Mr. Han

98.6K 1.4K 25
                                    

32. Mr. Han

Sabi nila, the longer time na hindi niyo nakikita ang isa't-isa, mas madali ang magkalimutan, pero chika lang ata yun eh.

Okay naman ako ngayon eh, parang ang tagal ko na nga sa Pilipinas, dapat makabalik na rin siguro ako.

May girlfriend na rin si Tristan, isang highschool friend daw. Mabait naman yung babae, sana maging masaya sila. Hindi tulad ng nangyari sa lovestory ko. Ang gulo.

"Maam, eto na po lahat ng mga nakalap kung impormasyon. Yan na po lahat..." sabay abot sakin ng envelop ng PI. Pinahanap ko sa kaniya si Mama. Yep, tama ka. Yung alinganga kung ina na nagbenta sakin. Kamusta na kaya yun? Matapos niya akung ibenta? Nagpakasaya naman sa perang nakuha niya.

"Salamat..." inabot ko na rin ang bayad. Sa totoo lang, mas mura ang bayad sa private investigator dito sa Pilipinas kumapara sa France. Mahal lahat ng bagay dun eh, pero high-tech naman.

Umalis na ako sa opisina ng PI ko hawak-hawak ang envelop. Kinakabahan ako sa pwede kung malaman. Ano na kaya si Mama ngayon?

Author's POV

"Oh paano hijo, marami pa kaming aasikasuhin ng Tita Alice mo." Paalis na si Don Joaquin kasama si Alice ang girlfriend niya, sa opisina ni Ethan. Dumaan lang para ihatid ang invitation sa engagement nila. Hindi naman tumututol si Ethan dahil he never saw his father that happy since his mom died and the downfall of his own sister.

"Sir, tumawag po ulit si Mr. Han." Si Mr. Han na naman. Napayuko na lang si Ethan sa frustrations. Ilang beses ng tumatawag si Mr. Han sa kaniya, at ilang beses na rin niyang pinapasabi na busy ito at ayaw niyang makausap pa.

Hindi pa alam ni Ethan ang sasabihin. Hindi pwedeng malaman ng Black Market ang pagkawala ni Sophia. Lalo pa na nandito siya sa Pilipinas ngayon, kailangan niya pa ng oras para mahanap si Sophia.

"Sabihin mong nasa meeting ako. Ikaw na ang bahala!" nasigawan niya pa ang secretary na agad namang umalis.

Alam niya, na kahit sobrang dami pa ng problema sa opisina, kaya niya naman magawaan ng paraan, pero ang problema kay Sophia, hindi pa sigurado.

Sa oras na ito. Hinahanap na Butler Chad si Sophia, kasama ang sampu ng mga detectives ng pamilya Sy. Kailangan nilang mahanap si Sophia bago pa ang checking na magaganap.

"S-sir...Excuse me po..." pumasok na naman ang secretary niya.

"What?" iritang tanung ni Ethan.

"Sabi po ni Mr. Han, kung ayaw niya daw po siyang kausapin sa telepono, pupunta na lang daw po siya dito." Nagulat si Ethan. Kung pupunta si Mr. Han dito, malalaman niyang wala si Sophia sa tabi niya. Greater chance na malalaman nilang nakatakas si Sophia sa poder nila.

"What line?" tinanung ni Ethan kung anung linya ng telepono si Mr. Han.

"Line 3 Sir."

"Get out." Agad namang lumabas ang secretary.

Kinuha ni Ethan ang wireless phone at kinausap ang taong hindi niya akalain na makakausap ulit.

"Mr. Han."

"Oi! Mr. Sy! Long time no hear and see...hahaha"mas lalo lang nairita si Ethan sa isang failed joke ni Mr. Han and the booming laughter sa kabilang linya. He remembered the time na siya mismo ang nag enunciate ng bidding kay Sophia.

"What is it?"iritang tanung niya.

"Temper Mr. Sy, temper..." parang nanghahamon lang si Mr. Han ng away.

Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now