Chapter 3

4.4K 93 9
                                    

VICTORIA KAYEN YUSON POVa

 takbo ..

takbo ..

takbo ..

takbo ..

takbo ..

*BLAG*

"O____O *tinginan silang lahat sakin* AH? HE-HE-HE, Sige kanang padayon lang mo sa inyong gina storya dira, HE-HE-HE sorry." (sige, ipagpatuloy niyo lang yung mga kwentohan niya diyan.)

 Nako naman >.< nakakatakot naman tong mga babaeng 'to >.<, kung makatitig sakin grabe, parang lalabas na yung mga eyeball nila o, nakakunot pa yung mga noon g iba tapos yung iba naman e naka taas lang yung kilay at titig na titig sakin. Naman kasi Kaye! Bat mo kasi naisipang buksan ng ganun ka lakas yung pinto. Na-istorbo mo tuloy yung mga chismoso't chismosa. Bago pa ako matunaw at masunog sa mga tingin nila, pumunta nako sa likopd at umupo.

 Pagka upo ko ng pagka upo, tinngnan ko ulit sila at HALA>? Pati ba naman pag-upo ko naka tingin parin sila sakin? Nako naman.

 ANO NA NAMAN BA KASI???

 BAT ANG SAMA-SAMA NILA KONG MAKATINGIN SAKIN >.<

"Hoy babae, umalis ka jan." sabi ni babaeng makapal ang labi hindi dahil sa lipstick ha? Kundi literal mismo na makapal yung labi niya.

"Yah, it's not your upuan kaya." Maarteng sabi naman nitong babaeng makapal ang make up. Ganito ba talaga dito sa skwelahang to? Pati upuan may pagmamay-ari na at inaagawan na? may ginto siguro tong upuang to kaya nila ako pinapaalis, kung ganun eh di hindi ako aalis dito hihi.

"Bingi ka ba?"

"Pag sinabi naming umalis ka jan, umalis ka!"

"Unsa may problema ninyo ha? Labot ninyo kung mag pungko ko dire ha?!" (ano bang problema ninyo ha? Paki ninyo kung uupo ako dito ha?!)

"Ano daw sinabi niya?"-girl1

"Do you understand what she says?"-girl2

"I don't even understand it."girl3

"Alien ata yan eh."boy1

Aba! Porket nagsalita lang ng ibang lenggwahe alien na agad? Sabagay sa panahon kasi ngayon, pag ibang language gamit mo at kapag hindi sila nakakaintindi sinasabi nilang alien kami. Pwede na akong manglibak kasi hindi naman sila nakakaintindi sa sinasabi ko.

"Kalouy pud nila, dili sila kasabot." (kawawa naman sila, hindi sila nakakaintindi.)

"Hoy! Anong binubulong bulong mo ha? Pwede ba ayos ayosin mo yang pananalita mo hindi kami nakakaintindi!"

"Wala koy labot kung dili mo kasabot. Duh!" (wala akong paki kung hindi kayo nakakaintindi.)

"Whatever! Naiinis na ako sayo ha! Umalis ka sabi jan sa upuan na yan eh!"

"That chair is belong to Jasen at ayaw na ayaw niyang may umuupo jan sa upuan niya. Kaya shooo! Alis, alis."

"Agay! Hindi ba kayo nakakaintindi ha?! Sa akin na tong bangkong to simula ngayon!" sigaw ko sa kanila, naiinis na rin ako. Sino ba kasi yang Jasen na yan? Hari ba siya? Prinsipe? Mayor? O baka naman president? Naku bahala sila jan kahit sino pa yan o kung ano man yan hinding hindi ako aalis sa upuang to dahil akin na to.

"Marunong ka naman palang mag tagalog pinapahirapan mo pa kami!"

"Paki niyo ba!"

"What's going on here?"

