Chapter 13

2.5K 58 9
                                    

VICTORIA KAYEN YUSON POV

Habang nag huhugas ako ng pinggan hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina, yung pagiging pala kwento ni Boy Inglis kahit na English siya ng English tapos marunong naman palang magtagalog. Napapangiti ako habang naiisip ko yun, grabe kasi talaga hindi ko alam na nakakatawa din pala yung menopausal king na yun, akala ko talaga puro kamalditohan lang ang alam ng lalaking yun. Tsaka hindi ko rin ine-expect na pakakainin niya ko dito tsaka ang laki ng bahay nila in fairness kakahilo nga eh, yung bahay nila parang yung mga nakikita ko tv—yung hunted house haha. Pero siguro sa lahat ng hunted house eto yung pinaka maganda.

Matapos kung hugasan yung mga pinggan inarrange ko nalang din sila at inilagay sa lalagyan syempre, nang matapos na ko't lahat lahat umakyat ako sa kwarto ni Boy Inglis, namiss ko kasi siya HAHA pero syempre joke lang yun. Ang maniwala uto-uto 100 times. Nasa harap na ko ng pinto niya at hindi na ko nagdalawang isip dahil iisa lang naman isip ko, binuksan ko yung pinto at pumasok.

"Hoy Boy Ingliss, humana kog hugas ug plato." (Tapos na kong maghugas ng pinggan.)

Sabi ko sabay upo sa upuan na andun, may mini sofa kasi siya sa loob ng kwarto niya. Hinintay ko yung sagot niya kaso mukhang hindi niya ko narinig kaya tumayo ako at naglakad sa may kama niya baka kasi andun siya.

"Hoy! Hindi mo ba ko narinig? Ang sab---" napatigil ako sa pagsasalita pati na rin sa paglalakad ng makita ko si Boy Ingliss na may kasamang babae. Nakatalikod sakin yung babae tapos si Boy Ingliss naka tingin lang sakin, lumingon naman agad yung babae sakin.

"Owh sarrey, may bisita ka pala he he he." Sabi ko sabay kamot sa batok. Muntanga naman ako neto kakahiya.

"Who are you?" aba! Englishera din. Kapatid ata to ni Boy Ingliss eh, mahilig din kasing mag English. Pero di naman sila magkamukha eh.

"I'm asking you! Who are you?!" aba mataray din ah. Sasagot na sana ako ng bigla akong hilahin ni Boy Ingliss papalapit sa kanya. Ang lapit ko tuloy sa kanya. Ang bango niya naman. Eeeeeee >////<. Ano ba!

"Who is she, Kyle?!" lumakas na yung boses nung babae. Sayang naman yung ganda niya kung magsusungit siya, gaya nitong si Boy Ingliss ang sungit sungit psh. Pag-uuntugin ko silang dalawa eh -_-, pero joke lang syempre ^_^ hihi.

"She's my girlfriend."

Ha?

Ano daw sabi niya?

Loading...

Loading...

Loading...

Processing...

Processing...

"She's my girlfriend."

"Ano?/What?" sabay naming sabi ni ewan sino nga ulit tong babaeng to? -_-, sarrey naman, di kasi nagpakilala sakin eh. tsaka, teka lang parang mali kasi yung sagot ni Boy Ingliss dito sa babaeng to ah.

"She's your what? Girlfriend? O'cmon Kyle. You can't fool me. Her? That girl?" inis na sabi niya sabay turo sakin. Aba! Kung makaturo lang akala niya may utang ako sa kanya! Pwe, kakakita pa nga lang namin magkakautang na agad ako sa kanya.

"She's flat, too simple, so innocent and she's not even popular! And what was the rumor about her that she cannot speak in English? Gosh, this is so funny Kyle. Very funny." Aba! Kahit halos English yung sinabi niya naiintindihan ko rin no!

"Aba! Na---" pangalawang beses na kong hindi nakapagsalita ng diretso. Palagi akong nauunahan ni Boy Ingliss. Kainis tuloy! Kakainis din tong babaeng to!

"If you don't want to believe it you may go." Cool na sabi niya. psh, kung cool siya hot naman ako. Sobrang hot.

Lumapit sakin yung babae, tapos tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Pag itong babaeng to sasabihin akong mukhang paa malilintikan na talaga to sakin. Wala nang makakapigil sakin.

"Nakakababae kana ah!" sigaw ko sa kanya, nagulat naman siya pati nga si Boy Ingliss nagulat HAHA dapat lang -_-. Lumapit si Boy Ingliss sakin, alam kong pipigilan niya na naman ako pero inunahan ko na siya.

"Ikaw! (sabay turo kay Boy Ingliss) pinigilan muna ko ng pangalawang beses, ngayon di na ko papayag na pigilan mo ko ulit sa pangatlong beses!"

Tumahimik naman agad si Boy Ingliss, mukhang nagulat pa nga siya eh. Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan ko yung babae. Tinignan ko rin siya mula ulo hanggang leeg. Akala niya siguro papatalo ako sa kanya.

"Base sa paglilibot at pagtingin ko sayo mukha kang mayaman, mamahalin at imported. (ngumiti naman siya, akala niya siguro pinupuri ko siya. psh.) kaso nga lang hindi ka totoo in English fake! Yang boobs mo, yang pwet mo, yang ilong mo, yang panga mo, yang tyan moa lam kong peke lahat yan, retokada ka no? Halatang halata te eh. (ayan na, nag-iiba na yung porma ng mata at ilong niya. Sabay na lumaki.) Ang pangit ng make up mo hindi bagay sayo at para sabihin ko sayo Miss, wag na wag mo kong lalaitin dahil una palang maganda na ko kesa sayo, at tsaka wala ka bang salamin sa inyo? Kung meron man paki tignan yang mukha mo ha? Siguraduhin mo muna kung walang kalait lait sa sarili mo bago ka manglait ng ibang tao." Tapos sabay walk out. Kaso may nakalimutan pa kong sabihin sa babaeng to kaya bumalik ako at humarap ulit sa kanya.

"At hindi "She's my girlfriend" ang pangalan ko, Victoria yung pangalan ko at hindi ko boyfriend yang lalaking yan (sabay turo k okay Boy Ingliss at pinanlakihan ng mata.)" at walk out. Totoong walk out na wala nang halong biro, wala ng balik balik dahil wala na akong sasabihin sa kanya. Makalagot kaayong bayhana! (Nakakainis na babae!)

Akala niya siguro di ako papatol sa kanya ah. Ako pa talaga nilait lait niya, dun pa sa mahilig ding manglait. Psh, buti nga sa kanya hahahahaha.

VICTORIA KAYEN 1 POINT!

--

Edited.

Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें