Chapter 57 - Ang Singsing

1.7K 134 7
                                    

Sumiksik si Pepe at Karl sa isang malaking puno upang hindi malamigan ang kanilang likod at para maprotektahan din sila mula sa mga ihip ng hangin. Isang oras na mula nang pumasok sila sa pinto at wala pa silang nakikita na ibang tao o mga hayop, tanging puno lamang na namumuti mula sa umuulan na nyebe.

"Pepe, magpainit ka naman! Gumawa ka ng apoy!" sabi ni Karl habang nanginginig ang katawan at pilit sinisiksik ang dalawang kamay sa kanyang kili-kili.

"Hindi ako marunong nu'n. Ang alam ko si Elena laging hangin ang ginagamit. Si Lola naman ay Tubig. Ah! Si Pia ang gumagamit ng apoy!" sabi ni Pepe.

"PIAAA!" sigaw ni Karl.

"Asa ka pa, pagsubok nga natin ito. Malamang walang tutulong sa atin," sabi ni Pepe. Nag-iba ang ihip ng hangin. Dumiretso ito sa magkaibigan na lalong nagpalamig sa paligid at kahit ayaw ni Pepe dumikit kay Karl ay siniksik na din niya ang kanyang balikat sa balikat ni Karl habang sila ay nakasandal.

"Bumalik na lang kaya tayo?" sabi ni Karl, "Mas malamig yata dito kaysa doon!"

"Walang puno doon at saka baka mamatay na tayo sa lamig kung babalik pa tayo. Baka naman may kweba dito," sabi ni Pepe.

"BrRrrrrRrrrrrRrr", sabi ng labi ni Karl. Biglang nanginig ang katawan niya at umunat ang kanyang dalawang braso, "HINDI KO NA KAYA!" sabi niya sa sabay takbo diretso papalayo sa kanilang pwesto.

"Aaaaaahhhhhhhh!" sigaw niya habang tumatakbo.

"Hoy! San ka pupunta? Hindi dapat tayo maghiwalay!" sabi ni Pepe. Umiling si siya at hinabol ang kaibigan subalit bigla itong nawala. Tumakbo pa si Pepe paikot-ikot sa mga puno subalit hindi pa din niya nakita ang kaibigan.

"Ano ba yan!" sigaw niya habang humihingal. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa tuhod at hininga naman ang hinabol. Pagdikit ng palad niya sa tuhod ay nakaramdam siya ng init.

Nanlaki ang kanyang mga mata, "Alam ko na!" sabi ni Pepe.

Tumayo siya at tinignan ang dalawang palad, "Kailangan ko lang pagalawin ang espiritwal na lakas ko paikot sa aking katawan! Kaya pala "Move" ang pangalan ng pagsubok na ito," sabi niya.

Samantala, sa Mother Base.

Pumasok si Elena sa Command Room at pagpasok niya ay nasa loob ang maglolo. Nakaupo si Pia sa gilid na upuan ilang hakbang ang layo sa lamesa kung saan nakatayo naman ang kanyang lolo.

"Yes Sir!" sabi ni Elena sa matanda na tila hinihintay siya.

"I don't know. If you know but I need to let you know. Just to be sure," sabi ng matanda habang nakatingin sa mga mata ni Elena. "Ano po iyon?" sabi ni Elena habang naglalakad papalapit sa lamesa. Nanlaki ang mata ng matanda, "Ang singsing," sabi niya.

Natigilan si Elena sa sinabi ng matanda, "Singsing? Ano pong singsing?" sabi niya. Tumaas naman ang kanang kilay ng matanda, "Hindi mo alam?" Pinatong ni Elena ang dalawang palad sa lamesa at tinignan si Pia nakatingin din sa kanya. Tumango ang dalaga kay Elena at sunod nito ay nagsalubong ang dalawang kilay ni Elena bago bumalik ang tingin sa matanda.

"Apo," sabi ng matanda kay Pia.

Tumayo si Pia, nilabas ang kanyang cellphone at naglakad papalapit kay Elena. Pinakita niya ang isang larawan, isang singsing na may nakaukit na crescent moon at kutsilyo. "Ito ang singsing ni Lola na galing kay Amang. Ang singsing na binigay niya kay Pepe," sabi ni Elena nang makita ang larawan.

"Ikumpara mo ito sa singsing mo," sabi ng matanda. Tinaas ni Elena ang kanyang kaliwang kamay at inilapit ito sa cellphone. Tinignan niya ng maigi ang larawan at ang kanyang singsing bago bumalik ulit ang tingin sa matanda.

"Hindi ko po maintindihan ang gusto ninyong iparating. Diretsuhin nyo na po ako," sabi ni Elena na nakakunot pa din ang noo.

"O sige. Ang gusto kong sabihin ay magkaiba ang singsing mo at ang singsing na suot ni Pepe," sabi ni Lolo Ricardo.

Tumango si Elena sa matanda, "Magkaiba po talaga sila dahil ang singsing na suot ngayon ni Pepe ay ginawa ni Amang. Personal na singsing po niya iyon. Ito pong singsing na suot ko ay ginawa ng nasirang konseho," sabi ni Elena.

Lumapit ang matanda sa kaliwa ni Elena, "Naniniwala ako na siya ang umukit ng simbulo sa singsing na ito para maitago ang tunay nitong silbi. Pero hindi niya ako maloloko," sabi ni Lolo Ricardo. Pinagapang niya ang kanyang kaliwang palad sa ibabaw ng kanyang kanang kamay at paglampas nito ay lumabas ang ilang singsing at patik (tattoo) sa mga daliri niya.

Nanlaki ang mata ni Elena sa nakita.

"Mahilig kami sa mga anting-anting. Pwede namin ito isuot bilang singsing, kwintas o hikaw pero hindi namin ito pinapakita lalo ng sa mga kalaban. Dahil isa iyong malaking katangahan," sabi ng matanda.

"We are experts on charms just as you are experts in dignum weapons. Hindi ako nagkakamali. I can feel it my bones!" dagdag ng matanda. Naglakad siya pabalik sa kanyang pwesto at tumingin sa mata ni Elena, "Ang singsing na suot ngayon ni Pepe ay sumisimbulo sa "Pagpatay kay Mayari, or should I say the popular, Killing of the Moon", sabi niya.

"Paano—Pero that story is a myth!" sabi ni Elena.

"Is it?" sagot ng matanda sabay tawa.

"Ms. Elena," tawag ni Pia sabay pakita ulit ng larawan sa kanyang cellphone, "We can clearly see sa singsing mo po that the knife is placed above the crescent moon. That is not the case with Amang's ring," dinikit niya ang kanyang hinlalaki sa screen ng kanyang cellphone at pinadulas ito pakanan, "The knife pierced through the crescent moon. It's a small change in detail but we don't believe it's an accident. Sinadya po iyan and it's not a myth. It really happened. Adam killed Mayari to prevent her from giving the same ring to another aswang," sabi niya.

"He was mad at that point and don't want any possible opponents, especially someone from his kind," dagdag ni Pia.

Napanganga si Elena at napatingin sa matanda, "Ang ibig niyo pong sabihin ay ang singsing na ito ay ang singsing ng Manunugis? Ang kaisa-isang kahinaan ni Adam?"

"Yes!" sagot ng Lolo ni Pia, "Kaya siguro ito binigay ng Lola mo kay Pepe ay para hindi ito mapunta sa mga kamay ng kalaban at para magamit natin ito."

"Pero paano naman po natin yan magagamit? Kay Adam lang ito gagana hindi po ba? At paano natin masisiguro na gagana ito?" sabi ni Elena.

"Sa ngayon ay hindi natin ito masusubukan kung paano ito gumagana. Malalaman lamang natin ito kapag nagtagumpay ang ritwal," sabi ng matanda.

"Pero kay Adam lang naman po gagana ang singsing hindi ba? Paano po ito makakatulog sa atin?" sabi ni Elena.

"Well, the ritual is basically the second coming of Adam, in the body of Calvin!" sabi ng matanda.

Napahawak sa noo si Elena, "This is a bigger problem than I previously thought!" sabi niya.

Itutuloy....

***********************************************************************************************

Nagandahan ako Chapter na ito sana mas magandahan ako sa next. Haha! Nakakatawa ba? Actually, halos parehas lang tayo na naeexcite sa mga chapter kasi naiisip ko lang yung ibang detalye pag nagsusulat na ako, kaya pati ako natutuwa pag may naiisip ako na maganda. Lamang lang ako sa inyo kasi alam ko na yung mga MAJOR MAJOR na mangyayari sa isip, nakasave na. Mahirap lang isulat kung paano pupunta sa mga pangyayari na iyon.

  Again, maraming salamat sa suporta. Vote lang po!   

Aswang Hunter | New BloodWhere stories live. Discover now