Math Camp #4 - Tortured Barbies

18.3K 353 41
                                    

*ELLIPSE POV*

Nakatakas naman kami sa mga CLOFAS member pero hindi ko parin matangal ang mga mata ko sa CLOFAS leader na naka-pink.

"Tulog.." Sabi niya. Hindi ko man marinig dahil sa kalayuan namin pero alam ko na yun ang gusto niyang iparating. Isa siyang CLOFAS leader, gusto niya kaming patayin isa-isa, pero bakit tila gusto ko siyang tulungan. Tumulo ang luha niya sa kanang mata niya. Hindi na ako mapakali sa pwesto ko at pinuntahan siya. Ngunit pinigilan ako ni Nurse Michael.

"Anong ginagawa mo?!" Sabi niya sa akin.

"Kailangan natin siyang tulungan!" Sabi ko.

"Siya?!" Sabi niya habang nakaturo sa naghihingalo na CLOFAS leader. "Sila ang kaaway natin dito! Gusto nila tayong patayin tas tutulungan pa natin?! Wala ka ba sa sarili mo ha?!" Sabi niya habang naka-hawak sa ulo ko.

"Tama siya, Ellipse. Hindi natin alam kung ano ang gagawin niya pagtinulungan natin siya." Sabi ni Quetzal sa akin. Inalis ko ang mga kamay ni Nurse Michael sa ulo ko. Sino ang nagbigay ng pahintulot sa kanya na ganunin niya ako?

"Nasaan ang pagiging maka-tao niyo?! Alam ko na kaaway siya, pero kung kaaway talaga siya, Bakit siya nakabitay doon!" Sabi ko at nakaturo sa naka-pink na CLOFAS. Tumingin ako kay Nurse Michael at sinabi "Kung ayaw mo sa desisyon ko pwes mas makakabuti kung mag-hiwalay nalang tayo. Halika na Quetzal." Sabi ko at naglakad palayo. Ngunit napatigil ako nung napagtanto ko na naglalakad lang ako mag-isa. Lumingon ako at nakita si Quetzal at Nurse Michael na nakatayo parin sa parehong posisyon kanina.

"Quetzal?" Sabi ko.

"Sorry Ellipse. Nurse Michael has a point, Baka siya pa ang pumutol ng buhay ko." Sabi niya. Bumuo ang isang simangot sa mukha ko. Ang sarili kong bestfriend hindi ako sasamahan. Kala ko ba bestfriend kami?! Tama nga sila, iiwan't iiwan ka rin ng mga taong mahal mo. Tumuloy ako sa paglakad papunta sa CLOFAS leader.

"Ellipse, please sumama ka sa amin." Sabi ni Quetzal habang nakahawak sa balikat ko. Hindi man ako lumingon, alam ko boses niya. Bestfriends kami di'ba? Inalis niya ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Sumama ka na sa nurse na yan. Total mabubuhay ka naman sa kanya di'ba? Kumpara mo naman sa akin, ililigtas ko lang ang kaaway tas papatayin niya ako then boom! Ipapamukha niyo sa hukay ko na tama kayo all this time! Eh di happy everybody except sa akin." Sabi ko at tumakbo na palayo at iniwan sina Quetzal at Nurse Michael.

***

*YVONNE'S POV*

"Ibitay yang babaeng yan! Isa siyang malaking taksil!! Malaking kahihiyan ka sa CLOFAS!! Kailangang mamatay ang mga taksil na tulad mo!" 

Yang mga salitang yan, isinusumpa ko yan! Isinusumpa ko kayong lahat! Magkikita pa tayo sa kabilang buhay. Doon kayo magbabayad! Hindi ako taksil, ginagawa ko lang mabuti kaysa sa kasakiman! Mga putang ina kayo! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ito! Laking gulat ko nung may nagbato na kutsilyo sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko. Mga puta, hindi pa nakuntento na nakabitay ako dito.

Math CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon