Si Youmie Eunice

26.6K 468 21
                                    

"Oh my gee! Salamat!! Yahoo! Lola! Magkaka trabaho ulit ako!"

"Tumigil ka nga sa kakatalon! Huminahon ka at baka matampal kita."

Ngumiti ako nang malawak na kasing lawak ng noo ni Wally Bayola. Ay! Tang ina dis!

"Lola! Tinawagan ako at may interview ako bukas."

"Anak ka ng tatay mong taga Tondo. Aba, Omie, alam mo ba yung interview? Kung di ka makakasagot sa tanong, bagsak ka agad. Pag bagsak walang trabaho, sa palagay mo?"

Napakamot ako ng ulo at napatingin sa bobong ng bahay. Nag isip ako, high school lang ang inabot ko. Puro pa syete ang grades ko. Masasagot ko kaya lahat ng tanong ni bossing neto?

Umiling ako at pinakatitigan si Lola.

"La, utility naman ang inaplayan namin doon ni Baste, la."

Nakunot ang noo ni Lola. "Eh, ano ba yung yuteleti?"

Napatawa ako ng malakas.

"Lola naman eh, yun yung sinaside line ko araw araw. Kumbaga, naglilinis all around."

"Bakit ba kasi ayaw mong mag artista? Pasado ka doon. Kamuha mo pa naman si Jeric Raval!"

Yinakap ko si lola nang mahigpit, numero uno kong fan eh! Yun din ang sabi ng mga kaklase ko noon, bagay daw ako maglalaki kasi nga ay kasing gwapo ko si Jeric Raval.

"La, hindi na nga ako papasa sa tindahan sa kaka acting eh! Susubukan ko 'to, pahiram ako nung sapatos mo balat, la ha? Hulog na ng langit to!"

Mabilis kong pinakintab ang sapatos na balat ni lola, pangsout ko para sa interview. Excited na ako! Ang alam ko si Baste din ay may interview sa trabaho, makikisabay nalang siguro ako sa pedicab niya.

Hindi ako makatulog ng gumabi na. Inihanda ko na din ang polo shirt at maong pants na susuotin ko. Sana naman matanggap agad ako, lahat naman ng kaya kong gawin ay nasa boi-data ko na.

Ng hindi pa rin makatulog ay sa bobong na ako humiga. Kitang kita ko ang mga bituin. Napangiti ako, sabi ni lola malamang nandyan na daw ang papa at mama ko. Isa na sila sa mga kumikislap sa langit tuwing gabi.

Hindi pa naman masyadong matanda si lola. Eksakto lang, sixty-two. Hindi pa masyadong alagain kaya may panahon pa akong mag ipon.

Ako si Youmie Eunice Diomampo, laking Tondo ako at marami akong alam na galawang mapa ellegal at legal. Dahil sa hirap ng buhay ay kahit trabahong panlalaki ay pinapasukan ko, basta ba pera ang kapalit nun. Kaya nagta trabaho ang tao malamang para magkaroon ng pera. Pera ang sentro ng buhay natin ngayon, kaya habang may buhay ako ay mag iipon ako para sa amino nang lola ko.

"Omie! Omie! Gising! May interview pa tayo! Pakshit naman oh!

Mabilis pa sa isang segundo akong pumanaog kinaumagahan nang marinig ang salitang interview.

Alas nwebe na ng umaga, "naku paktay! Huli na tayo, Baste!" Alas nwebe y'media ang interview namin eh.

Di na ako naligo, nagtootbrush nalang ako at sinuot ang damit na kagabi ko pa hinanda.

Dala dala ko ang envelope na may mga papel papel gaya nang SSS, philhealth number at iba. Mas maganda na yung handa sa gyera.

Lima kaming naka upo sa mga silyang naka hilera sa labas nang pintong yun. Mabuti nalang at humabol pa kami sa oras.

Ako lang ang babae, ni head to foot pa ako nang babaeng sexy na siguro siya yung tumawag sa akin kahapon. Pinaka titigan ko din siya. Ang taas nang takong parang pako, eh? Umiling ako, hindi ko kasi kaya yun eh.

Shet! Baka nahuli niya yung picture don sa bio - data. Malamang hindi ako yun eh.

Napayuko ako. Napulot ko lang kasi yung litrato nun eh. Wala akong pampa picture eh, sabi naman ni Baste magkamukha kami. Kaya yun, yung litrato na yun ang nilagay ko.

"Uhm, miss?---"

Nag angat agad ako ng mukha.

"Po?"

Ngumiti siya at kinidatan pa ako.

Shet! Ang gondo!!

"Pasok ka na.."

Napatungo ulit ako at sumunod na sa kaniyang pumasok. Tinapik naman ni Baste ang balikat ko.

Bigla akong nakaramdam nang kaba. Shet! di naman ako kabahin na tao!

Pinaupo ako nung babae sa harap ng mesang malaki. Di ko naman maiwasang di mamangha sa ganda ng loob. Puro salamin at kokonti lang ang yari sa kahoy. Ang lamig pa, palagay ko mayamanin ang mag Iinterview sa akin!

Gumala ang mata ko at doon ko natagpuan ang lalaking nakatingin din pala sa akin. Nanlaki ang mata ko ng magtagpo ang tingin namin.

Malamig ang tingin niya. Nakakatakot ang klase ng tingin niya. Nakakakilabot. Siya siguro si Mr. Kilabot, gusto kong mangisi sa bulong ng isip ko.

Tumikhim siya. Napaayos ako gigla nang upo.

"Ma-magandang umaga, ser." Sabi ko pa.

"Where did you get those picture in your data?"

Para akong naestatwa sa tono nang boses niya. Gusto ko pang mapanganga sa klase nang pagtayo niya. Shet! Iba ito! Ang lakas ng dating!

"I said, where did you get those picture in your fuckin' data?!"

"Ay, ang lakas nga ng dating..."

-----


Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now