Math Camp #10 - Lady Rebellious

12.8K 257 28
  • Dedicated to READERS OF MATH CAMP
                                    

*Nurse Michael’s POV*

 

“Don’t move.”

Inihanda ko ang injection ko. Putek, kala ko ligtas na ako sa mga hampaslupa na mga yun. Lumingon ako at tinutok ko ang injection sa walang hiyang CLOFAS member.

Pero nagkakamali pala ako...

Hindi isang CLOFAS member ang tumambad sa paningin ko. Kundi isang Hale University student ang tumambad sakin. Siya si Michelline Mikosa, ang kapatid ko. Tama, isa akong Mikosa. Mikosa ay isa sa mga first class families ng Pilipinas. Dapat businessman ako ngayon kaso tumutol ako, wala akong interes sa business namin na pagawaan ng gown.

“Kuya, put your injection down. I’m just joking you oppa!” Sabi niya at binaba ko na ang injection na pinantutok ko sa kanya. “Oppa, ang cute mo pag aware. Sana aware ka lagi kuya.” Pinuntahan ko siya at ginulo ang buhok niya. “Oppa, stop! You know naman na nagpa-salon ako para sa crowning glory ko.” Tinigilan ko naman ang paggulo sa oh-so-called crowning glory niya.

“Paano ka pala nakalabas sa mala-impyernong gym ng buo at buhay?” Tanong ko sa kapatid ko. Nakapagtataka.

“Kasi CUTE ako!” Sabi niya at nag-peace sign na parang koreana. Binatukan ko siya. Seryosong-seryoso ako eh. “Oppa naman eh! Syempre inaway ko sila na parang boom boom pow!” Sabi niya. Sabagay, black-belter naman siya sa taekwondo eh. “I have to tell you something oppa. Si Ellipse Gorovan, nung tumatakas ako, tinututukan siya ng bazooka.” Sabi niya dahilan para magising ang diwa ko.

“Paano mo pala nakilala si Ellipse Gorovan?” Tanong ko sa kanya, Suspiciously.

“Duhhh.. Isa kaya siya sa mga sikat na students sa campus na ito oppa.” Sabi niya. She has a point, sikat talaga si Ellipse sa mga students at staff. Pumunta ako sa driver’s seat para ipa-start ang bus ngunit pinigilan ako ni Michelline. “Aren’t you gonna save him oppa?” Tanong niya.

“Kilala ko si Ellipse, kaya niya ang sarili niya. She can handle that bazooka freak.” Sabi ko. May tiwala ako kay Ellipse. Based on her moves at paano siya makipag-away, obvious naman na kaya niya mag-isa. She can go solo. Ipapaandar ko na sana yung susi kaso may narinig ako dahilan para mapatigil ako.

“TULUNGAN NIYO AKO!”

Boses ni Ellipse yun ah! Napabitaw ako sa hawak ko na susi. Rinig naman kasi sa boses ni Ellipse na nangangailan siya ng tulong. Mahalaga ang responsibilidad ni Ellipse sa amin. Kung wala siya, tingin ko mababang porsiyento na maging matagumpay kami sa misyon na ito. “Don’t move.” Sabi ko kay Michelline at tumakbo na palabas ng bus.

Malaking kawalan si Ellipse. Malaking kawalan ang kanyang katapangan.

*QUETZAL’S POV*

“Saan niyo dadalhin yan?”

Math CampWhere stories live. Discover now