Back

100K 1.5K 52
                                    

30. Back

Kinuha ko na ang mga bagahe ko at umupo muna sa sulok para mag-isip. Tama naman siguro tong ginawa ko. Natatakot man ako pero feeling ko talaga tama lang.

Hinila ko na ang bag at lumabas, halos ma heat stroke ako sa init. Amoy na amoy ko agad ang kakaibang hangin, ang kakaibang ingay, yung feeling na kakaiba. Ewan, dala lang siguro ng adrenaline.

Pilipinas nga ito.

Ang init eh.

Sumakay ako ng taxi, balak ko munang manirahan sa hotel ngayon habang hindi ko pa alam ang gagawin. Ang engot ko no? Uuwi-uwi tapos tutunganga lang dito.

Limang buwan. 5 months pagkatapos nung paguusap namin ni Bea, yung nagkita kami, napagisipan ko ng bumalik. Ganun katagal, kung iisipin ten months akung nawala o sobra pa.

Alam ko ito yung dapat, marami pa akung naiwan dito. Marami pang hindi natapos na paguusap. Si Tristan, si Sheena...at sya, si Ethan.

Matanda na ako. Mature na nga ako para sa edad ko eh, kaya pati na rin siguro ang nakaraan ko kailangan ko na rin ayusin. Sabi nga nila, in order to move on, settle the past first, means hahanapin ko si Mama.

Ewan ko nga kung bakit kailangan ko pa siyang hanapin, gusto ko lang siyang makita, gusto kung makita niya ako, gusto kung masabi niya na tama lang na binenta niya ako dahil eto na ako ngayon, kahit medyo half dead-emotionally- pero okay ako. Gusto kung mag-sisi siya na iniwan niya ako.

At para kay Ethan. Tinanung ko na rin ang sarili ko dati, kung mahal ko pa ba siya o hindi. Sa tagal kung umalis ng bansa, may mga times na naiisip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Ewan. Nakakabobo.

Pero narealize ko na, Oo, mahal ko siya. Tangina naman! Malamang!

Sa tingin mo babalik ako dito para mag sight seeing? Ano ako tourist?

"Thank you" sabi ko sa bell boy na naghatid sakin sa kwarto ko.

Haayyy... So eto na ang first step ko. Nasa Pilipinas na ako. What's next?

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Patty, balito ko kasi nandito pa rin yun sa Pilipinas eh. Hindi ko lang alam kung saan sila.

"Hello Pat!" Bati ko. Magugulat talaga yun pag nalaman na nandito ako sa Pilipinas.

"Ahh..Hello, who's this?"

"Si Sophia to mademoiselle!" Bati ko with heavy french accent. O diba! Kuhang kuha ko na.

"SSOOPPHHIIAA!!" medyo nilayo ko yung mic sa tenga ko. Ai naku!

"Nasa Pilipinas ako."

"Shonga! Alam ko, halata naman sa cell number." Patty

"Teka, may kailangan ako eh. May kakilala ka bang detective diyan? O kahit ano basta may ipapahanap sana ako eh. Kahit yung spy, basta yung ala- James Bond." para lang akung bata na nagkukuwento ng James Bond o Jet Li adventures nito.

"Girl para sa ano naman yan?" uuhhmmm... wala, may plano akung sumali sa military. =_=

"Basta! Oh ano may kakilala ka ba?" Ako

"Ah sige..teka, itetext na lang kita. Magtatanong pa ako dito, don't worry Je vais vous obtenir le meilleur détective" buti na lang pala talaga umuwi si Patty dito, at na timing naman na sumunod rin ako.

"Merci." at binaba ko na ang phone.

Oh tapos ano na?

Ano ng gagawin ko? Hanggang dun lang yung napag-isipan kung gagawin nung nasa Paris pa ako. Ay nako! Kabobohan na naman.

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon