Chapter 64 - Ang Pagbalik

1.7K 103 13
                                    

Namumula ang buwan. Sa paligid nito ay namumuo ang manipis na tubig na bahagyang kumikinang. Gumagalaw ito at pumipiglas na para bang pinipigilan ang sarili umiyak. Mapusyaw ang alay nitong liwanag na dumagdag pa sa malungkot na kalagayan ng kawawang bayan na sinakop ng mga aswang.

Isang maliit at pabilog na portal ang sumulpot sa isang kagubatan sa ilalim ng buwan. Sa gitna nito ay isa-isang lumabas ang tatlong naikaitim na pigura. Sinuri nila ang paligid, "John, andito na kami," sabi ni Pepe.

"Good! Ang current location ninyo ay 5 kilometers south west mula sa target," sabi ni John. Tumagilid ang ulo ni Karl, "Wow, ang linaw naman ng dating mo sa hikaw na'to!" bulong niya.

"Well, wag mo ikumpara sa technology natin yan dahil mukhang out of this world ang pinanggalingan ng mga hikaw na iyan," sabi ni John. "Walang wirings, walang buttons. Basta gumagana na lang on our command."

"It looks different here," sabi ni Pia, "It's darker compared sa mga video feeds na nakita previously. At ang moon! It looks so sad!"

"DAPA!" sabi ni Pepe mula sa unahan. Limang aswang na naka-uniporme ang sumulpot sa taas nila at agad na tumalon si Pepe para salubungin ang mga ito, "Sibat!" sabi niya.

Sa isang saglit ay sabay-sabay bumagsak ang mga aswang sa unahan ni Pia. Si Pepe naman ay dahan dahan na lumapag sa lupa at paglapag niya ay agad na nawala ang sibat sa kanyang kanang kamay, "Mag-ingat tayo," sabi niya.

Napataas ang kanang kilay ni Pia sa nangyari at mukhang namangha sa kisig at galaw ni Pepe, "You're right," sabi niya. Naging seryoso ang kanyang mukha, tinawag niya ang kanyang libro, "Minerva!" sabi niya at lumabas ang kanyang nagaapoy na ahas. Pumulupot ito sa kanyang braso at hinalikan niya ito, "Find Lolo!" sabi niya.

"Sana ahas na lang ako," sabi ni Karl, "Ay kaya ko pala maging ahas!"

Biglang nagliyab ang ahas at tumubo ang isang pares ng pakpak na apoy sa likod nito. Tumalon ito sa braso ni Pia at lumipad papalayo "Okay, I"m ready," sabi ni Pia habang lumulutang ang isang libro malapit sa kanyang kaliwang balikat.

Pumihit pakaliwa si Karl, "Sige, dito na ako," sabi niya. Tumingin si Pepe sa kaibigan at lumapit dito, "Mag ingat ka. Hindi pa tapos ang laban natin," sabi niya. Inabot ni Pepe ang kanyang kanang kamay sa kaibigan at mahigpit itong inabot ni Karl.

Ngumiti si Karl, "Gusto mo ulit matalo?"

"Asa ka pa," sagot ni Pepe. Binitawan nila ang isa't isa at sabay na tumalikod, "Let's go!" sabi ni Pia at biglang nawala ang tatlo.

Tinignan ni John ng maigi ang monitor na kaharap.

"Karl! Dire-diretso lang! Sa bilis mo ngayon ay dadating ka sa target location mo in 4 minutes!" sabi ni John.

"4 minutes? Antagal!" sabi ni Karl. Binilisan pa niya ang kanyang takbo at sa kanyang dinadaanan ay may nakita siyang limang aswang na magkakasama.

"Karl! Anong ginagawa mo? Wag ka lumihis sa plano!" sabi ni John nang makita na lumiko si Karl papalapit sa limang aswang. "Karl!" sabi ni John.

"Wag ka ngang maingay diyan!" sabi ni Karl.

Nakita siya ng mga aswang at agad siyang sinugod nito. Sunod sunod na inilagan ni Karl ang mga kalmot, suntok at sipa ng mga aswang.

"Mas mabilis pa si Pepe sa inyo," sabi niya. Sinuntok niya ang isa sa panga at agad itong bumagsak. Mabilis na gumanti ng sipa ang katabi ng bumagsak subalit madali itong nailagan ng binata sabay ganti ng kanyang sipa na nagpabagsak din dito.

"Isang tama lang bagsak na sila," sabi niya.

Nagalit ang tatlong natira at nagbago ang mga hitsura ng mga mukha nito. Dalawa ay naging mukhang aso, ang isa naman ay bayawak. Sumugod ang tatlo at isang kalmot ng bayawak ang tumama kay Karl.

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now