💙Chapter 41💙

5.4K 200 23
                                    

Kia's POV

Sports Fest ngayon so bale kasama kami sa volleyball ni Jea. Whiieeee! Noon una ayaw kaming pasamahin ni Vanessa at Bianca. Sabi nila kami daw ang magpapatalo ng team namin. Taeness nila MVP kaya kami parati sa Korea. Lagi nga kaming nilalaban sa iba't ibang bansa eh. Nakakainis 'yang Bianca na 'yan itinulak tulak ba naman ako nung nagtre-training kami sino ba naman ang hindi maiinis 'yong tipong sa'yo na nga pupunta 'yong bola pero dahil nga buwaya si Bianca tinulak ako at siya ang sumalo. Nakaka..... grrrr.. basta 'yon na 'yon nakakainis..

At isa pa 'tong suot namin nagpadagdag pa ng problems. Napaikli pa ng shorts namin. Oo maikli rin sa Korea pero dito kasi iba ang tingin nila. Nakakahiya katulad na lang ng kanina. Dumaan kami sa hallway at kung anu-ano ang pinagsasabi nila.

"Hipon mga pare. Hahaha"

"Ang puti at makinis ang legs nila. Pero pag sa mukha wapak. Haha."

And so much more. Nakakainis sila ha. Akala mo naman kung sinong gwapo't magaganda. Humanda talaga sila 'pag natapos na tong disguise namin.

"Jea punta muna akong c.r. naiihi aketch." paalam ko kay Jea. Matagal pa naman mag uumpisa eh.

"Sige, ingat ka na lang." sabi niya. Weird. Mag ingat? Ah baka nga mapatid ako sa kung saan, o kaya'y madulas ako? Hayaan na nga. Naglakad na ako papuntang c.r. malapit lang naman ang c.r. kasi may c.r. dito sa Gym.

Pumasok ako sa pinakadulong cubicle. Ang panghi kasi banda dun sa unahan. Nakaka ewiiee lang.

Narinig kong bumukas ang pinto. Mukhang may pinag uusapan. Lalabas na sana ako ng marinig ko ang pangalan ni Jea.

"Fvck parang hindi naman natin makikita 'yong sinasabi nila master na Jea." sabi nung babaeng hindi ko kilala ang boses. Baka outsider lang ang dalawang babaeng to. Pwede kasing pumasok ang outsider dito sa school pero ngayon lang na may event.

"Oo nga eh, wala naman kasing mukhang magaganda dito. Ang dami ko ng pinagtanungan ng pangalan nila pero wala akong nakuhang impormasyon." sabi naman nung isa.

"Saan kaya natin makikita ang Royal Bloods?" shocks.. Kami nga talaga ang pinag-uusapan nila. Now I know what's the meaning of Jea's saying a while ago. Mag-ingat ako sa mga nakapaligid sa amin. Bat ba minsan napakaslow ko rin eh no?

"Lagot na naman tayo kay Boss Fr-" natigilan silang magsalita ng may bumukas na pinto. Sh*t wrong timing naman oh. Kung kailang sasabihin na nila kung sino ang boss nila eh. Nakaka-sh*t lang talaga.

Narinig ko na ang mga yapak nila palabas at lumabas na rin naman ako. Kailangan nilang malaman to.

Agad agad akong tumakbo palabas ng c.r. para maibalita ko sa kanila ang mga narinig ko. Reporter lang ang peg? Haha. Enough for this non sense thing Kia.

Asan kaya sila Ann at Jas? Bat ba kasi iba pa ang nabunot nilang team yan tuloy nag kakahiwalay kami. Talagang kailangan nilang malaman to. Ano ng gagawin ko?

May nakabangga ako at nahulog ang kanyang cellphone. Lagot na naman ako.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." sabi ko. Pinulot ko ang cellphone niya at ibinigay ito sa kanya.

"Ok lang. Sige una na ako." ang sabi niya. Akala ko magagalit siya dahil nabangga ko siya at nahulog ang cellphone-- oo nga no cellphone.

Agad agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag ko at agad na dinial ang number ni Ann. Bat ngayon ko lang naisip yun? Aba ewan ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Hello Ann. Punta kayo kung saan kami nakaupo ni Jea. I have an important information. Bye." pinatayan ko agad.

Nang makabalik na ako kung saan kami nakapwesto nandun na rin sila Jas.

Gangsters In DisguiseWhere stories live. Discover now