🌟Chapter 4🌟

16K 488 7
                                    

Chapter 4: Bye Korea! Hello Philippines!!

Ann's POV

Nakasuot lang ako ng black ripped jeans, tapos croptop na sweater sa pantaas and may sunglasess kami,then combat boots, pare parehas kami ng outfit magkakaiba nga lang ng colors, sa akin ay red, kay Kia naman ay maroon, kay Jas ay white, then kay Jea black. Naka all black si Jea. Para siyang namatayan. Haha. Nandito na kami sa Airport, inaantay na lang sila mom, malapit na daw sila ehh.

"Ang tagal naman nila." naiinis na bulalas ni Jea. Mainit talaga ang ulo ng babaeng 'to.

"Malapit na daw sila eh." sabi ko naman.

"Sa----" hindi na naituloy ni Kia ang sasabihin niya dahil may biglang sumigaw.

"Baby!" speaking of. Sinigaw ni tita Kaye ang 'baby', kaya pinagtinginan siya, si Kia naman naging pula ang mukha at nahihiya dahil sa kanyang nanay.

"Eomma naman sabi ko sayo 'wag mo na ako tawaging baby eh!" sabi ni Kia at nag-pout pa, tss! Mukhang pato eh haha.

"Ganun ba Kia, anong gusto mo? sweety, darling, princess ano?" pangungulit ni tita Kaye, umiling-iling na lang si Kia at di na pinansin ang mommy niya, kulit talaga nilang dalawa.

"Don't worry dinagdagan namin ang mga savings niyo, at dadagdagan pa namin iyon kapag naging good girl kayo, Arasseo?" pa-alala sa amin ni tita Jaide. Kaya naman tumango kami.

"Okay po." sabay sabay naming sabi habang napakalawak ng mga ngiti naming apat dahil sa aming narinig .

Hell yeah! madadagdagan na naman. Okay naman pala ang punishment namin atleast nadagdagan savings namin haha!

"At may kaniya kaniya na rin kayong mga car doon." sabi ni mommy, kaya naman mas lalo ulit lumawak ang ngiti namin. Nice.

"Alright." sabay-sabay naming sabi nila Jas.

"Goodbye baby mamimiss ka ni eomma." ma-daramang saad ni Tita Kaye at humalik sakanyang pinakama-mahal na 'baby'. pfft!

"Oo na Eomma bye 'din. Mamimiss 'din po kita." sabi ni Kia na walang ekspresyon ang mukha.

"So goodbye dear." saad din naman ng mommy ko, kasabay no'n ay niyakap niya ako.

Kanya-kanya ng paalam sa kanilang mg- ina at ama ang naganap, pagkatapos no'n at tumuloy na 'din kami.

Jea's POV

"Jea be a GOOD GIRL there, arasso?" (Alright) bilin ni Mommy, diniinan talaga 'yung good girl tss. Mabait naman ako ah.

"Okay." sabi ko nalamang at hinalikan sa pisngi si mom.

"Goodbye sweety, remember okay?" pagpapa-alam niya at pagpapa-alala ulit, paulit-ulit naman si mom.

"Yeah, yeah." sabi ko sa aking mom ng walang kagana gana.

"Ang OA ni eomma, papabalikin tayo sa Philippines tapos malulungkot siya? Tss, ano ba 'yan." sabi ni Kia at ngumuso ito. May point naman siya eh.

"Yeah right." sabay na sabi namin ni Jas, si Ann tumango bilang pagsang-ayon.

"Ann baka mapanis na laway mo niyan?" panga-asar ko kay Ann, umiling lang naman ito. Hay nako. Kanina pa kasing hindi nagsasalita si Ann. Naputulan ata ng dila eh o kaya naiwan sa bahay. Haha.

Andito na kami sa loob ng plane at nakaupo na, lumipad na ang plane na sinasakyan namin, hay nabo-bored ako, 'di ko naman kasi pwedeng gamitin ang phone ko, nasa kabilang upuan pa ito at tinatamad ako masyado para tumayo pa at kunin iyon sa bag ko. Alam ko na! Matutulog na lang ako para naman hindi ako ma-bored.

Goodbye Korea, Hello Philippines!

--

"Jea, wake up, we're here." rinig 'kong sabi ni Kia, sabay alog sa akin.

"Hhmmm." I groan. Tinatamad pa akong imulat ang mga mata ko.

"Hey, wake up." sabi ni Kia sabay alog ulit, gumising na ako at ah! Oo nga pala nandito kami sa eroplano. Nakalimutan ko nandito na ata kami sa Pilipinas.

"Nandito na ba tayo?" tanong ko. Aish! Ano ba namang klaseng tanong 'yan Jea?

"Ay malamang, gigisingin ka ba namin kung wala pa tayo? Sige tulog ka lang malayo pa tayo Jea. Tss." sabi ni Jas gamit ang sarkastikong tono. Aba naman! parang nagtatanong lang eh. PMS?

"Tss. Ginaganyan mo na ako ngayon?" sabi ko at tinignan siya ng masama. Naa-abnormal na naman kasi ang inggritang 'to eh.

"Hehe. Tara na, gusto ko nang singhutin ang sariwang hangin dito sa Pilipinas, antagal ko na kayang hindi naka-punta dito, kaya tara na!" excited na sabi ni Jas, kailan pa naging bipolar ang uldag na 'to? Kanina lang nai-inis tas ngayon masaya na siya?

Bumaba na kami at naramdaman ko na ang mainit na hangin na dumampi sa balat ko. Nakita ko na ang mga Bodyguards namin at kinuha na nila lahat ng dala namin, tigi-isa lang namang maleta ang dala namin dahil magsho-shopping na lang kami dito.

"HELLO PHILIPPINES!" sigaw ni Kia at Jas, with matching nakabuka pa ang kamay, kahit pinagtitinginan na sila wala pa'rin silang pakialam hay, ang childish nila. Kahit kailan talaga. Mga nakalunok ng megaphone eh.

"Tskk! manahimik nga kayong dalawa mukha kayong mga sira hahaha!" naka-ngiwing saad ni Ann atsaka humagikhik at nauna ng maglakad patungo sa Van, nagpout na lamang ang dalawa at sumunod na kaya naman sumunod na rin ako.

Ano kaya itsura ng titirahan namin, pati na rin ng school namin? Sana naman 'yung maayos-ayos na tirahan at eskwelahan para komportable kami.

Kia's POV

"HELLOOO PHILIPPINES!!!!" sigaw namin ni Jas with matching nakabuka pa ang mga kamay namin para damang-dama hihihi!

"Tskk! manahimik nga kayong dalawa mukha kayong sira hahaha!" saad ni Ann at tumawa. Nauna na itong maglakad. Eh sa masaya kami eh, nagpout kaming dalawa at sumunod na, si Jea naman sumunod na'rin, kita mo sa mukha niya na-- na-miss niya rin ang Pilipinas, syempre dito kami tumira ng higit walong taon eh.

Habang naglalakad kami, pinagtitinginan kami, syempre magaganda kami sino ba naman ang hindi mapapatingin? Kilala kami dahil sa mga magulang namin, nagmo-model 'din kami kaya pinagti-tinginan talaga kami at kailangan na kailangan talaga namin ng bodyguards.

Lumabas na kami sa Airport at naghihintay na sa amin ang sasakayan na sasakyan namin.

Sana maging maganda ang buhay namin dito sa Pilipinas. Sana walang mangyari sa amin. At huli sa lahat, sana hindi nila kami guluhin dito, dahil kung sakaling guluhin 'man nila kami dito, 'di kami magdadalawang isip na labanan sila at patahimikin ng tuluyan.

--

[EDITED]

Gangsters In DisguiseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum