Part 8

129 7 1
                                    

Nilagyan ko ng lipstick ang aking labi. Now it became more reddish. Sinuklay ko ang buhok ko at nakitang maraming hibla ang nawala doon. Agad kong nabitawan ang suklay.

The another scary thing happened to me.

Ngayon na ang araw ng Battle of the Bands. I kept this as a secret to my family. I know that they won't allow me to join there while I kept my condition to the Which Option because I know that they won't allow me to join on the Battle of the Bands. Now, I have a lot of secrets. I plannes that I'll tell Which Option about my condition when the Battle of the Bands was done.

Susunduin daw ako nina Ralph. Isang van ang gagamitin. At may truck pa para sa musical instruments. Medyo matagal ang byahe kaya dinala ko ang mga gamot ko at doon na ako iinom.

Sinabi ko kay mama na papasyal lang ako kasama ang mga kaibigan ko at buti ay naniwala naman siya.

Nag-usap usap kami na ang magkikita kita kami sa Relejante. Alas syete palang ngayon ng umaga. Two hours ang byahe kapag hindi traffic. Maaga kaming umalis para makapag practice pa kami bago mag-start.

Agad akong pumara ng taxi. Mabuti nalang at wala pang traffic,dahil maaga pa.

Pagkarating ko doon ay wala pa sila. Tsaka ko naalala na 50 minutes na advance ang phone ko. Hayyy, bakit ko nga ba nalimutan. Ibig sabihin ay mga alas sais pa lang. 'Yan tuloy sarado pa yata ang Relejante. Pero tinulak ko pa rin ang pintuan at nagulat ako dahil bukas ito . Sino kayang tao dito?

"Tao po. Sinong nandito?"

Nilibot ko ang bar at may nakita akong anino ng tao. Medyo lumapit siya sa akin.

"Ryder?"

"Zhaniah. Long time no see"sabi niya habang nakangiti.

"Oo nga. Wala ka kasi kahapon sa practice. May date ka daw." sana lang ay hindi ako nag boses bitter sa huling pangungusap.

"Date?! Sinong nagsabi sayo?!" takang tanong niya.

"Wala. Narinig ko lang sa usapan nina Ralph at Miguel." sana lang talaga di ako boses bitter...

Umupo ako sa pinakamalapit na upuan at naki upo rin siya doon. Kainis naman oh... bakit ba parang naiilang ako?!

"Wala akong date. Nag-usap lang kami ni Anya. For closure."

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Nag-usap kami na tapos na kami. Wala na. Nakikipag-balikan kasi siya sa akin. Sabi ko may iba na akong mahal."sabi niya habang nakatitig sa akin.

Ewan ko pero parang pakiramdam ko ay nag-iinit  ang pisngi ko kaya naman napa-iwas ako ng tingin.

"Ba't ka nag-eexplain? Sinabi ko lang na may ka date ka. Di ko naman tinanong kung bakit ah."sabi ko habang naka-iwas pa rin ang mukha.

"Para di kana mag-selos."simpleng sagot niya pero agad naman akong napatingin sa kanya nang nanlalaki ang mata. Nakita ko namang nakangisi siya.

"A-ang k-kapal naman ng f-face mo! B-bakit n-naman ako magsese-selos? "napapaiwas kong sabi at nakakainis dahil nauutal ako pero mas nakakainis dahil anlaki ng ngisi niya.

"Dahil mahal mo 'ko."simple niya pa ring sagot pero napapalingon pa rin ako. Oh my , mukhang atake sa puso ang papatay sa akin, hindi ang leukemia.

"A-abat ang kapal t-talaga ng face mo ah!"sigaw ko at lumaki lalo ang ngisi niya. Utang na loob,tumigil kana sa kakangiti!

"Eh ba't ka nauutal?"makahulugang sabi niya na parang binubuking ako.

"Tigilan mo na nga ako!" Salamat at hindi na ako nautal.

Tumawa naman siya at umayos ng upo.

"Naalala mo ba nung kumanta ako ako sa stage n'on?"biglang seryosong sabi niya.

"Oo."simple kong sagot kahit andami dami kong gustong sabihin sa kanya.

"Para talaga sa'yo yun."agad akong napalingon sa kanya.

"A-ano?! Huy, Ryder wag na tayong maglokohan dito oh."

"I'm telling the truth Zhaniah. Alam kong hindi pa ganun katagal ang pagkakakilala natin. But with that short time, I fell inlove with you."seryosong sabi niya.

"Pero kung para talaga sa akin yun, bakit ka kay Anya dumeretso, bakit nilampasan mo ko?"taas kilay kong tanong.

"Are you testing me darling?"nakangising tanong niya.

"Basta sumagot ka nalang!"sigaw ko

"Oh eto na po...yun nga po ang pagkakamali ko, dapat sayo ako dumeretso, eh kaso nagulat ako nandoon siya dahil baka sirain niya yung plano ko. Kaso ayun. Nasira nga."

"Ginagawa mo ba akong rebound?"

"Hindi. Mahal na talaga kita. Kaya siguro ako ganun, dahil nasaktan ang pride ko pero nung dumating ka, na-realize kong di ko na talaga siya mahal. Nasaktan lang talaga yung ego at pride ko. So...pwede ba 'kong manligaw?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Oo, pinapangarap ko 'to pero...bakit... Alam kong iiwan ko rin siya at ayoko siyang masaktan.

"Hindi kasi pwede."napatungo ako.

"Huh, bakit?"takang tanong niya.

"Basta. Hindi kasi pwede."mahinang sabi ko.

"Basta. Sa ayaw at sa gusto mo. Liligawan kita."

Whaaat?!!

"Oh, tapos na ba kayo dyan?"

Napalingon kami parehas sa pintuan na 'yon. Magkasama si Ralph at Miguel.

"Kanina pa ba kayo dyan?! "nanlalaking matang tanong ko.

"Oo. At narinig namin lahat. From the top to the last."sabi ni Miguel at nag-apir pa silang dalawa.

What the heck is happening with these people?

Till My Last BreathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora