Part 6

130 7 0
                                    

Part Six

-¤*¤-

"Where have you been again, Zhaniah. You always making us so worried! Di kana dapat nagtatrabaho! Alam mo namang di ka pwede mapagod!"nag-aalalang bungad sa akin ni mama nang makita niya akong pumasok.

"Ma, I went to the hospital. "

Agad napalitan ang ekspresyon niya ng pagkagulat.

"By just yourself? Niah, tell me what happened? What the doctor said?" sunod-sunod niyang tanong.

Naupo muna ako sa sofa bago magsalita. Naupo na rin siya.

"Mom, the first time we went on the doctor, she said that I only have 2 years span of life. Ma, when she encouraged me to undergo chemo, I refused because I already accepted my condition. But ma, I realized that I should live more because I deserve it. That's why...I decided that...I'll take the chemotherapy. " napatungo ako dahil may namumuong luha sa mata ko at ayokong makita nila na mahina ako.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Thanks anak. Thank you. Lalaban tayo huh. Lalaban ka."bulong niya sa gitna ng yakap niya. I hugged her back.

Relejante Bar

Ilang weeks nalang at malapit na ang Battle of the band kaya naman todo practice kami. I tried not to be tired. Inuubo na naman ako,kaya medyo nahihirapan akong kumanta.

"These days, napansin naming lagi kang inuubo at sinisipon, may lagnat ka ba?"tanong sa akin ni Ryder.

"Ah...wala naman."

Dahil  leukemia ang sakit ko.

Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko dahil alam kong pipigilan nila ako tungkol dito and I don't want that to happen.

~¤*¤~

"Naalala ko nga n'on eh, ang aga aga ng pasok ko sa school tas wala pala kaming klase!"kwento ko kay Ryder.

"Hahaha epic 'yon"

"Tas ibang klase ang gumagamit nung room, edi dire-diretso akong pumasok! Grabe pahiya ako! Nakipag-talo pa ako sa prof na klase ko yun. Grabe pahiyang pahiya ako nun!" kwento ko pa.

Nagtawanan kami.

"Kami naman, pumasok sa department store no'n. Hindi ko nadala yung credit card ko, tas kulang yung nadala kong cash kaya di ko mabili yung isang gamit doon. Tas nagloko ako sa mga kasama ko, sabi ko 'uwi ko na 'to ah' pero syempre di ko naman ginawa 'yon. Maya-maya dumating yung guard, tas nilapitan ako. Dinala ako dun sa security office tas kung anu-ano tinanong sa akin. Sabi ko 'mukha bang magnanakaw 'tong gwapo kong mukha?'"

"Pfft...Hahahahaha"tawa ako nang tawa.

Parehas kaming tumatawa ng napatitig ako sa mga mata niya. Brown eyes 'yon at ang lalim. Punung-puno ng emosyon. Pero sa nakikita ko ay masaya naman siguro siya.

"Huy, kayong love birds dyan! Practice na uy " biro ni Miguel na parehas naming tinawanan ni Ryder.

"Eto na"

Hinawakan ko ang acoustic guitar ko at sinakbit ito sa balikat. Kinanta ko ang unang mga lyrics.

Umaasang magmahal muli
Ang buong akala ko'y siya na
Kabiguan ang napala
Paghilom ng puso'y hindi madali
Ang malaman mahal mo'y walang
Pag-ibig sa'yo

Napapatingin sa akin si Ryder habang nakanta ngunit iniiwas din niya ito agad.

Ang umasang magmahal muli ay siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito'y darating
Ito'y darating
Sa'yo

Dahil babae at lalaki 'to ay, ka-duet ko si Ryder. Siya ang kumanta ng pang lalaki.

Hanggang sa tayo'y magtagpo
Sa kabiguan natamo
Kaya ako ay maghihintay
Sa tunay kong mahal
Isipin ang bukas at kalimutan ang nakalipas

Sa chorus ay nagsabay na kami. Ewan ko kung bakit pakiramdan ko ay may mga kiliti akong nararamaman sa tiyan ko habang nakatitig kami sa isa't isa habang kumakanta. At hindi ko rin maintindihan kung anong gusto sabihin ng mga titig niya sa akin.

Ang umasang magmahal muli ay siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito'y darating
Ito'y darating
Sa'yo

Ang naranasan
Ang pagluha tulad ng sa ulan
Ang umasang magmahal muli
Ay siyang magagawa
Huwag hanapin
Ang pag-ibig
Ito'y darating
Ito'y darating
Ito'y darating sa'yo

Hanggang sa huling mga nota ay nakatitig pa rin siya sa akin at ganun din naman siya sa akin. Ewan ko kung bakit pagkatapos n'on ay ang awkward ng atmosphere.

"Bro, napansin mo ba? Ang lagkit 'no. Tamang tama talaga yung kanta. Magmahal daw muli oh."kunyaring pabulong na sabi ni Miguel kay Ralph kahit rinig naman.

"Yes bro. Buti nalang hindi sila natunaw. At may nagmamahal muli na nga. "sagot din naman ni Ralph at tsaka nagtawanan yung dalawa.

Napa-irap ako sa kawalan. Alam kong kami ni Ryder ang pinag-uusapan nila.

Napatingin ako kay Ryder at nakita ko siyang nakangisi. Anong nginingisi-ngisi ng isang 'to?

"Huwag mo nalang silang pansinin."sabi niya.

6:00 pm na at may performance kami. Maayos natapos ang kanta at ayoko nang alalahanin ang naramdaman ko kanina sa stage. Umupo na kami sa mga upuan doon. Umiinom ako ng tubig nang marinig kong may nagsalita sa unahan. At laking gulat ko nang si Ryder 'to.

"Hello everyone, I'll sing again but I'm not with my band huh. I just want to dedicate this song for the girl who light up my dark world. For the girl who made me smile again. For the girl that I think, I fell inlove with right now."sabi niya habang nakatitig sa akin.

Naghiyawan ang mga tao at nangunguna doon si Miguel at Ralph.

Nararamdaman ko ang kaba sa aking dibdib. Angbilis bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay lalabas na ito. Will he sing for me? Is that for me? I don't want to assume but I really think it's for me.

Nagsimula siyang mag-strum ng gitara at...

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive

Ewan ko pero pakiramdam ko ay tumigil ang mundo. Pakitingin ko ay siya at ako lang ang nandito.

I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Pinakinggan ko ang husky voice niya at bawat pag-strum niya sa gitara at bawat pagbuka ng bibig niya ay di ko maiwasan mamangha. Why do you have to be this perfect. I hate and sad to admit but I think I'm falling for you...

'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive

Tinapos niya ang kanta at naiwan akong di makapaniwala. Nakita kong kumunot ang noo niya. Tumayo siya at bumaba ng stage.
Pero di ako makapaniwala na nilampasan niya ako at pumunta siya sa babaeng kanina pa nasa likuran ko...

Ikaw ba ang babaeng minahal niya? Ikaw ba si Anya?

Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo at ang pagtibok ng puso ko.

Till My Last BreathWhere stories live. Discover now