Part 2

185 8 0
                                    

Part Two

•───── ୨♡୧ ─────•

"Maraming salamat sa'yo Niah! Tuwing kumakanta ka sa bar namin,mas lalong dumadami ang costumer namin! Kapag wala ka eh, ikaw ang lagi nilang nire-request sa akin!"

Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am Rama, ang may-ari ng Relejante bar. Masyadong nakaka-flatter naman ang mga sinabi niya.

Ang bar na ito ay di tulad ng party bars, ni wala nga itong disco light. This is just a simple bar. May nakanta sa unahan o kaya ay may banda. Two months na rin ako dito and I really enjoy performing here.

"Kayo talaga! Wala naman po 'yon sa akin. Nage-enjoy rin naman po ako sa ginagawa ko."sabi ko habang nakangiti.

"Naku! Ikaw talagang bata ka!"sabay hampas niya ng mahina sa balikat ko "Ay,oo nga pala may bibigay ako sa'yo...",sabi niya habang kinukutingting ang bag."Eto oh, tanggapin mo"sabay lahad niya sa akin ng sobre.

Huli na nang mapagtanto kong pera ang laman n'on. Hindi kasi ako binabayaran sa pagpe-perform ko dito sa Relejante (spanish word of Refreshing). Libre lang ang pagpe-perform ko. Ngunit masyado yatang natuwa sa akin si Ma'am Rama para bigyan ako ng pera.

"Ay sige na po! Okay lang po sa akin kahit wag na. Masaya naman po ako sa ginagawa ko! Sa inyo na po yan" ,sabay lapit ko sa kanya nang sobre.

"Sige na, tanggapin mo na. Nang dahil sayo ay mas lumaki ang kita ng Relejante! Sa'yo na 'yan. " sabay lapit ulit sa akin ng sobre.

"Ay okay lang po-" ibabalik ko ulit ang sobre nang may narinig akong boses.

"Kunin mo na. Andami mo pang arte. " masungit na sabi ng lalaki.

Medyo lumapit siya sa amin kaya naman tumapat sa kanya ang liwanag ng ilaw. Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang lalaking 'to! Aha! Siya yung lalaking may masamang tingin sa akin! That's why he looks familliar!

"Ay, Ryder lumapit ka dito"sabay kaway ni ma'am Rama dun sa lalaki. Lumapit naman ng napipilitan yung lalaki.

"Ay, oo nga pala, Niah,eto anak ko si Ryder."sabay baling sa akin ni Ma'am Rama,ngumiti naman ako dun sa Ryder, "Ryder, eto nga pala si Niah,siya yung kumakanta kanina."
sambit ni Ma'am Rama habang nakangiti.

Sa loob ng dalawang buwan ko dito ay ngayon ko lang nakita ang anak niya. Well, I'm not everyday here baka kaya di ko siya nakikita.

"Alam ko,nakita ko. Di naman ako bulag." masungit na sabi ni Ryder tsaka lumayas. Napawi ang ngiti ko.

Sinundan ko ito ng tingin habang may kunot na noo. Aba't bastos naman ng lalaki na 'yon! Walang respeto sa nanay niya! Napakabastos! Napakabait ni Ma'am Rama para sagut-sagutin niya ng ganoon.

Nahiya namang napatingin sa akin si Ma'am Rama. "Hehehe...pasyensya kana sa anak ko ha..."hinampas niya ulit ng mahina ang braso ko. "Broken-hearted kasi 'yun ngayon,kaya ganun 'yun. Pagpasyensyahan mo na huh. Minsan ay nagpe-perform sila dito. May banda kasi sila. Eh kaso na broken-hearted dun sa vocalist nila kaya ganyan."

Kahit na noh! Dapat ay nirespeto niya man lang ang nanay niya.But I understand him a little.

"Ay okay lang po. Naiintindihan ko po" sabi ko tsaka pilit na ngumiti.

"Napakabait mo na mang talagang bata ka!"masaya niyang sambit at tsaka pinalo na naman ang balikat ko.

Nakangiti ako sa kanya nang nawala ang ngiti niya at napatingin sa balikat ko.

"P-po?" tanong ko at napatingin sa sariling balikat at nanlaki ang mata ko dahil nakita niya ang pasa ko. Naka-sleeveless kasi ako.

"Ay sorry Niah! Napalakas yata ang palo ko kaya nagkapasa. " sabi niya habang hinihimas ang balikat ko.

"A-ay hindi po! Okay lang po. Napatama po kasi sa pader. Pero di na po masakit,medyo matagal na po kasi. " sabi ko at tsaka pilit na ngumiti.

"Hayy..."bumuntong hininga siya "akala ko talaga ako ang may kasalanan eh. Salamat ulit huh."sabi niya tsaka inabot ang envelop. This time, kinuha ko na.

"Salamat din po dito. " sabay pakita ko ng sobre.

"Ay ikaw talaga..." hahampasin niya sana ulit ako ng mahina sa balikat ngunit di na niya iyon tinuloy dahilan upang medyo mapatawa ako. " wala pa nga 'yan sa naitulong mo dito."

"Sige po salamat po. Alis na po ako. " pagpapaalam ko at lumabas na ng bar.

Till My Last BreathWhere stories live. Discover now