Math Camp #6 - The five leaders

15.4K 307 36
                                    

*QUETZAL’S POV*

Unting-unti ko minulat ang mga mata ko. Isang bangungot lang pala ang lahat. Pero teka, nasaan ba ako? Mukhang na-ospital yata ako. Pamilyar tong lugar na ito eh pero ayaw magprocess ng utak ko. Tumayo ako sa kama ko. Pagka-tayo ko saka ko narealize na nasa clinic ako ng school namin. Sinampal ko ang sarili ko pero hindi ako nagising ulit. Hindi lahat ng ito ay banungot lamang. Totoo ang bawat pahina na nangyayari.

Sumilip ako sa labas at nakita si Nurse Michael na may kausap na tomboy. Tomboy?! San siya lupalop nanggaling? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Boyish na boyish ang style niya at may hawak siya nab aril. Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan sila.

 

“Oh! Gising ka na pala, Quetzal. Okay ka na? Nahimatay ka kasi kanina sa kaba eh.” Sabi ni Nurse Michael sakin. Whatta-greet!

 

“Who’s that tomboy?” Straighforward ko na tanong habang naka-turo sa estrangherong tomboy.

 

“Siya si Amber, Amber Liu. Takas siya sa hostage na nangyari kanina.” Paliwanag ni Nurse Michael. Hinila ko si Nurse Michael palayo at kinausap. “Nurse Michael, Are you sure na hindi siya kaaway?” Tanong ko sa kanya. Mas mabuti nang sigurado.

 

“Oo. In fact, marami siyang information na nakuhang information tungkol sa CLOFAS.” Sabi niya.

 

“Informations? Paano kung isa siya sa mga CLOFAS? Mahirap na mag---“ Sabi ko ngunit hindi ko natapos dahil may pumutol sa akin.

 

“Tiwala? I personally think na malaki akong kawala. Not to brag pero ako ang naglabas sa inyo sa impyerno na yun.” Sabi niya habang nakaturo sa direksyon kung nasaan ang Gym. “Kung wala ako, walang magbabaril ng mga ilaw na dahilan para mataranta ang mga letse na CLOFAS na iyon. Kung wala ako pwes walang magbabato ng smoke screen na yun dahilan para lumabo paligid.” Sabi niya “Pero ok lang, I can go solo. Afterall, wala namang mawawala sakin. And by the way, I am not a tomboy, style ko ito. Hindi ako tulad mo na weakling ang style.” Sabi niya at umalis. Pero tinigilan ito ni Nurse Michael.

 

“Don’t listen to her. We need you, Amber.” Sabi niya. Tumingin siya sakin at tumango naman ako. “Tell us what we need to know.”

 

“3 Days of Math Camp, 3 days of hell. So kailangan natin sila mapatalsik bago matapos ang Math Camp, We’ll never know kung may mabubuhay pa kaya as much as possible dapat mawala sila sa teritoryo natin. Isa lang ang pinaka-pinuno nila. I suspect na malaki ang galit nun sa ating eskwelahan. There are five lea---“ sabi niya ngunit napatigil siya nung narinig niyang bumukas ang pinto.

 

“Shhh.. May paparating.” Saway ni Nurse Michael sa amin ni Amber.

 

*ELLIPSE’S POV*

 

Math CampWhere stories live. Discover now