Part 9

149 6 0
                                    

Part Nine

~¤*¤~

Nakasakay na kami sa van ngayon. At ang dalawang mokong ay pinagti-tripan yata kami. Si Ralph ang nagda-drive at katabi niya si Miguel.

Abot hanggang tenga naman ang ngiti nitong katabi ko. Maya-maya ay hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngunit sumipol sipol lang siya dahilan upang mapatingin yung dalawang mokong.

"Bro, di kaba nao-op?"kunyaring patanong pa ni Miguel.

"Actually bro, kanina pa eh"pakiki-ride naman ni Ralph.

"Kung tayong dalawa nalang kaya?"biglang sabi ni Miguel kay Ralph.

"Yuck. Mandiri ka nga bro. Maghanap ka nalang ng iba. " sabi naman ni Ralph

"Huy, alisin mo nga yang kamay mo. Tsansing ka eh!" sabi ko sabay hawi sa kamay niya.

Ngumuso lang siya at tinawanan ko lang. Nang dahil sa sakit ko ay mabilis ako mapagod kaya kahit 30 minutes pa lang ay inaantok na ako. Humikab pa ako.

Napatingin pa sa akin Ryder.
"Gusto mo matulog ka sa balikat ko"offer niya.

"Huwag na, mangalay ka pa " sabi ko.

"Sige na"isinandal na niya yung ulo ko sa balikat niya. Aayaw pa sana ako kaso nung naramdaman kong komportable ako ay hinayaan ko na. Ang sarap...

                        ~¤*¤~

"Nasan na yung iphone mo Ralph? Dali akina picturan natin sila oh"

"Here, here "

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko.

"Eto eto...hahaha po-post ko 'to sa instagram tsaka sa twitter at facebook."

"I also have an account im tumblr. I'll post it there hahaha"

Pagmulat ko ay nakita ko si Miguel at Ralph na nakahawak sa iphone. Parang may tinitignan sila.

Kinusot ko muna ang mata ko."Ano 'yan?"

Nakita kong nanlaki ang mata nilang dalawa. "Wala, wala...nandito na tayo sa venue...bangon na kayo dyan..hahaha"

Parang may nakadagan sa ulo ko. Kaya naman pala.eh! Nakadagan din pala ang ulo ng lokong 'to eh.

Inalis ko yung ulo niya...tapos sumandal naman siya doon sa sandalan ng upuan. "Huy gising na!" niyugyog ko pa siya.

Pero nagulat ako nang bigla siyang ngumiti pagkamulat niya. "Angsarap pala ng pakiramdam  kapag yung una mong makita pagkagising mo ay yung taong mahal mo. Parang nai-imagine ko tuloy na pag mag-asawa na tayo, gigisingin mo ko tas...  "nakangiti niya paring sabi.

"Baliw! Tigilan mo na 'yang pag-iimagine mo! Tara na!"

Nakatayo na ako at akala ko tumayona 'rin tong lokong 'to.

"Huy,ano pang ginagawa mo dyan? Tara na uy!"inis na sabi ko.

"Higitin mo muna ako."

"Eh kung sipain kita dyan eh! "

"Amazona ka rin pala. " sabi niya na pailing-iling pero nakangiti.

Pagbaba namin ay gulat na gulat aki. Grabe, hindi ito yung inaasahan ko. Kala ko maliit lang na competition 'to. Nakaramdam ako ng kaba.

Till My Last BreathWhere stories live. Discover now