Math Camp #5 - I still love that big-ass jerk.

16.5K 311 19
                                    

*NURSE MICHAEL'S POV*

Inihanda ko ang injection sa pagpasok ko sa clinic. Hindi naman natin alam kung ano ang pwede mangyayari kaya dapat handa ka. Nung nakaramdam ako na safe na, kinuha ko na agad ang first aid kit para kung sakali masugatan kami ni –Sino ba ito? Kilala ko naman ung kanina. Yun ung Ellipse Dorovan or Gorovan ba yun, dakilang tambay kasi sa clinic eh pero itong babaeng kasama niya ay hindi ko kilala o mamukhaan man lang. Agad akong pumunta sa doctor’s office at kinuha ang injection sa cabinet. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa comfort room at kinuha ang muriatic acid sa cabinet nito. Nirefill ko ang injection ko at ang injection na kinuha ko kanina ng muriatic acid. Oo, ang muriatic acid ang magsisilbing bala namin.  Pumunta ako sa babaeng hindi ko kilala at ibinigay sa kanya ang injection na may lamang muriatic acid.

 

“Pangalan?” Tanong ko sa kanya nung nakuha na niya ang injection niya.

 

“Quetzal, Quetzal Quezon.” Sagot niya sa akin katanungan. Quetzal? Hindi ba ito ang mga makukulay na ibon na matatagpuan mo sa mexico? Kaya ko alam ang mga ito dahil sa totoo lang gusto ko maging veterinarian at hindi nurse kaso nagkamali ako ng course na napili dahil sa isang babae na hanggang ngayon ay hinahanap at iniibig ko parin.

Pumunta ako sa clinic’s inventory para kunin ang isang gamit. Isa itong Anting-anting. Hindi ako naniniwala sa mga bagay-bagay na ito pero hindi naman masamang umasa di’ba? Ngunit nabigla ako nung may narinig ako na putok ng baril na malakas.

*Boom*

Nagmadali akong lumabas at hinanda ang injection ko. Wala na si Quetzal sa kanina niyang posisyon. Ang bilis niya naman yata tumakbo at hindi ko man lang narinig ang mga footsteps niya. Inikot ko ang clinic at laking gulat ko nung may nakita akong paa sa ilalim ang doctor’s table. Pinuntahan koi to at nakita si Quetzal na nakaupo at pawisan.

 

“I-Iwan M-mo Ako D-D-Dito! Ayoko pa mamatay!” Sabi niya. Napaparanoid na siya, Halata naman sa tono at boses ng pananalita niya.

 

“Hindi ka pwede maiwan dito. Baka dito ka patayin.” Sabi ko sa kanya

 

“Ayoko umalis.” Sabi niya. Agad kong hinila ang balikat niya para umalis ngunit kinagat niya ito. Tumingin siya sa akin na para bang ako ay papatayin at sinabing “Iwan mo ako dito sabi!”

Pagkatapos niya sabihin ang mga salitang iyon, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Isang CLOFAS member ang paparating. Agad akong lumayo kay Quetzal. Patakbo akong lumabas sa Doctor’s office at binato ang injection sa paparating na kaaway. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ito tumama sa kanya kundi tumama ito sa pader.

On the other hand, hindi siya CLOFAS member kundi siya ay estyudyante ng Hale University at may dala itong baril.

 

 

*THIRD PERSON’S POV*

Pinutok ni Yohan ang hawak niya na baril. Agad nagroll Ellipse papunta kay Yohan  at sinipa ang kanyang binti dahilan para siya ay madapa. Agad namang itong dinambahan ni Yvonne gamit ang kanyang katawan. Tila bang parang ikaw ay nanonood ng WWE pero live version , Ex versus Ex. Agad na hinablot ni Yohan ang kanyang nabitawan na baril at ipuputok sana kay Yvonne ngunit siya ay nakailag. Ngayon na wala na si Yvonne sa katawan ni Yohan, Malaya nang makakagalaw si Yohan. Nang makatayo si Yohan agad niyang binitawan ang baril na hawak ni Ellipse at sinapak sa mukha si Ellipse. Hindi hadlang sa kanya ang kasarian nito basta ang alam niya ay dapat niyang mapatay itong babaeng ito. Susugurin na sana ni Yvonne si Yohan ngunit nasipa niya ito sa sikmura niya dahilan para siya ay mapahiga sa sakit. Patuloy parin na binubugbog ni Yohan si Ellipse. Tila sa mga suntok ni Yohan, nagdugo ang labi ni Ellipse.

