B1 and B2

245K 3.8K 231
                                    

2

I just stood there na parang sira-ulo. I’m actually someone’s property now. Ano na’ng mangyayari sa’kin? Baka imamaltrato lang ako nito, gawing yaya or worst...sex slave.

“Miss, sumunod na po kayo sa’kin” nilapitan ako nung mamang naka-tux na kasama ni “rich guy” kanina. Tapos na siguro ang pirmahan ng kontrata. Lahat ng nabebenta dito ay may ‘warranty’. Ibig sabihin kung susubukan mong takasan, suwayin, o saktan ang nakabili sayo, pwede ka nilang hanapin at *gulp* patayin. Kaya nga warranty card.

Sumunod na ako kay mamang tux (short for tuxedo), naglalakad na kami sa hallway, feeling ko lalabas na kami. Ang igsi talaga ng suot ko, hinahawakan ko na nga pababa, para hindi tumaas sa tuwing lalakad ako pero ganun pa rin.

Sa di kalayuan nakita ko na si Mr. Rich Guy, naka-smirk pa. Yabang, akala mo kung sinong mayaman.

“Hi Miss Sophia” bati niya sa’kin pero dahil I’m a fearless bastard hindi ko siya pinansin, at nasa warranty din yun. Ikakamatay ko talaga ang pride na 'to.

Naramdaman ko na lang ang coat niya sa balikat ko. Binigay niya sa’kin yung coat, then he walked away. Galing ba yun sa puso o palabas lang? Kailangan ba lagi na lang galing sa puso, Sophia?

“Hoy! Ito na!” sabay tapon ko pabalik sa kaniya ng coat, hindi ako tumatanggap ng tulong sa mga demonyo, “hindi ko kailangan yan!"

Tumingin lang siya sa’kin tapos nag-smile, nakaka-irita!

Pinulot na lang nung butler niya yung coat tapos naglakad na naman kami.

Sa labas, si Mr. Rich Guy sumakay na sa sasakyan niya pero may dalawang sasakyan na naghihintay dun.

“Miss Sophia dito po tayo” turo nung butler niya sa isang sasakyan na naka-sunod sa sinakyan nung kumag.

Sumakay naman ako. Kairita talagang sira ulo yun.

“Miss Sophia, wag po kayo masyadong mag-alala. Mabait po si Seňorito, wag niyo lang po painitin ang ulo niya.” Sabi nung butler niya na medyo may katandaan na rin, nag smile lang ako para galang na lang. Hindi po ako nag-aalala, galit po ako.

“Ako nga pala si Butler Chad Miss Sophia, ikinagagalak ko po kayong makilala.” Nakipag-shake hands ako sa kaniya, siya pa lang ang nakilala ko na mabait sa whole experience ko of getting auctioned.

“Saan po tayo pupunta Butler Chad?” tawagin ko na ring butler, kesa naman sa Chad or uncle Chad or Kuya Chad or Chad the Giant Slayer.

“Uuwi na po tayo sa mansion, Miss Sophia.”

Mansion? So talagang mayaman nga ang aroganteng yun? Malamang Sophia, binili ka ng sampung milyon eh.

Tahimik na lang ako sa byahe, aaminin kong natatakot ako sa pwedeng maging kapalaran ko. Bakit pa kasi hindi na lang ako pinatay ni Mama at ibenenta na lang yung lamang loob ko kesa sa binuhay pa ako at ibebenta rin naman. Nasaan ang hustisya?

Mayamaya, pumasok kami sa isang village.

Wow. Ang laki ng mga bahay.

“Butler Chad, ang gaganda naman ng mga bahay ditto.” as in manghang-mangha ako sa lahat.

“Exclusive village po ito, may mansion po dito ang ilan sa mga pulitiko. Pati na rin po ang mga ilan sa mga celebrity tulad ni Sharon Cuneta, katabi po ng mansion ni Seňorito ang mansion ni Erap.”

Ah ganun? Kaya pala akala mo kung sino talaga siya, baka kasali pa nga yun sa mafia o kahit anung masasamang tao sa mundo.

Tumigil ang sasakyan and bam! Parang Malacaňan Palace lang.Vintage ang style ng bahay. No words to describe kung gaano kaganda ang mansion.

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now