5 Sino ka?

9K 294 7
                                    

I decided to hire her as my Personal Bodyguard and driver as well, gusto kong malaman kung ano ang pakay niya sa kompanya. I don't have any idea why, It just came into my mind and it happened. Siya lang ang babaeng naglakas loob na umaplay kaya sisiguraduhin kong wala siyang masamang balak.

Ngayon niya malalaman ang trabaho niya, alam kong hindi siya mabibigla doon. Siga, maangas at matapang yung babae kaya mas bagay siya doon kesa maging Utility.

Dumeretso ako sa UQA (Utility's Quarter Area) I will chech if there's any problem with new men, hindi ko maiwasang hindi ma excite. Ewan. 

"Goodmorning, Miss Diomampo."

Nabigla ako sa kabuuan niya ngayon. Sinuyod ko siya nang tingin, mula ulo hangang paa. Mas lalong nagiging kamukha niya si Ella ngayon. But she's furiously mad when our eyes met. Kumurap ako dahil parabg galit na leon na naman ang mata niya.

"Ano ba naman yan, ser! Hindi naman body guard ang inaplayan ko dito! Tss!" Hinubad niya ang kaniyang sapatos.

She looked pissed. Bagay naman sa kaniya ah? But I just put my hands on my pocket instead and shooked my head.

"I wasn't really sure kung talagang hindi ka spy ng ibang kompanya, Miss Diomampo. Kaya sa ngayon, you will be my driver ang Personal Bodyguard. It is assurance, Miss Diomampo, I don't trust so much."

She cross her arms in her chest and shooked her head. She's bossy and demanding.

"Ano ba ang inisip mo na gagawin ko? Sir, hindi po ako kaaway. Sa tingin ko nga ikaw itong kumakaaway sa'kin sir, panay pa ang inglis mo. Sege na naman, dun na ako sa utility." 

Sumimangot siya na parang bata. I smirked into her and somehow gumaan naman ang loob ko sa kaniya.

"Look Miss Diomampo, it's just for a ---"

"Hwag nga inglis! Pucha naman oh!"

''I don't accept bad words, Miss. "

Umingos siya at tinanggal ang naka kabit na earpiece sa tenga niya. She took a deep breath and sigh.

"Okay, Isang linggo ka lang namang susubukan. Since wala namang threat sa buhay ko, you'll hired as personal driver. Sasamahan mo lang ako kapag may importanteng lakad, kapag may emergency. Isang lingong maging driver kita and it all be started today. Yun lang.''

------

Gustong gusto ko nang tusukin yung nakakainis niyang mata. Eh' ako na ang tutuli sa kaniya?! E - inlgisin ba naman ako? Tsaka di ba may asawa na  itong lalaking 'to ba't parang hindi man lang nag - aalala? Paano kung pagselosin ako? Ayokong mag drayber sa kaniya, wala akong lesensya. Oo, alam ko kung paano mag drive pero yun nga lang wala pa akong lesensya.

"Take it or leave it?" 

Nanghahamon ang tingin niya sakin. Naiinis na talaga ako!

"Hindi nga pwede sir! Utility naman ang ina- playan ko nga dito!"

Huminga siya nang malamin at tumalikod.

"Okay, then, You're fired."

Ganun?! Agad - Agad?! "Teka! teka! Magsisimula na ako ngayon? May pupuntahan po ba tayo?" Mabilis kong isinout ulit yung sapatos at hinabol ko ang hakbang nya.

Seryosong humarap siya sa'kin narinig ko pa siyang nag 'Tss'. Hinabaan ko pa ang aking pasensya sa kaniya, Napamura pa ako nang muntikan na akong madapa sa sapatos na sout ko.

"Where's your gun?"

Nanlaki ang mata kong tiningala siya. "Kailangan pa ba talaga yun? Kutsilyo or icepick nalang sir." 

Ngumuso ako sa kaniya, ayoko talaga nang baril. Baka aksedenteng makapatay pa ako at si Sir ang una kong biktima. Pero wala akong reaksyong nakuha sa kaniya. Wala akong nagawa kundi ang bumalik  sa loob at kinuha ang kahon. At nang makabalik ako sa harap niya ay tiningnan niya lang yung kahong hawak ko.

"Sir, wala bang training nito?"

Bumuntong hininga lang siya, may binulong pa siyang kung ano at lumakad na. Nakasunod lang ako sa kaniya. 

Umiling - iling ako, hindi kasi dapat ganito ang trabaho ko eh. Hindi ako marunong gumamit nang baril nga. Suntukan nalang. Alanganin pa akong sumabay sa kaniya sa elevator. Tahimik lang ang loob, Deretso lang ang tingin niya samantalang ni hindi ko matingnan ang repleksyon ko sa loob. Ang sagwa kong tingnan. Sa likod niya nalang ako nakatingin. 

Ang lapad noon, alam kong bata pa naman si sir. Yun nga lang nagpaghahalataang may edad dahil napaka seryoso nang mukha niya lage. Problemado kaya siya? hayst! Paki ko ba doon? Ayoko nang ganito, Kasasabi ko lang kahapon na sana hindi ko na siya makita pa. Tsk!

Sumunod pa rin ako sa kaniya nang makalabas siya. Pumasok siya doon sa opisina niya kung saan kami ininterview kahapon. Naalala ko tuloy yung kwelyohan niya ako.

"Glenda, come inside." Nagsalita siya doon sa parang telepono.

Hindi pa rin niya ako kinakausap hangang sa pumasok na yung magandang babaeng nasa labas.

"Yes, sir?" Kinindatan niya ulit ako nang mapadaan siya sa'kin.

Napakamot pa ako nang batok, hindi ko alam kung babae ba talaga siya o tomboy. Pero ang ganda niya.

"Change her clothes into pants. Starting today, she will going to be my driver. "

Napangiti ako. Sabi na nga ba eh, hindi niya matiis ang alindog ko. Haha! Ganyan nga sir. 

"Yes sir, anything else, sir?"

"That's all." At lumabas ulit yung babae.

Lumapit siya sakin at kinuha ang kahong hawak ko. Okay! wala ng baril! Napangiti pa ako. Maya maya ay pumasok siya sa isang pinto. Hindi ko alam kung anong meron doon at wala akong paki alam. Umupo muna ako at ninamnam ang lamig ng aircon. Nag iisip ako na mas maganda na itong drayber kesa magbuhat o maglinis, Okay na ako dito. Mag aalas onse na nang biglang bumukas ang pinto.

Walang katok katok? Isang naka unipormeng pang estudyante ang pumasok. Siguro kapatid ni Boss. Nagkatinginan kami, hindi ko na sana siya papansinin pero parang gulat na gulat siyang lumapit sakin. Hindi ko alam pero pinaka titigan niya ako.

Gusto ko na sana siyang sindakin kaso baka umiyak pa. Nakaka ano na yung uri nang tingin niya eh! Di na ako tumayo at reynang umupo nalang sa malambot na sofang yun, Lecheng palda'ng 'to! hindi ako maka upo nang maayos. Pero nandun pa rin yung bata at nang tingnan ko siya ulit ay nanginginig na ang labi niya. Naalarma ako at tumayo na, wala pa naman akong ginagawa.

"S - Sino ka?" Tinuro niya ako.

Napapanganga nalang ako nang biglang tumulo ang luha niya at ngumawa.

Wuhhaat?! Ikaw ang sinuka! Puchees!

--------


Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now