"Jasen! Ayaw niya kasing umalis sa upuan mo." Sumbong naman nitong babaeng makapal ang labi. So siya pala si Jasen? Yung lalaking paharang harang sa daan kanina -_- hindi naman siya prinsipe o president pero bat ganun turing nila sa kanya? Tsk. Gaya nga nung sabi sa kanta nina Salbakota "basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay." Connection? Hanapin niyo jan meron yan.

Naglakad yung lalaki papalapit sakin habang nakapamulsa. Unsay problema aning tawhanang ni? (anong problema ng lalaking to?) umiiwas lahat ng classmates ko sa kanya siguro basagulero to kaya siya kinakatakutan ng lahat? Naku! Mabuti nalang at sanay ako makipag basag ulo simula pa nung bata ako.

Nung nakalapit na yung lalaki sakin bigla niyang hinila yung braso ko, ang higpit nga nang pagkakahawak niya sakin feeling ko tuloy murag matanggal akong kamot tungod niya -_-. (parang matatanggal yung kamay ko dahil sa kanya.)

"Agay daw no! sakit daw kayo eh, kung makabira ka mura namag walay ugma!"(Aray no! masakit kaya kung makahila ka naman parang wala ng bukas!)

Pagsabi ko ng ganun bigla siyang lumingon sakin at nanlaki yung mata niya, ngayon lang din ba to nakarinig ng Bisaya? Rich kid kasi kaya ganun, mga taong hindi lumaki sa probinsya hay naku -_-! Tinignan ko lang yung Jasen daw, tapos yung mukha niya parang natatae, na parang gusting tumawa na ewan?

"Pfffftt, hahaha what the hell are you saying? Even though I really can't understand that but what the hell you make me laugh so hard hahaha." Holo? Kabalo pud diay ni siya mukatawa (marunong din pala siyang tumawa?) namumula na yung mukha niya dahil sa kakatawa. Naiintindihan niya kaya yung sinabi ko kaya siya tumawa? Pero wala namang nakakatawa doon o joke.

"Tsk, buang. Pwede ba dong ayaw kog kataw.e, walay kataw.anan didto!" (Tsk. Baliw. Pwede ba dong wag mo kong tawanan, walang nakakatawa dun!)

Hinila ko kaagad yung braso ko mula sa pagkakahawak niya dahil busy siya sa kakatawa niya. Umupo nalang ako sa inuupuan ko kanina at tinitignan lang sila na nakatingin kay Jasen na tumatawa ng walang humpay. Yung mga classmates ko naman ayun nag bubulong bulongan. Nag hunghung pa sila, dungog raman japun nako -_-. (nag bulongan pa sila, rinig ko rin naman.)

"Ang pangit niyang magsaita."

"Hahaha oo nga."

"Parang si ano.. yung mommy nung sikat na boxer. Sino nga yun?"

"Si mommy D."

Kung kanina isa lang ang tumawa, ngayon naman silang lahat na. naiinis na ako ah! Yumuko ako dahil feeling ko sasabog na ako sa sobrang kainisan ko sa kanila. Kinuha ko yung upuan at itinapon ko sa harapan kaya nabigla silang lahat sa ginawa ko, tumayo ako at naglakad papaalis sa classroom habang sila tahimik na tinitignan ako.

"Where do you think you're going?" girl kapal labi.

"Sa lugar na wala kayo." Sabi ko sa kanila.

"Really? Alam mo bang bawal lumabas at gumala gala sa loob ng classroom hanggat hindi pa tapos ang klase, kaya bumalik ka sa loob ng classroom kong ayaw mong mapunta sa detention room!"

Urrrggh at dahil wala akong magawa at baguhan palang ako dito kaya bumalik ako sa loob ng classroom. Kainis naman nag walk out, walk out pa ko unya mubalik ra diay gihapon sa sulod! Kalagot! (nag walk out, walk out pa ako tapos babalik parin pala ako sa loob! Kainis!)

----

EDITED

Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)Where stories live. Discover now