💙Chapter 53💙

4K 122 8
                                    

Hello BlackPQueen . Yiieeee nanotice ka namin. Nakakainspired mga comments mo. Wieee♥ And sa lahat ng nagcocomment maraming maraming salamat po. At sa hindi nagsasawang hintayin ang bawat updates kahit na matagal we love you ♥

Ann's POV

Habang nakaupo ako dito sa sofa pinagmamasdan si Monick na parang lantang gulay na nakahiga sa hospital bed. Bakit ba humantong pa sa ganito? Anong klaseng kaibigan sila Trixie? At nagawa nilang traydorin ang kaibigan nila. Kung sana nakilala na namin dati pa si Monick hindi siya hahantong sa ganto. Psh.

Napalingon ako sa pinto dahil bumukas ito at pumasok si Jea.

"Ann pwede na natin siyang i-uwi at doon na sa bahay siya magpapagaling. Si Tito Dave na lang ang doctor niya at nag hire na siya ng private nurses para maayos ang kalagayan ni Monick. Mas mabuting doon na siya sa mansion para mabantayan siyang maigi." mahabang saad ni Jea. Mas mabuti na 'yun dahil mas maa-alagaan siya ni Tito Dave. Si Tito Dave ay sikat na doctor at ang dami na niyang napapagaling. 1st cousin ni Tita Jaide si Tito Dave kaya ganun na lang sila katiwala sa kaniya.

"I'll call the nurse then." sabi ko at tumayo na.

"Ok. Ako muna ang magbabantay sa kaniya." sabi niya at naupo sa sofa.

Naglakad naman na ako palabas ng room ni Monick.

Kia's POV

Nandito ako ngayon sa cafe sa tapat ng hospital. Gusto ko munang magrefresh sa mga nangyayari. Hindi kinakaya ng utak ko.

"May I take your order Ma'am?" tanong ng waiter at napatingin naman ako sa kaniya. O-M-G! Ang gwapo naman nito. I should bring Jas here. At sigurado akong nga-nganga at tutulo na naman ang laway nun. Yung hair niyang brown na bumagay sa maputi niyang balat. Seryoso maputi siya. Yung jawline niya perfect. Yung kilay niyang makapal, jusko pakboy 'to. Haha. Yung mata niyang nakakaakit. Yung ilong niya pointed. Ta's napatingin ako sa labi niya. Waaaahh!! Ang pula pula! Manipis pero ang ganda ng pagka-kurba-"Ma'am?" napatigil ako sa pagde-day dream ng marealize ko na nakatitig na ako sa kaniya ng bonggang bongga. Napakalaking kahihiyan na naman ito.

"Ah. 'Wag kang gagalaw *pak*" napatayo ako at kunwaring may lamok sa bandang noo niya at sinapok ko ang noo niya. Napaatras naman ang ulo niya at napapikit. Emeged masakit pa naman akong manapok.

"Tsk. What's your problem Ma'am?" Hala! lagot. Mukhang galit na siya. Kitang-kita ko yun dahil nakakunot na ang noo niya at nag-iigting na ang kaniya panga.

"Oops! sorry may lamok kasi. Hehe" sabi ko sabay kamot sa batok ko at nag-iwas ng tingin. Ano ba 'tong pinasokan ko! Malaking kahihiyan talaga sa akin 'to.

"Ang gwapo gwapo naman kasi nitong nilalang na'to eh. Kahit sino naman siguro mapapatingin sa kaniya dahil sa kagwapohan niya. Damn!"

Gangsters In DisguiseWhere stories live. Discover now