Serendipity

103K 1.5K 58
                                    

29. Serendipity

Sophia's POV

Ang love, parang lindol. Unpredictable. Nakakatakot. Pero pag natapos na ang mahirap na bahagi, marerealize mong maswerte ka pa rin.

Pero maswerte ba ako?

Siguro sa mata ng ibang tao, Oo. Everytime na ngingiti ako, akala nila okay na ako. Pero deep inside, my walls are crumbling down.

Kaya sabihin mo? Maswerte ba ako?

Tinakasan ko lahat. Lahat lahat. Pati yung taong dapat kahit papaano pinaglaban ko.

"Oi pano Sophia, aalis na ako. Mag ingat ka dito." hinatid ko lang si Patty sa airport. Parang nagkaka-phobia na nga ako sa mga airports eh. Ewan ba.

"Yeah. Sure. Pasalubungan mo na lang ako pag balik mo" ngiti ko.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama?" sigurado ba ako? Ano ba Sophia! It's been 5 months!

"Oo naman." hindi ko alam.

Ngumiti lang siya sa'kin tapos naglakad na papasok sa airport.

Hanggang kelan ba tong feeling na parang ang lungkot?

Diba dapat sanay na ako?

Wala pa man si Ethan ganito na ang lahat ah. Pero bakit mas masakit ngayon? Ba't ang lungkot?

Author's POV

"Where is Sophia? Tell me Sheena." kanina pa nagtatanong si Ethan kay Sheena pero hindi pa rin sumasagot. Halos araw-arawin niya na sa rehab si Sheena, pero ganun pa rin.

"Sheena...please..you know that I love her..please...just...tell me." hindi na alam ni Ethan kung paano niya hahanapin si Sophia, so wala siyang magawa kundi ang magmakaawa na lang.

Tumayo siya at naglakad-lakad.

Paano ba? Ethan mag isip ka.

"Sheena..tell me where Sophia is." parang sisigawan na parang nagpipigil na sabi niya kay Sheena. Pero tinitingnan lang talaga siya nito.

"Fine! Tell me where she is...I'll call Elle para papuntahin siya dito." iritang sabi ni Ethan. Alam niyang si Elle lang ang makakatulong sa kaniya ngayon.

Si Elle Peter Lee ang first love ni Sheena. Barkada siya ng pinsan nilang si Rayven. Nagkakilala sila sa isang party years ago...matagal na panahon na, sobrang na in love si Sheena sa kaniya kahit alam niya namang si Elle ay isang cassanova.

Maraming nangyari. Akala ni Sheena mahal siya ni Elle, pero iba naman si Elle, isa siyang playboy. Kaya hindi niya nagawang suklian ang pagmamahal ni Sheena, tulad rin ng mga ginagawa niya sa ibang babae. And that triggered Sheena's mental disorder.

"Si...Elle?" nag light up ang mukha ni Sheena.

"Yes, I'll call him at ipapapunta ko siya dito. Just tell me where the hell is Sophia!" Ethan sighed sa sobrang frustration. Lahat na susubukan niya.

Napatahimik si Sheena na parang nagiisip.

Tapos napatingin na naman siya kay Ethan, "Bring me Elle first."

Pagkasabi pa lang ni Sheena nun, kinuha na agad ni Ethan ang cellphone niya at dinial ang number ni Elle.

Sophia's POV

"How much is this?" tanung ko sa saleslady sa isang grocery store dito. Sana naman nakakaintindi to ng English.

"2 euros." she said. Kinuha ko na ang bibilhin ko at nilagay sa cart.

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now