🌟 Epilogue🌟

2.9K 96 21
                                    

Epilogue

Heyheyheeeyy! Votes and comments are highly appreciated! Enjoy reading!

Jea's POV

"What?!" sabay-sabay na tanong namin nila Ann, Kia at Jas.

Paanong nakatakas? Siya na mismo ang sumama kay Freya, kaya naman nakapagtataka na tumakas siya.

Ano ang rason? Bakit bigla siyang tumakas?

"Oo, kaya't tara na upang mapag-usapan natin ito nang walang nakakarinig na iba sa atin." mahinang saad ni Zhayden na nakapagpatango saamin.

Mula sa pagkaka-upo ay agad na kaming tumayo at tumungo papunta sa parking lot. Walang estudyante sa parking lot dahil tanghaling tapat at napaka-init. Pinuntahan namin ang aming Van, kasama namin sa Van sila Zhayden habang sila Blake naman ay kaniya nasa i-isang Van din. Nang malapit na naming marating ang aming Van ay biglang mayroong humalakhak mula sa aming likuran kaya naman napalingon kami doon.

"Going somewhere?" nakangisi, tila'y nanga-asar na tanong ni Sir Matt ngunit ang aming ikinagulat ay nang makita namin si Francheska sa tabi niya. Ano 'to?

"Francheska?" hindi napigilang tawag ni Jas habang kunot din ang noo. Nalilito.

Kitang-kita ang takot sa mata ni Francheska kahit na walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Bakit kasama ni Sir Matt si Francheska?

"Ano ang ibig sabihin nito, Francheska?" kunot ang noo kong tanong dala ng kalituhan.

"Let me answer your question, Jea," naka-ngisi pa ring saad ni Sir Matt na mas lalo naming ikinalito. Maging ang dalawang grupo na aming kasama ay nagtataka rin. "Francheska is my adopted daughter and my only successor."

Sa sinabi ni Sir Matt ay mas lalo kaming nagulat. What? How did that happened? So he is the Boss? Oh my gosh. . .

"So you're the Boss, huh." matapang at mapang-asar na saad ni Kia ngunit nahimigan ko pa rin ang kalituhan sa kaniyang boses.

"Obviously, yes." ngayon ay pormal na ang mukha at boses nito. Hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong hindi namin siya nahalata?

"How the hell. . ." hindi makapaniwalang saad ni Zack.

"I knew from the very start who you two groups were, even when you're still in Korea. Even when you, Black Phoenix and Royal Bloods fought in UGW. I was there. . . I was there. . ." hindi ko mapigilang hindi kilabutan dahil sa sinasabi ni Sir Matt. So all along, he was watching since the very beginning? Oh f*ck, how did that happen? How. . .

Gangsters In DisguiseWhere stories live. Discover now