Chapter 14

2.3K 52 0
                                    

VICTORIA KAYEN YUSON POV

Kinabukasan. Alas 10 na nang magising ako mabuti nalang at wala kaming pasok ngayon. Friday kasi eh tsaka ewan parang may event ata sa school ngayon at dahil mabuting bata ako wala ko nisulod ug skwelahan. Bumangon na ko sa kama ko at bumaba na at dumiretso sa kusina. Gutom na kasi ako, pag dating ko wala na pala akong ulam. Lalabas na nga lang ako ng bahay para bumili, mamaya na ko mag hilamos ay mag mumog, gutom na kasi talaga ako eh >.<.

Pagbukas ko ng pinto napalaki na agad yung mata ko dahil sa isang gwapong nilalang na nakasandal sa kotse at nakatingin sakin. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking to sakin!

"Paano mo nalaman yung bahay ko ha?!" sigaw ko sa kanya.

"I have ways. Pwedeng papasukin mo muna ako?" ano daw? Ways? Daan ba yun?

"Ang yaman mo naman, may sarili kang daan? As in? Pwede din ba akong dumaan dun?" manghang tanong ko sa kanya. Yung ekspresyon ng mukha niya parang ewan, hindi ko maintindihan.

"It's ways means paraan not daan, psh. Can I come in now? It's so hot in here." Sabi niya sabay paypay niya sa kamay niya. Mainit daw? Bupols talaga tong lalaking to kahit kelan.

"May kotse ka naman ah! Bat di ka pumasok sa kotse mo para di ka mainitan!" sigaw ko ulit sa kanya pero hindi siya nakinig sakin. Tumayo siya ng matuwid at pumasok sa gate.

"Hoy pano mo nabuksan yan ha? T-tsaka hoy trespassing ka!" pero hindi siya nakinig sakin. Sigaw na ako ng sigaw dito sa labas ng bahay namin, yung mga kapitbahay tuloy namin lumabas at nakatingin samin.

"Tumawag kayo ng pu—Asdfghjkl." Ang bastos lang! kitang nagsasalita pa ko bigla niyang tinakpan yung bunganga ko. mabuti nalang at mabango yung kamay niya—eeeekkk >////<.

"Sorry, LQ lang po." Sabi niya sa mga kapitbahay ko. Aba! Maypa LQ LQ pa syang nalalaman ah. Humanda ka sakin. Sa kadahilanang hindi ako makapagsalita at hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa pagtakip niya sa bunganga ko, hinawakan ko yung kamay niyang nakatakip sa bunganga ko at kinurot, napaluwang naman yung kamay niya tsaka kinagat ko ulit.

"OUCH! Sigaw niya.

"Wag na wag mong tatakpan yung bunganga ko!" sigaw ko sa kanya. Napatakip naman agad siya sa tenga niya. buti nga sayo.

"You are so noisy! Shut up will you?" aba aba! Ini-English niya na naman ako ah. Akala niya siguro di ko yun naiintindihan ah! Sarap sapakin.

"Unsa diay kinahanglan nimo diya?!" (Ano ba kasing kailangan mo?!)

"English please."

"Dili diay ko!" (Ayoko nga.)

"I said, English please! You know I can't understand your alien language!"

"Ingon nako dili ko!" (Sabi ko ayoko!)

"Fine, then talk to me in tagalog."

"Ayoko."

"Tsk. Can I come in now?"

Inirapan ko muna siya bago tumalikod sa kanya. Alam niya naman siguro kung anong ibig kong sabihin. Naglakad na ako papasok sa bahay at ramdam ko namang sumunod siya sakin. Kawawa naman kasi, kanina pa siya gustong pumasok at ang init nga naman, ngayon ko lang naramdaman. Pag pasok niya sa bahay umupo na agad siya sa sofa ko, aba feel at home talaga tong lalaking to.

"Oh?" sabi ko sa kanya. Bigla kasi siyang tumingin sakin.

"Are you going to stand hanggang later?" sabi pa niya. sinimangotan ko lang siya at umupo din sa katapat ng upuan niya.

Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)Where stories live. Discover now