 

“Kailangan kong makabawi.” Isip ni Ellipse ngunit paano siya makakabawi kung ang mga kamao na sumusuntok sa kanya ay sadyang mabilis? Hindi na siya nakapagpigil sa tinuhod  niya ang batutay nito. Wala na siyang maisip na ibang paraan kundi ito. Tumakbo si Ellipse palayo habang iniiwan si Yohan na nakahiga sa sahig. Patakbo na sana si Ellipse ngunit napigilan siya nung yakapin ni Yohan ang mga binti nito. Sinipa ni Ellipse sa mukha si Yohan. Nakalayo na si Ellipse kay Yohan ng 20 inches. Ngunit laking gulat niya nung may yumakap sa kanya ng mahigpit.  Sinubukan ni Ellipse na makawala sa yakap ng kaaway ngunit sadyang masyadong mahigpit ang yakap ng kumag.

 

“Tatakas ka pa? Wala ka nang tatakasan. You’ll regret this night.” Sabi niya. Laking gulat ni Ellipse nung kinagat at hinalikan ng malalim ang leeg niya ni Yohan. “You look tasty. Mind if I taste you?” Sabi ni Ellipse at hindi siya nakaimik o salita. “Silence means yes so your body and virginity is mine.” Sabi niya. Kinorner niya si Ellipse at pinaghahalik ang kanyang labi. Ngunit siya ay napatigil ung may narinig siyang isang pamilyar na boses na sumigaw.

 

“Yohan, Ititigil mo yan o ipuputok ko tong baril na ito sayo!” Lumingon si Yohan at nakita si Yvonne na nakatutok ang baril sa kanya.

 

“Ibabaril mo sakin? Wahahaha.. You can’t do that. Alam naman ng lahat at alam mo din sa sarili mo na mahal mo pa ako. Hindi ka pa nga nakaka-move on right? Your still over my body and looks. Your heart is missing me right?” Sabi ni Yohan. Nabagsak ni Yvonne ang baril na hawak niya. Totoo kasi ang lahat ng sinabi niya. Oo, mahal niya pa rin si Yohan kahit anong mangyari. Sa lahat ng ex niya, siya ang bukod tanging hindi niya makalimutan. Mahal niya lahat ng meron siya miski mukha o katawan pa yan.  Naluha siya bigla. Hindi niya labis makalimutan si Yohan kahit ipinagpalit siya nito sa isang nerd na ginamit niya lang para sa grades niya. Tinignan niya sa Yohan kahit nakatalikod siya at ginagahasa si Ellipse. Ngunit nakakuha ng atensyon niya ang mga mata ni Ellipse na sumisigaw ng “Tulungan mo ako”

 

Tama, dapat kong kalimutan siya! Hindi ko siya kailangan! I don’t need a big ass jerk in my life! Sinaktan niya ako. Siya ang nawalan at hindi ako di’ba?

Agad na kinuha ni Yvonne ang baril na nabagsak niya at tinutok ulit kay Yohan. Pinutok niya ito ngunit walang lumabas. Tila wala na yata itong bala. Natataranta na si Yvonne kung ano ang gagawin niya. Hangga’t sa nakaisip siya ng magandang ideya. Nilapitan niya si Yohan. Kinalabit niya ito at lumingon naman ang mokong.  Hinalikan ni Yvonne si Yohan sa kanyang labi at hinalikan rin siya pabalik ni Yohan. Tumigil si Yvonne sa pakikipaghalikan kay Yohan at sinabing “I love you, Yohan..” Sabi niya ngunit bago pa makasalita si Yohan, pinukpok ni Yvonne ang hawak na baril niya sa mukha ni Yohan. Pinukpok niya ito ng tatlong beses hangga’t sa nakaratay na sa sahig si Yohan at duguan. Dinuraan ni Yvonne si Yohan at sinabing “I love you, Yohan before you were a big-ass jerk.” Lumingon naman siya kay Ellipse at sinabing “Halika na at baka may makakita pa sa atin na CLOFAS member.” Tumango naman si Ellipse at naglakad na sila palayo.

 

Ngunit sa likod ng kanyang isipan nakatatak parin si Yohan sa puso ni Yvonne.

~#~#~#~#~#~~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#


Vote, Comment, Share and Support.

Math CampTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang