Jeanna Hwang Lee

1.6K 68 5
                                    

Jeanna-Special Child. Charrr. Special Chapter...

As we promised, here is the ud everyone. Enjoy reading. Hart Hart.

JEANNA

Pasalampak akong naupo sa sofa dito sa condo ko. As a present for our graduation that will be held next week, our parents bought us condominium. Dumiretso ako dito para makapagpahinga. Ayaw ko munang umuwi sa mansyon naming apat. Gusto ko muna ng tahimik na buhay.

Wala ring pasok ngayon dahil Sabado. Naipasa ko na lahat ng requirements ko kaya wala na akong aasikasuhin pa.

Kinuha ko ang remote ng TV na nakapatong sa lamesang gawa sa salamin. In-on ko ang TV at pinalipat-lipat ang channel. Nang mahanap ko na ang gusto kong panoorin ay inihiga ko ng bahagya ang aking katawan. Nakakapagod rin pala kapag wala kang ginagawa. Natawa ako sa isiping 'yon.

When I was in the middle of watching, my cellphone, which was lying on the table, suddenly rang. Inis ko namang tinignan 'yon. Ang sabi ko ay gusto ko lang ng tahimik na buhay kahit ngayon lang. Ngunit hindi ata ako pagbibigyan ng kung sino man ang tumatawag. I don't want to talk to anyone right now. Nang matapos ang unang ring ay nasundan pa ng sunod-sunod. Patuloy pa rin iyon sa pagtunog at hindi ko na inabalang tignan pa.

I just adverted my gaze on the television to continue what I've been watching. Pero hindi ako makapag-concentrate sa pinapanood ko dahil tumutunog pa rin ang cellphone ko. Inis ko iyong kinuha at pinindot ang power button kaya natigil ang pagtawag. Pinatay ko na rin para hindi na muling makatawag kung sino man iyon.

Bumalik sa tahimik ang lahat. Naramdaman ko ang gutom ko kaya nagpunta ako sa kusina para tumingin ng makakain. Ngunit sa kamalas-malasan, wala akong makita ni-isa. Pangalawang punta ko pa lang pala dito. Nakalimutan kong bumili ng stock.

I decided to go outside. Ang alam ko ay may malapit na convenient store dito. Kinuha ko ang cellphone ko at nagmadaling lumabas.

Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa taong nasa daraanan ko. Ngunit agad rin iyon napalitan ng matatalim na tingin.

"Hi."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa matamlay na tono.

"Do you mind if I come in?"

"What are you doing here?" pag-uulit ko sa tanong ko. Salitang Ingles na 'yan. Baka hindi niya pa maintindihan.

"I'm here for you," hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Blake lalo pa at sinabi niya iyon ng may matamis na ngiti. Bagama't natigilan ay ipinakita ko pa rin sa kaniya ang walang ka-interes na tingin.

Nang makabawi ay saka lang ako nakapagsalita. "Just go home."

"No. I'll stay here."

"No, you can't."

"Yes, I can."

"Pumunta ka ba dito para guluhin ako?"

"Kung 'yon ang sa tingin mo."

"Hindi ko gustong naririto ka."

"Pero ikaw ang gusto ko..." I was taken aback because of what he just said. "...makasama." dugtong niya pa.

Hindi pa rin ako makasagot sa kaniya. Nakakainis, ni-isang salita ay wala akong mabigkas.

"Tss," ipinatabi niya ako at pumasok na lang ng wala ang pahintulot ko.

Gangsters In Disguiseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن