Way back

145K 2.9K 136
                                    

8

"Hey! Okay ka lang?" may nagtanong sa'kin, tiningnan ko siya. Mukhang anak mayaman.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko, tumayo at hinarap siya.

"Okay lang po." Nag smile ako at umalis na. Nakipagsiksikan sa maraming tao dahil may parade nga dito. Hahanapin ko na lang si Mama.

"Teka..." lumingon ulit ako, at nakita ko na naman siya, hawak niya ang kamay ko at pinipigilan niya akong umalis.

"B-bakit?" tanong ko.

"Why are you crying?" Ano naman sa kaniya kung umiiyak ako? Hindi niya rin naman ako matutulungan eh.

Umiling lang ako at pilit na inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Pero ayaw niyang bumitaw eh, "I'll help you" he said with a sincere smile.

"Hinahanap ko ang Mama ko, naiwan niya ata ako eh." Sabi ko na parang iiyak na naman.

Pag kasabi ko nun, may kinuha siyang bagay sa bulsa niya, cellphone. May tinawagan siya.

"Anong itsura ng Mama mo?" he asked in the middle of the conversation with someone sa phone.

Dinescribe ko naman ang itsura ni Mama.

Tapos pinatay niya na ang cellphone niya. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, pero okay lang, baka mawala naman kasi ako eh.

Hinila niya ako sa isang coffee shop malapit lang din sa park na venue ng parade.

"Oh eto, decaffeinated yan kaya makakatulog ka pa." Inabutan niya ako ng kape na parang may cream pa sa taas. Kinuha ko naman, ngayon lang ako makakatikim nito eh.

"Salamat." Tapos ngumiti ako.

"My name is E.T pala" inabot niya ang kamay niya tapos nakipag-shake hands ako.

E.T? Diba alien yun?

"Alam ko na yang iniisip mo,"  tapos tumawa siya. Feeling ko namula na naman ako.

"Ako naman si Sophia."

Sa lahat ng mga anak mayaman na nakilala ko, siya ang pinaka-mabait. Ang iba kasi snob o kaya bully, pero hindi siya ganun.

"Masarap ba?" turo niya dun sa iniinum ko. Nag smile lang ako, halata atang ngayon lang ako nakatikim.

Tumango lang ako, "Salamat ha pero wala akung pambayad nito eh." ngayon ko pa naisip.

"Ano ka ba! That's free. Magkaibigan tayo diba?" tapos ngumiti siya na parang umaasa.

Magkaibigan daw? Isang anak-mayaman?

"Ha? Ehh... Oo naman...aahh..Ganito na lang, sa susunod pag marunong na akong mag timpla ng kape, ipagtitimpla kita." Tapos nag pinky promise ako sa kaniya.

Simula nun, lagi na kaming nagkikita. Lagi kaming naglalaro sa park pag nakakatakas ako kay Mama. Nagdadala siya ng mga laruan, minsan nga mga barbie dolls pang hinihingi niya sa Ate niya.

Pero hanggang sa dumating ang araw na hindi na siya nagpakita sa park. Walang balita, hindi naman niya pinaalam kung anong nangyari. Basta bigla lang siyang nawala, hanggang sa nawala na rin siya sa alaala ko. Hindi ko inakala na naalala niya pa pala ako.


----

"B1! Ano sa tingin mo?" Binaba niya yung newspaper na hawak niya at tumingin sa'kin.

"I like it." Ngumiti siya. Napadala na kasi ang indoor plant sa office niya. Ang ganda ng tanim, nag-aadd ng buhay sa dating empty-boring office niya.

"Sabi sayo eh..." I said.

Mayamaya naramdaman ko na lang na nakayakap siya sa'kin sa likod tapos pinatong niya ang ulo niya sa shoulder ko.

"Oi...anong meron?" Awkward moment.

"Hhhmmm...Wala, namiss lang kita..." Tapos parang sini-sway niya pa kami.

Ganun lang kami. Hindi kami nagsasalita, nakatingin lang kami sa view ng city na makikita mula sa building ng office niya.

"Sir ready na daw..." biglang pumasok ang secretary niya. Napagalaw ako, baka kasi anong isipin ng secretary niya, pero 'di man lang nilingon ni Ethan, pinigilan niya akong umalis.

"Ethan, baka importante." I shrugged.

"Ssshhh...Let's make it official." he whispred in my ear. Ha? Ano daw?

Binitawan niya ako, but he still held my hand.

Tiningnan ko siya sa mata, tapos sumenyas siya na tumingin daw ako sa labas.

What the?

May mga helicopters na lumilipad, as in HELICOPTER with S.

Umuulan ng roses sa labas, tapos may banner...

"SOPHIA DE GUZMAN WILL YOU BE MINE?"

Yung mga crew sa helicopter naka red tuxedo pa.

Wow. As in holy shit!

Nilingon ko si Ethan, tapos nakangiti lang siya sa'kin.

"Sophia De Guzman will you be mine?" he said the words.

"Say the words..." I was hoping na sana-

"Mahal kita, sobra." 

Yun lang naman. I hugged him and said, "Thank you."

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now