🌟Chapter 56🌟

3.7K 130 21
                                    

|Dedicated to GangsterQueeeeeeennn Hikhok. Labyah≡^ˇ^≡

Ann's POV

Bwisit na Abad 'yan, kakatapos lang ng field trip magpapa-quiz na siya. Asan ang katarungan? -_-

Idagdag mo pa itong apat na nasa likuran ko.

"Oy, Zion anong sagot sa number 21?" sabi ni Ashton habang kinakalabit ako. Bwisit kanina pa sila, kung hindi si Ashton ang kakalabit sa akin, si Xavier naman. Nang-gugulo rin sila kila Jea, kapag hindi ako nagbibigay ng sagot sa kanila.

"Oy, anong sagot dito sa number 22?" rinig kong tanong ni Zhayden kay Jea, haaayyys!

"Jea anong sagot sa number 22?" rinig ko ulit na tanong ni Tyrone kay Jea. Ba't hindi siya magtanong kay Kia? Kami lang tatlo ang tinatanong ng gagong 'to eh.

"Ano ba?! Magsi-tigil nga kayo! Baka mahuli tayo dito ni Abad!" inis na bulong ko sakanila.

"Wag niyo kaming idamay kung gusto niyong pumunta sa D.O." inis din na saad ni Jea.

Ngunit parang walang narinig ang mga gunggong dahil patuloy pa'rin sila sa pagtatanong saamin.

Sagot kami ng sagot sa bawat tanong pero ayaw talaga kaming tigilan nitong apat.

"Anong sagot dito sa number 163?" sabay sabay nilang tanong sa amin at dahil narin sa frustrate ko ay napasigaw ako.

"Mga punyeta! Kanina pa kayo tanong ng tanong! Nakaka-inis na!" inis na inis kong sigaw, at huli na ng na-realize kong nasa classroom pala kami. Oh god, what did I do?

"Ms. Chan! Why are shouting at my class?! Go to the Dentention's Office together with your nerd friends!" he shouted. Oh no! Nadamay sila Jea!

"Sorry girls..." nasabi ko nalang sakanila ng tumayo na sila.

"Naahh..... It's okay. It's not your fault. This is all their fault " cold na sagot ni Jea and giving the four a humanda-kayo-sa-akin-mamaya-look. Tumango naman si Jas at Kia.

Nagtawanan naman ng malakas yung apat na bugok. Mabilaukan sana kayo.

"Wait for me there." sabi niyang may pangisi-ngisi pa.

Wait niya mukha niya.

Deym! First time namin makaka-kuha ng red slip sa school na 'to. Baka malaman 'to nila Eomma lagot na naman kami.

Tuluyan na kaming lumabas, nang makalabas na kami at nakalayo na sa room ay nagulat ako ng biglang binatukan ng tatlo kong kaibigan ang tatlong gunggong kaya binatukan ko na'rin itong isang pa-ngisi ngisi dahil hindi siya nabatukan, hah! Akala niya ah!

Naupo kami agad sa upuan. Kaming apat lang ang nandito sa D.O.. Hinihintay si Abad na dumating.

After a few minutes dumating na si Abad dala dala ang folder na maraming papel na nakalagay sa loob nito. Mahulog sana. Lol.

"Here's your red slip." sabi ni Abad at ibinigay isa-isa sa amin at inabot naman namin 'yun.

"Since the school janitor is not around, maglilinis kayo sa abandon building sa likod ng building ng high school department, this would be your punishment for shouting at my class. Don't go home if you've not done cleaning all the mess. Is that clear?" pahayag ni Abad. Just because of my shout, he want us to clean that abandoned building?

"Abandonado na nga lilinisin pa. Tsk." mahinang bulong ni Jea ngunit narinig ko.

"May sinasabi ka Ms. Lee?" tanomg ni Abad kay Jea. Hindi naman sumagot si Jea.

Gangsters In DisguiseWhere stories live. Discover now