Finally

98.8K 1.4K 38
                                    

34. Finally

"Wala pa rin ba?" tanung ni Ethan sa isa sa mga body guards niya.

"Hindi pa rin po naming siya nahahanap, pero positive po sa CCTV na nakapasok nga po dito sa bahay si maam Sophia." Sabi ng body guard. Pauli-ulit nilang tiningnan ang mga kuha sa CCTV kung totoo nga na si Sophia ang nakausap ni Mr. Han.

"This is a coincidence." He muttered.

"May sinasabi po kayo?" tanung ng isa pang body guard.

"Wala, umalis na kayo. Keep looking." Utos niya at agad naman silang umalis.

Kagabi lang ito nangyari, pero parang panaginip ang lahat, kamuntikan na. Muntik niya ng mapahamak si Sophia, pro what a coincidence at siya mismo ang nakakita kay Mr. Han, pero hindi nga lang sila nagkita.

Napagpasyahan ni Ethan na wag na muna pumasok sa trabaho at wala naman talagang gagawin sa opisina.

"Señorito," biglang pumasok sa study room si Butler Chad.

"Ano yun Butler Chad?"

"Kailangan niyo po itong makita." Lumapit si Butler Chad sa flat screen at inilagay ang USB.

Nagtaka rin si Ethan sa ginagawa ni Butler Chad.

Nag play ang isang video, video na nakunan ng CCTV camera, sa labas ng bahay kagabi- sa engagement ng papa niya.

Biglang lumabas sa isang sasakyan si Sophia.

He is still mesmerized.

Ang ganda pa rin niya.

Seconds past ng sumunod na lumabas si Tristan, kuhang-kuha ng camera na magkasama nga sila. Silang dalawa.

"Find that man!" utos ni Ethan. Agad namang lumabas si Butler Chad at iniwang naka play ang video.

Ano na bang nangyayari sa atin Sophia? I swear I'm going to find you.

Sophia's POV

"Okay ka lang?" tanung sakin ni Tristan. Yep. Nandito ako sa bahay nila ng girlfriend niya, wala rin kasi yun dito ngayon.

Sa kaniya ko na lang nilalabas yung mga himutok ko. Peste ka talaga Ethan, paano na lang pala kung hindi kami nagkita ni Mr. Han sa hinayupak mong party, edi sana ngayon hinahunting na ako.

"Anung okay? Kamuntikan na Tristan! As in muntik!"

"Oo na nga, paulit-ulit na lang...tapos ano? Magagalit ka na naman sa kaniya? Tapos aalis ka na naman? Sophia naman! Be good enough to face your problem nga." nakukulitan na ata sakin.

Pero ganun rin ata ang naiisip ko kanina.

"So ano bang plano mo?" tanung ko.

"Bakit kasi ayaw mo pang magpakita sa kaniya?" bakit nga ba?

"Kailangan pa ba yun?" tanung ko.

"C'mon Sophia. Let's not pretend na hindi kasama sa agenda mo ang makita at makausap ang pinakamamahal mong Ethan." Ugh! Ano ba naman tong lalaking to. Ba't atat na atat na makipag kita pa ako sa lalaking yun.

"Oh! Ba't bigla ka ng natahimik diyan?" ewan.

"Nagiisip lang." sabi ko. Ano ba ang rason kung bakit ako napadpad sa bahay nila Ethan kagabi lang? Diba para makita siya? Tapos eto ako ngayon na parang sinong maria clara na ayaw naman siyang makita.

Ano ba ang dapat kung gawin?

Naman eh!

Kung bumalik na lang kaya ako dun sa lungga ko?

Makakaya ko naman kaya?

Importante si Ethan, kahit ilang beses niya pang saktan ako. Importante siya eh. Alam mo yung feeling na everytime na nakikita mo siya parang lumulukso pa rin ang puso mo? Yung parang naiihi ka na parang natatae. Basta.

Ganun eh. Hindi man kami nagkita sa party nay un, pero at least alam ko na kahit papaano okay siya, paano ba naman hind imaging okay, eh may nag-aalaga na. Si Maegan.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.

Yung dating inakala kung girlfriend ni Ethan na dati hindi pa, eh ngayon, totoo na.

Napabayaan naming ni Ethan ang isa't-isa.

Napabayaan naming yung dati.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko na, paano pala kung walang Sheena? Paano pala kung walang naniwala sa mga napagsabi niya dati? Paano pala kung hanggang ngayon magkasama pa rin kami? Masaya siguro kami. Siguro oo, siguro hindi.

Buhay.

"Aalis muna ako Tris" sabay tayo ko at naglakad na papunta sa pintuan.

"Oi teka! Have I offended you? Sorry na."

"Hindi no. May aasikasuhin pa kasi akung iba..." tama, ibang aasikasuhin. TIningnan ko siya ng mabuti at ngumiti, "...thank you Tristan, kahit papaano may napupulot din pala ako sayo."

Ngumiti lang siya sakin tapos naglakad na ako paalis.

Tristan's POV

Tinitigan ko na lang ang taxing papalayo sa bahay, sakay nun ang pinaka-bobang babae sa balat ng lupa. Sophia kasi, ba't mo pa pinapahirapan ang sarili. Alam mo naman ang laman ng tang inang pusong yan.

Maya-maya darating na ang honey ko, great life! Great life indeed.

"Sir may bisita po kayo..." bisita? Sino namang bisita yun?

I went straight to the living room, sino naman kayang ponsyo pilato yan.

"Hello Mr. Cartaleja" bati niya sakin. I remember this guy.

Ano nga bang pangalan nito?

Lumapit ako sa kaniya at kinamayan.

"You are?" tanung ko.

"Ah... I am the Butler of Sy family. Please call me Butler Chad." Tama! Naalala ko na, siya pala yung alila ni Tyler.

"So what brings you here?" I think I know.

"About her Mr.— "

"Yes, I know very well kung ano ang pinunta mo dito. Unfortunately, tell your boss that whatever feuds they have is none of my business." Then I stood up, "... makakaalis ka na Mr. Chad"

"Wait Mr. Cartaleja." Humarap ako sa Butler.

"I am not speaking for my boss. I am here dahil kahit ako gusto ko na rin maayos ito, sana ganoon din kayo...I...I just want to know kung nasaan po nakatira si Maam Sophia and we'll take it from here" takteng Butler to, ang galling makipag-usap. Kahit ako parang bibigay na ah.

Ano bang gagawin mo Tristan?

Sir aka kasi ba't ayaw mo pang tulungan.

"Fine." I said.


Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now