Chapter 43: Its showtime

1.7K 33 0
                                    

KAYE'S POV

Napaluhod ako sa kakaiyak dito sa madilim na lugar na to. Bukod sa hindi ko alam kong nasaan si Kyle at kung ano o sino yung bumagsak kanina sa sahig. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong bakit pero parang feeling ko may mangyayaring hindi maganda. Iyak lang ako ng iyak ng biglang .

*Flash*

*Flash*

*Flash*

Biglang bumukas ang lahat ng ilaw and to my surprise nasa gym kami?? Gym nang school ata to kung hindi ako nagkakamali. Nilibot ko yung tingin ko habang nakaluhod parin. Hindi ko namamalayang nakaluhod pala ako sa isang red carpet na may mga blue and red petals ng mga rosas. Tapos sa harap ko may nakita akong isang dinning set. May flowers sa gitna. May candle tapos may mga plates na. Tapos nakita kong may papalapit sakin na isang.

O____O

Isang lalaking gwapo, na may dala ng isang malaking bouquet na blue rose at isang life size na teddy bear. Isang lalaking ang lapad ng ngiti at wala man lang sugat o kahit na anong galos na makikita sa mukha niya.

"Can I have your hand baby ko?" Dahil nasa state of shock pa ko, hindi ko namalayang napatayo na ko ni Kyle. Ni hindi ko nga alam kong paniginip lang ba yun o panaginip lang lahat ng 'to. Kasi diba kani-kanina lang nabugbug siya, marami siyang sugat tapos ngayon ang ... ang gara nang suot niya, may flowers pang nalalaman at teddy bear tapos may ganito pang set.

Hindi ko ulit namalayan na nakaupo na pala ako sa upuan na andito sa harap ng stage. Tapos iniwan ako ni Kyle doon. Nabigla naman ako dun kaya nag react ako.

"K-kyle wag mo kong iwan please." Naiiyak na naman ako. Baka kasi may mangyari o kaya ano pa. Natatakot ako.

"I won't baby ko. Hindi kita iiwan. I won't let that happen." Nag smile siya sakin na parang walang nangyari. Ano ba talaga ang totoo? Kung totoo man saan banda ang totoo? Kung hindi saan din doon ang hindi?

"Just relax baby ko. Nothings gonna happen right now. It was just you and me and the world." Tapos tumalikod siya at nagsimulang umakyat sa stage.

Ibang Kyle ang nakikita ko ngayon, iba siya di gaya ng dati na napaka cold niya, napaka masungit at walang inaalalang ibang tao. Tapos ngayon, he's so sweet, ngumingiti na siya at tumatawa na. Hindi ko man maintindihan ang nangyayari simula kanina hanggang ngayon. Hindi man ako nakakasiguradong totoo to o panaginip lang.

Kung panaginip man to. Mas gugustuhin ko ng hindi magising.

Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)Where stories live. Discover now