Planned

98K 1.4K 40
                                    

35. Planned

"Hindi ko ineexpect na ganito tayo magkikita Ethan." Sabi ko sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos lalabas na. Ni hindi ko man lang siya matitigan.

"I didn't expect this too... I'm happy, happy to see you again." Ngiti nya sakin. Ang awkward naman. Parang hindi ko pa alam ang sasabihin ko.

"K-kamusta ka na?" tanong ko.

"Eto. Buntis siya eh. Kailangan panagutan." Sabay kamot niya sa ulo.

Buntis?

"Sino?" Sino ang buntis? Panagutan? Anung nangyayari?

"Si Maegan. Ang mapapangasawa ko." Sagot niya.

Ano?

Sa 'di kalayuan nakita ko si Maegan, naglalakad papalapit hawak ang malaki niyang tiyan. Buntis si Maegan.

Buntis siya.

Tumingin ako kay Ethan, wala man lang pagsisisi. Wala. Paano ako? Paano? Nabunti niya si Maegan. Nakalimutan niya na nga ako.

Parang tutulo na lang agad ang luha ko. Ang init. Ang init-init.

---

Bigla akung napabangon sa kama. Pawisan na halos mangiyak-ngiyak.

Panaginip lang lahat.

Panaginip lang lahat Sophia.

Hindi buntis si Maegan.

Walang buntis.

Pabilis ng pabilis ang paghinga ko. Halos hindi ko na alam kung anung uunahin, ang paghinga palabas o paloob. Sophia. Ano bang nangyayari sayo?

---

"Oh masyado atang stress?" tanung ni Tristan sakin. Nagkita kami sa isang coffee shop nitong lunch break niya. Syempre, siya lang naman talaga ang kakausapin ko.

"Ha? Ako? Nightmare lang." nightmares. Psh.

"Uminum ka ng tubig bago matulog, it helps daw sabi ng doc ko." Siguro sobra pa sa tubig ang kailangan ko eh.

Utak ata ang kailangan ko.

Nagulat na lang ako ng biglang nag beep ang cellphone niya na sa mismong harap ko pa, bastos na phone to.

"Mmm...aalis na ako, maiwan na kita, pupunta ang girlfriend ko sa office. Got to go." Bilis bilis niya ininum ang kape at nagpaalam na. Tumango lang ako at nag wave goodbye sa kaniya.

What to do now?

"Sophia?" napalingon ako at—

"Po?" Aist! Napalakas pa ata ang boses ko. Hindi ako makapaniwala. Kakalabas lang ni Tristan ah. Hindi man lang niya nakita na papasok ang TATAY NI ETHAN??!!!

"Hi Sophia! I didn't expect to see you here. Nakabalik ka na pala." Bati ng papa ni Ethan sakin, si Don Joaquin.

"Ahh...hehe..Opo, kamusta na po? Balita ko engage na po kayo..." aawwwwkkwaaaarrrddd....

"Ah yes. Sana makapunta ka sa kasal ko. Anung address mo? I'll send you an invitation, asap." Ngiti niya.

"Ah, wag na po. Congrats na lang. Baka aalis na rin po ako bago pa ang kasal eh." Siguro. Ewan. What a loser naman Sophia!

"Well, if that's the case. Why don't you join us for dinner tonight at my house. Alam mo pa naman siguro papaunta dun Sophia." Ha? Dinner. Eh diba andun din si Ethan. Teka, alam ba ni Don Joaquin kung anung nangyari samin ni Ethan?

"Aahhh... Eh ano po eh." Ano Sophia? Ano Sagot!

"Oh no! I don't take no for an answer. Come tonight at 7 ha? Formal wear. Okay? Aalis na ako, may meeting pa ako. You know life for me. I'll see you" sabay tayo niya.

Anung nangyari?

Hindi man lang ako nakasagot.

Ano?

Wala man lang EEeekk o AAAkkk na words?

Wala.

Shit! Sophia ano na naman to?! Bobo ka ba?

Bobo ka ata eh.

Kanina, I was pacifying kung aatend ba ako o hindi. Hanggang sa andito na ako mismo ako sa taxi papunta sa bahay ni Don Joaquin.

Ang talino ko kasi.

Ewan rin nga kung bakit pupunta pa ako dun, sabi ni Tristan pupunta lang daw ako, kasi naman sabi niya nasa meeting daw si Ethan sa Korea. So feeling ko naman totoo ang sinasabi niya, kasi dati pa naman laging out of the country si Ethan para sa meeting.

Mayamaya pa nakarating na ako sa bahay ni Don Joaquin.

"Hija! I'm glad you could make it." Bati sakin ni Don Joaquin.

Good vibes.

Pinakilala niya rin sakin ang mapapangasawa niya. Ano nga bang pangalan nun? Nakalimutan ko na.

Wala nga si Ethan.

Konti lang talaga kami. Parang gathering lang.

Wala rin si Sheena.

Ano na kayang nangyari dun?

Chika dito. Chika dun.

Hay...kelan pa ba kakain?

Wala naman akung alam sa mga pinagsasabi nang mga tao ditto.Tanungin ba naman kung anung business meron ako, sarap sagutin ng "Maam, I am the business, I've been bought and sold." Parang nagmukha na silang tanga.

Tristan's POV

Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko. Pero I know it's for the better.

I know the plan will work, walang ka idea si Sophia. She didn't have a clue na hindi lang coincidence ang pagkikita nila ni Don Joaquin, it was all planned.

Alam naman natin na hindi makakatanggi si Sophia sa invitation ng matanda.

Perfect time. Dinner. They will have the talk they both want.

Sophia's POV (at the party)

Feeling ko talaga walang kain dito eh. Paalis na ang mga tao eh. Teka. Ano bang nangyayari?

Asan na ba si Don Joaquin?

Nagugutom na ako. PROMISE.

Ako na lang kaya tumulong na magluto.

Ang lamig pa dito.

Aircon ba 'tong buong bahay?

"Sophia?"

Natigilan ang buong katawan ko.

Lord? Gutom lang ba to? Tama ba ang naririnig ko.

Ayokong lumingon.

Ayoko.

Ayoko baka di na ako makabalik.

Ang bilis agad ng tibok ng puso ko.

"Sophia?" tawag niya ulit ng mas malapit.

Hindi ako makagalaw.

Hanggang sa tumatakbo na kami, hawak niya ang kamay ko. That same warm hands, same warm feeling. Same feeling of being protected.

Pwede akung tumakbo palayo sa kaniya, pero mas pinili kung tumakbo kasama siya. Ewan kung saan papunta. Pero sa gabing ito. Gusto kung maramdaman yung naramdaman ko dati, I want to be in love again.

Bahala na muna ang iba. Please. Ako muna, pwede ba yung nararamdaman ko muna?

"Ethan." Sabi ko.

Napahinto kami.

Lumingon siya.


Sold For Ten MillionWhere stories live. Discover now