Chapter 9

2.8K 60 4
                                    

VICTORIA KAYEN YUSON POV

"Waaahh Esprend, kelan ka lang nag adto dito? Nganung wala man ka nag text sa ako or nag tawag lang man? Nakakatampo ka naman esprend eh. *pout*" (Kelan ka pa pumunta dito? Bakit hindi mo ko tinext o tinawagan man lang?) paawa effect pa ako niyan, nakakainis naman kasi siya, hindi niya man lang ako tinawagan. Hindi tuloy ako aware na andito na siya -_-. May kasabay na sana ako araw araw. Hindi ko sana nakilala yung lalaking englishero nay un -_-. Tsk.

"Talaga Esprend? Paano naman kita itetext o tatawagan kong wala ka namang cellphone? Ikaw talagang babae ka, hantod karon wala ra gihapon ka nagbag-o." (hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago.) ginulo niya pa talaga yung buhok ko >.<. Ing-ana gyud na siya dati pa, gina gubot niya akong buhok. (Ganyan talaga siya dati pa, ginugulo niya yung buhok ko.)

"Hoy noon kaya yun. Naa nakuy cellphone karon. Kaso gina bilin lang naku sa balay." (may cellphone na kaya ako ngayon, iniiwan ko nga lang sa bahay.) sabi ko sa kanya,

Oh nga pala, siya si ZHAYKE CHANCE, ang kababata kong gwapo, mabait, mayaman at gentleman pa at mas lalong hindi siya nang-aaway ng babae. Hindi katulad kay Boy ingliss, gwapo nga sana kaya lang masungit, hindi gentleman at mas lalong mahilig mang-away ng babae, lagi niya pa akong sinisigawan, binabatukan, sinisipa, ginagahasa niya pa ako. Ginaguba niya akong pagkababae huhuhuhu. (Sinisira niya ang aking pagka babae.)

"Teka nga muna Esprend, kumain kana ba?"tanong sakin ni Zhayke, umiling lang ako sa tanong niya tapos hinila na niya ako.

"T-teka nga, ayaw kog biraha, madagma gani ko naaaa!" (Wag mo kong hilahin, pag ako madapa ngayon.)

"Inig madagma ka, tabangan man gihapon tika. ^_^." (Kung madapa ka man, tutulungan parin kita.) Ang bait talaga ng Best friend ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Tabangan tikag katawa HAHAHA." (Tutulungan kitang tumawa.) oh sabi ko nga, mabait siya kaso maypagka ewan lang sa ugali talaga.

"Tse! Naniguwang nalang ka wala gihapon ka nag bag-o!!" (Tumanda ka nalang hindi ka parin nagbabago!)

"HAHAHA hanggang ngayon pikon ka parin HAHAHA. Tara na nga, kakain pa po tayo diba?"

*kruuu, kruuuu*

"What's that?" aba ume-inglish din tong lalaking to ah!

"Yung alaga ko ata sa tiyan nagagalit na."

"HAHAHA tara na kasi, dami pang sinasabi eh."

Ang dami ko na namang melon shake, ang dami kong advertisement. Kinakausap parin ako ngayon ni Zhayke ng may mapansin akong lalaki sa may likuran niya. Biglang lumaki yung mata ko.

Nakakatakot yung itsura niya, yung buhok niya nakatabon sa mukha niya, tapos nanlilisik yung mga mata habang naka tingin sakin. Waaaaaah, tinood naba ni nga momo? (Totoong momo na ba to?)

"Hoy, bat ka naka nganga jan?"

"Nakita ko si..."

"Sino?"

"Si.."

"Si??"

"Si.."

"Ayosin mo nga, sino nga nakita mo?"

"Si...Si...Si.."

"Sino?"

"Sabihin mo nga kasi ng diretso, hindi kita maintindihan."

"Si SADAKO naging lalaki kyaaaaaaaahhhh."

*Boink*

"Aray! Bat mo ko binatukan ha?" ang sakit ng ulo ko >.< ang lakas niya talagang mambatok kahit kelan >.<.

"Anong Sadako pinagsasabi mo jan, gutom lang yan. Tara na nga." sabay hila niya sakin. Pinigilan ko naman siya.

"Sakita nimo mang dukol uy >.<. E-libre jud ko nimo unya, bantay lang ka!" (Ang sakit mong mang batok >.<. Ililibre mo talaga ako mamaya, humanda ka!)

"Ay hindi pala si Sadako yung nakita ko."

"Eh sino? Hindi mo makikita si Sadako dito, hindi siya taga Pilipinas. Baliw talaga."ginugulo niya pa yung buhok ko habang sinasabi niya yun. Kainis lang, wala pa naman koy sudlay nga dala. Tsk. (wala pa naman akong suklay na dala.)

"BOY INGLISS!!"

---

ZHAYKE CHANCE POV

Ang tagal ko ng hindi nakikita yung best friend plus childhood friend ko, ang tagal ko na nga rin siyang hinahanap kasi sabi nang papa niya same daw kami nang school na pinapasukan. So everytime na pumapasok ako, every vacant ko hinahanap ko siya, ewan ko ba gusto ko kasi siyang makita at makasama ulit.

Papunta na sana akong school nang maisipan kong tumambay muna sa may puno para magpahangin, tutal maaga pa naman at mamaya pang 8 klase ko. Umakyat na ko sa may puno at humiga sa may sanga, ang ganda talaga pag nasa ibabaw ka ng puno nakakarelax. Simula kasi bata pa ako mahilig na akong tumambay sa itaas ng puno lalong lalo na kapag pinapagalitan ako ng magulang ko, and everytime na nawawala at hahanapin nila ako, si Victoria yung palaging nakakahanap kung nasaan ako. Iisa din kasi kami ng tambayan at pareha kami pag pinapagalitan siya umaakyat din siya ng puno at kapag hinahanap na siya, ako lagi ang nakakakita sa kanya. Ipipikit ko na sana yung mata ko ng biglang may narinig akong kumakanta.

Bigla akong kinabahan, yung boses, yung kanta katulad nang kinakanta ni Victoria noon. Bigla akong napaupo sa may sanga at hinanap ko kung saan nanggaling yung kantang yun and lucky me, nakita ko agad siya.

Ang ganda na niya, mahaba na rin yung buhok niyang maitim na straight, ang puti na rin niya mukha siyang hindi sa probinsya lumaki. Yung mata niya ganun pa rin katulad ng dati. Sa ilang taon ko siyang hindi nakita at hinanap, sa wakas nakita ko na rin siya. Ang saya ko lang, pero syempre hindi makukumpleto yung pagiging masaya ko kung hindi ko siya mapagtripan HAHA.

Mga ilang oras ko pa siyang pinagti-tripan pero nung tinapon niya yung bato sakin at natamaan ako itinigl ko na yung pangti-trip ko sa kanya. Mukhang may bukol pa nga ako eh, sadista talaga tong babaeng to kahit kailan.

Ngayong nakita ko na siya at makakasama ko na ulit, this time sisiguraduhin ko na talagang hindi ko na siya pakakawalan pa.

---

Edited.

Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)Where stories live. Discover now