ang diwata at sumulpot sa harap ng dignum na sibat. Tumagos ito sa kanyang katawan at pagtagos ay nababalot na ito ng maputing liwanag.

"MINERVA!" sigaw ni Pia mula sa taas habang nakaturo kay Calvin. Tumindi ang liyab ng ahas at mabilis itong tumalon pababa. "Susuportahan ko kayo," sabi ng tumatakbong si Hinaryo hawak ang kanyang espada. "Okayyyy! TAPOS KA NA!" sigaw ni Karl na tumatakbo din.

Tatlong metro na lamang ang layo kay Pepe. Walang pakielam si Calvin kahit na hinahabol siya ng atake sa lahat ng direksyon. Ang kailangan lamang niya gawin ay masira ang singsing na kaliwang kamay ni Pepe. Umungol muli siya at binalot ng apoy ang kanyang buong katawan. Bumuka ng mas malaki ang kanyang bibig kung saan makikita ang mahahaba niyang pangil at lumabas ang mahahaba at matatalim niyang kuko.

"Handa ako, come and get me!" sabi ni Pepe.

Nagsalubong ang lahat sa harap ni Pepe at nagdulot ito ng malakas na pagsabog. "NOOOOOO!" Napasigaw si Pia. Tumalon siya pababa sa kanyang sinasakyan subalit huli na ang lahat. Bumaon ang malalaking pangil ni Calvin sa leeg ni Pepe. Napaatras ang lahat dahil sa pagsabog at naiwan si Pepe sa apoy at pangil ng kalaban.

Tahimik ang lahat habang unti-unting lumilinaw ang paligid mula sa pagsabog. Maaninag na nakatayo pa din ang dalawa. Wala na ang singsing sa kaliwang kamay ni Pepe. Sinunog na ni Calvin kasabay ng pagsabog.

Binunot ng aswang ang kanyang kagat kay Pepe na nagbigay ng malaking butas sa leeg at balikat ng binata. Pagkatapos ay tumingala si Calvin at nagpakawala ng isang malakas na ungol.

"Pepeeeee!" sigaw ni Pia nang makita itong nakatayo at sunog ang ilang parte ng katawan. Tumakbo ang dalaga papunta kay Pepe. Tinignan siya ni Calvin at sumuntok ito sa hangin. Kasunog ng suntok ng aswang ay isang kamao na gawa sa espiritwal na enerhiya ang tumama kay Pia. Sinalo ni Hinaryo ang dalaga, "Pigilan mo ang iyong emosyon. Ayaw kong mamatay ka dito," sabi nito.

"IT'S BACK. I FINALLY GOT RID OF THAT RING!" sabi ni Calvin. Tinignan niya ang kanyang palad at kamao at napangiti. Tumingin si Elena sa paligid, "Nasaan na ang sibat?" bulong niya. Nakita niya ito sampung metro ang layo sa kanyang likuran at agad kinuha, "Tumalsik ito dahil sa pagsabog kanina," bulong niya.

"It's not over yet!" sigaw ni Elena habang tumatakbo hawak ang sibat ni Pepe. Nababalot pa din ito ng liwanag ng sectus na galing kay Linara. Sumugod din muli si Linara. Nakita ito ni Karl at tumalon ng mataas at sumigaw, "DRAGON CLAW!". Bigla naman bumangon si Pia at sumugod din at syempre ay sumunod si Hinaryo.

Tinignan ni Calvin isa-isa ang mga pasugod sa kanya. Sa kanyang lakas ngayon ay parang mabagal ang kilos ng mga ito. Ang pinakamalayo ay si Elena. "Good in combat but her weapon, a dignum spear coated with sectus, a good weapon but not strong enough. Weak," sabi niya.

Tinignan niya si Karl na nasa itaas, "Weak", sabi niya. Sunod niyang tinignan si Linara na sunod na mas malapit, "An old high caliber sectus; a strong weapon but it's something I can handle." At ang natitira, "Two Vishayans; the male is stronger than the female. Vishayans are tricky but so far their attacks have been weak," sabi niya. "And this kid behind me. A broken kid. Not a threat."

"ITS OVER! TIME TO SHOW YOU WHAT I CAN REALLY DO WITH THIS BODY... LIGHTNING ROD!"

Dumagundong sa buong paligid ang salita ni Calvin at nagsimulang magkaroon ng kislap ng kuryente sa kanyang katawan, "COME AND DIE," sabi niya. Lumakas ang kuryente sa katawan ni Calvin subalit bigla itong nawala. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Tinignan niya ang kanyang palad at ilang ulit itong tiniklop.

"WHAT?"

Iyan na lamang nasabi ni Calvin. Tinignan niya muli ang mga sumusugod sa kanya. Sa dalawang segundo na lumipas ay hindi na si Karl ang pinakamalapit sa kanya. Si Linara na ang nauuna. Sumuntok sa hangin si Calvin subalit walang espiritwal na enerhiya ang lumabas. Dalawang metro na lamang ang layo ni Linara. Seryoso ang mukha nito hawak ang kanyang dalawang espada at handa nang magbigay ng pinsala. Sumuntok muli sa Calvin subalit wala pa ring espiritwal na enerhiya.

"WHAT IS THIS?"

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng bahid ng pagkabahala sa mukha ni Calvin. Tinignan muli niya ang mga sumusugod sa kanya at napansin niya ang isang maliit na detalye kay Elena. "Her spear is different!" sabi niya. Lumingon siya kay Pepe at dito niya nakita ang sibat na kanina ay hawak ni Elena.

"THE RING! IN THE SPEAR!" Nayanig si Calvin sa kanyang natuklasan at inikot ang kanyang katawan.

Malalim ang paghinga ni Pepe. Puno ng galos, bugbog at sunog ang kanyang katawan. Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang sibat. Hinakbang niya ang kanyang kanang paa at ginamit ang lahat ng natitirang lakas ng kanyang katawan upang isaksak ang kanyang sibat.

"PARA SA KATARUNGAN!" sigaw niya.


Itutuloy.....


**********************************************************************************************************************************************************************************************

Enjoy!

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now