Part 3

141 7 0
                                    

Part Three

•───── ୨♡୧ ─────•

Pagkarating ko sa Relejante ay nakita ko yung anak ni Ma'am Rama, si Ryder. Naka-upo siya sa isa sa mga upuan doon at may mga kasamang lalaki at mukhang pinapagalitan siya. Habang naglalakad ay narinig ko ang usapan nila. I'm not eavesdropping, I just really hear them because I have two ears.

"So ganyan nalang bro! Dinadamay mo ang banda dyan sa heartbreak mo kay Anya! Dude, umalis na si Anya sa banda, kailangan na nating humanap ng iba kung ayaw mong mauwi tayong nganga! " pasigaw na sabi sa kanya n'ong maliit na chinito. Di naman ganun kaliit pero kung ikukumpara sa ibang kasama niya ay maliit talaga siya.

"Walang pwedeng pumalit kay Anya! Nag-iisa lang siya! " pagmamatigas ni Ryder "at siya ang dahilan kung paano tayo nabuo!"

"Dude, naiintindihan namin 'yang nararamdaman mo pero andaming opportunities na ang nawawala " sabi n'ong matangkad na medyo moreno.

Pumunta muna ako kay Ma'am Rama para ipaalam na nakarating na ako.

"Oh, nandyan kana pala Niah!"  bungad niya sa akin.

"Magpe-perform na po ako. " sabi ko.

Sa ngayon ay di ako gagamit ng gitara dahil may pagka-rock yung kakantahin ko. Yung indoor band na ang bahala doon. Nagpunta na ako sa stage. Nakita kong di na nagbabangayan yung grupo nila Ryder. Nagpakilala muna ako sa kanila bago magsimula.

Now playing: Migraine by Moonstar88

Oo nga pala
Hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang akong
Nangangarap mapa sayo

Pinipikit ko at dinarama ang aking kinakanta. When I open my eyes, I caught the group of Ryder watching at me with an open mouth, while Ryder has the i-don't-care cold look expression.

Nahihilo nalilito
Asan ba ako sayo
Asan ba ko sayo
Nahihilo nalilito
Asan ba ako sayo
Aasa ba sa iyo

Napansin kong nagbulungan pa ang mga kasama ni Ryder. Matapos ang aking pagkanta ay bumaba na ako ng stage at naupo sa isa sa mga upuan doon. Tumawag ako ng waiter para manghingi ng tubig.

"With ice Ma'am?"tanong sa akin ng waiter.

"Without ice please. "

Maya-maya ay namataan kong palapit sa akin ang mga kasama ni Ryder.

"Hi,you're Miss Zhaniah Del Franco, right?"sabi sa akin nung maliit na kasama nina Ryder kanina.

"Ah yeah, paano mo ko nakilala?"takang tanong ko.

"Ah,diba nagpakilala ka bago ka mag-perform."sabi naman nung matangkad na moreno.

Till My Last BreathWhere stories live. Discover now