Kiara Xine Park

1.1K 52 5
                                    

Special Chapter

Read the authors' note sa baba.

KIARA

Chillin' like a villain!

Pagkababa ko ay nakita ko ang Black Phoenix. Ke-aga aga tumatambay dito. Tsk.

"Oh, nasaan si Jea?" Tanong ko sa kanila dahil hindi mahagip ng mata ko ang bruha.

"Nag-walk out." Tipid na sagot ni Ann. Bakit naman 'yun magwo-walk out?

"Huwag mo nang tanungin kung bakit dahil hindi rin namin alam." Sabi ni Zack habang umiiling. Ang cute ni baby Zack. Chos. 'Di siya sanggol. Natawa ako sa isip ko.

"Maiwan muna namin kayo. May lakad kami ni Baby Jas." paalam ni Luke na naka-akbay kay Jas. Level up na rin 'tong dalawang 'to eh. Mapapa-sana all ka na lang. Tuluyan na ngang naglaho ang dalawa. Kung saan man sila pupunta ay hindi ko alam.

"Blake," tawag ko sa kaniya. He adverted his gaze at me. "Bakit 'di mo sundan si Jea?"

"I don't know where she is. I've been calling her but she didn't answer." sagot niya.

"Baka nasa condo niya." Singit naman ni Ann.

"Okay. Thanks!" He immediately grab his phone on the table and left. Tsk.

Lumapit sa akin si Zack at inakbayan ako. Sabay sabing, "Huwag mo nang problemahin love life nila. Problemahin mo 'yung tayo."

I gave him death glare. "Ulol! Walang tayo." I said right into his face. Napahawak naman siya sa dibdib niya na parang may iniindang sakit.

"You hurt my feelings, Kia." Malungkot niyang sabi. Nakakunot na rin ang noo niya at ang labi niya ay nakanguso pa. Baliw.

"I don't care about your feelings."

"Double kill!" Sigaw ni Shawn habang ginamit ang kamay bilang baril at kunwaring binaril si Zack. Si Zack naman muntanga umarte ring natumba.

Nilapitan ko si Zack at, "Ewan ko sa'yo! Libre mo na lang ako." Tinadyakan ko siya ng marahan. Tumayo naman siya agad agad.

"Inaaya mo akong mag-date?" Kumikislap ang mata niya habang sinasabi niya iyon.

I crossed my arm over my chest, "Date your face!" I said and rolled my eyes.

"Magpalit ka na. Libre kita."

Agad naman akong pumanhik sa kwarto ko. Basta libre, G ako dyan. Nagpalit na ako ng outfit. Shirt and jeans then boots.

Pagkababa ko ay lumapit sa akin si Zack at bumulong, "Ang ganda mo. Siguro inaakit mo ako ano?"

"GG ka! Matagal na akong maganda! At hindi kita inaakit 'no!"

"Joke lang. Tara na," he said lively then put his arms over my shoulder at iminuwestra na ako palabas. "Alis na kami. Maiwan muna namin kayo." Paalam niya sa dalawang maiiwan habang kumaway nang patalikod.

"Saan tayo?" Tanong ko. Naka-akbay pa rin siya sa akin. I don't mind. Sanay naman na ako.

"Kung saan mo gusto."

Gangsters In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon