Math Camp #7 - Marina and friends

14.7K 265 20
                                    

*AMBER’S POV*


[FLASHBACK…]

 

“Peste, bakit ba ako nandito?” Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng gate. Una sa lahat, hindi ko naman ginusto na sumali sa letcheng math camp na ito. Napilitan lang ako. Kung hindi lang kasi nakita ni mama yung invitation letter edi nasa bahay ako nanonood ng wrestling. Pangalawa, hindi ako tomboy. It is just a matter of fact na may pagka-manly ang katawan ko. Sinubukan ko mag-paka girly ang style pero natatawa lang ako sa sarili ko pag tumitingin sa salamin dahil nagmumukhang tanga lang ako. Ngunit napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng putok ng baril at sigawan. Titigil ba ako? Tingin ko naman siguro pakulo lang ito ng Math Camp. Pero napatigil ako at nagtaka, Ano at para saan yung baril. Lumipas ang 30 segundo, tumakbo na ako. Hindi ko alam kung bakit ako napapatakbo kung gayun ay wala akong pakielam sa nakapaligid sakin.

 

Habang tumatakbo nakakita ako ng dalawang naka-white na uniform. Mga naligaw yata dahil sa pagkaka-alam ko wala namang cosplay na magaganap. Pero napatago ako nung nakita ko ang hawak nilang mga baril. Teka, inaatake ba ang Hale University? Habang ako ay nagtatago naririnig ko ang kanilang usapan.

 

“Ngayon na, Ngayon na mangyayari ang pinakahihintay natin! Shet, nakaka-excite naman!” Sabi ng isang naka puting uniporme. Babae ang boses niya so obviously babae siya.

 

“Tama. Kailangan din natin maubos ang walangyang lahi nila. Ito na, ito na ang official comeback ng CLOFAS! Hahahaha..” Sabi ng kasama niya na may panlalaking boses. Pagkatapos nun ay nagtawanan sila. Mga walang hiya. Kala ko ba wala na yung pesteng CLOFAS na yan! Hindi ko napigil ang sarili ko at sinapak yung babae. Sa isang sapak ko, nahimatay siya sa sahig. Tss, weak ka rin naman pala. Pagkatapos suntukin yug isang CLOFAS member na girl, sinipa ko naman sa sikmura yung isa. Habang nakahiga siya sa sahig, kinuha ko ang baril nung isa at pinutok sa kanya. Pagkalipas nun, binaril ko na rin yung isa para sigurado na. Kinuha ko yung damit nang babae at sinuot. Gosh, saying yung babae, ang ganda sana. Matapos ko suotin yun, napansin ko na may nakalagay sa kanang bahagi ng dibdib niya.

 

Sinundan ko ang isang pack ng mga CLOFAS member. Papunta silang lahat sa gym kung saan ginaganap ang Math Camp. Sinubukan kong umarte ng natural dahil isang maling galaw ay katumbas ng kamatayan. Sinundan ko ang bawat galaw at plano nila. Tumakas ako sa kanila at pumunta sa bus kung nasaan ang mga gamit nila. Pinuntahan ko ito at nakita ang isang smoke screen. Pamilyar ako sa gamit na ito dahil naglalaro ako ng Special Force o SF. Agad akong tumakas. Buti nalang at walang nakakita sa akin. Tumaas ako sa bubong at binutas ang isang parte ng bubong. Sa bilang ng tatlo, ibabato ko ito. Para rin naman ito sa mga ka-eskwelahan ko, pwede silang makatago o takas sa loob ng maputing usok.

 

Isa…

 

Dalawa…

 

Tatlo…

 

Pagkatapos nun ay binato ko na ang smokescreen. Hinubad ko na ang uniform ng CLOFAS na suot ko at tumakas na palayo hangga’t sa may narinig akong tinig.

 

“Wag na wag kayong gagalaw!” Sabi ng isang CLOFAS member.

Math Campحيث تعيش القصص. اكتشف الآن