Math Camp #9 - Escaping Hell

13.1K 274 22
                                    

*THIRD PERSON’S POV*

Nagtago sa likod isang shelf ang mga HUACS habang si Ellipse naman ay nangangailangan ng tulong. Ang lahat ng HUACS ay mayroong mga sandata kaya siguradong makakalaban sila. Dahan-dahan silang lumapit sa sumisigaw. Alam ni Quetzal na si Ellipse yun dahil magkaibigan sila kahit na iniwan niya si Ellipse mag-isa.

Nilabas ni Roel ang isang kutsilyo. Ang kutsilyo na pinampatay siya kay Yvonne. Paabante si Roel habang si Ellipse naman ay paatras. Hindi alam ni Ellipse kung paano siya lalaban, wala na man siyag armas na hawak at kung gamitin niya ang kanyang sariling panlaban, alam niyang mapapahamak lang siya.  Pero susubukan niyang lumaban. Sinipa ni Ellipse ang tuhod ni Roel dahilan para mag-bend si Roel. Sisipain niya na sana ang mukha ni Roel ngunit nahagilap agad ni Roel ang paa ni Ellipse. Tumalon si Ellipse at sinipa ang mukha ni Roel gamit ang isa niya pang paa. Naiwang nakahiga sa sahig si Roel. Dumako naman si Ellipse sa kabilang shelf para itulak ito at maglanding sa katawan ni Roel. Ngunit hindi niya ito matumba-tumba dahil mabigat ito. Laking gulat niya nang may nakita siyang kamay na tinutulak ang shelf sa kanyang kanan. Tinaas niya ang tingin niya at nakita si Quetzal. Katabi naman ni Quetzal ay si Nurse Michael. Kita sa mukha ni Ellipse ang saya dahil buhay pa ang kanyang kaibigan. Tumingin naman siya sa kanyang kaliwa at nakita ang isang tomboy at isang kakaiba ang suot, mga kasama yata ng kaibigan niya, isip ni Ellipse. Ngayon ay sabay-sabay nilang tinulak ang bookshelf at hindi naman sila nabigo. Pagkatapos nun ay niyakap ni Ellipse ang kanyang matalik na kaibigan.

“Namiss kita, Quetzal. Buti buhay ka pa. ” Bulong ni Ellipse kay Quetzal.

“Syempre ako pa! Namiss din kita, Ellipse.” Sagot naman ni Quetzal kay Ellipse. “May ipapakilala pala ako sayo.” Sabi niya at naghiwalay naman ang kanilang mga katawan sa pagyakap. “Meet Amber Liu and Patriella Perez. Kayo naman, meet Ellipse” Sabi niya at turo sa tomboy at sa may weird na outfit. “Nasaan na pala yung tinulungan mo?” Tanong niya. Tumungo si Ellipse sa pag alala ng bagong kaibigan.

“Patay na siya.” Tipid na sagot ni Ellipse.

“Sorry to break the atmosphere pero may plano ako.” Sabi ni Patiriella na kinasira naman ng mood. Napatigil sina Quetzal at si Ellipse at naghanda kami sa pagkinig.

 

“Here’s the plan, may sleeping gas dun sa inventory ng CLOFAS which is yung bus nila. Since lima tayo, dalawa ang kukuha ng bomba. Next, dalawang malakas ang loob ang susugod sa Gym para iligtas ang mga Hale University. Then yung natitirang isa satin ay kukunin ang Hale University bus para yun ang magsisilbing escape pod natin. Pag naligtas na ang mga Hale University students sa kamay ng mga CLOFAS, ipapasabog natin ang Gym ng sleeping gas para matulog ng mahimbing ang mga CLOFAS since karamahin sa kanila ay nandun and lastly pag tulog na sila, Aalis na tayo.” Paliwanang ni Patriella.

“Sino ang kukuha ng Sleeping gas? Sino ang dalawang susugod at sino ang matitira?” Tanong ni Nurse Michael.

“Nurse Michael, marunong ka ba magmaneho?” Seryosong tanong ni Patriella. Tumango naman si Nurse Michael. “Good. So ang kukuha ng sleeping gas ay ako at ikaw, Ellipse. Ang susugod ay sina Quetzal at Amber at ang mag mamanage ng bus ay si Nurse Michael. Any objections?” Sabi ni Patriella.

Math CampDonde viven las historias. Descúbrelo ahora