TM2 - 46

6.6K 188 8
                                    

Ni wala akong nakikilala sa kanila, ang totoo ay may lungkot akong naramdaman nang e - kwento nila sa akin ang nangyari. Hindi ko iyon halos paniwalaan. Ni hindi ako kumbinsidong may anak na ako. Wala talaga ako natatandaan, si Baste at si lola lang ang nasa ala ala ko. Pati mga magulang ko ay hinanap ko din.

Pero nang niyakap ako nung Thiago ay parang may kung anong sumilakbo sa puso ko. Pakiramdam ko ay napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay galing nga siya sa akin. Magkamukha sila nung lalaking hindi ko halos maaninag kanina.

Nang ibuka ko kasi ang mga mata ko ay napakadilim nang paligid. Nakaramdam ako nang sobrang takot noon, may mga tao sa paligid pero wala akong makita. Pero unti unti naman iyong nagbago nang lumiwanag ang paningin ako, hanggang sa may nakikita na akong mga tao doon.

Mabilis na tumibok ang aking dibdib nang mahagilap nang mata ko ang batang lumuluha. Bigla akong nakaramdam nang lungkot noong makita silang humahaguhol sa harap ko.

Niyakap ko siya kahit wala akong matandaan sa kaniya. Pilit kong ibalik ang ala ala ko pero sumasakit lang ang ulo ko.

''Youmie, kukuha ako nang pagkain, hwag ka munang matulog ha? Pretty please?''

Iyon yung pangalan ay Bree, may kung anong lungkot sa mata niya. Pakiramdam ko tuloy ay napaka bata ko pang naglandi at may panganay na akong ganito na kalaki.

''Bakit Youmie? Di ba dapat ay mommy din?'' Sabi ko pa habang nakunot ang noo.

Ngumiti siya sa akin, ang ganda niya, mana siya sa akin.

''Mo - mom, thank you, you're awake.''

Niyakap niya ulit ako saka hinalikan sa noo.

''Mommy, yakap mo din ako.''

''Anak ko talaga kayo?'' Napangiti ako. Malandi nga kasi ako, kakahiwalay lang namin ni Benigno, kapapagulpi ko lang noon kay Baste noong nakaraang buwan tapos ngayon magigising nalang akong may anak na? Ow may gad!

Naagaw ang pansin namin nang may pumasok na gwapo lalaki. Gwapo at mukhang istrikto.

''Dad..''

Deretso akong tumingin sa kaniya at lalo akong nakaramdam nang pagkamangha sa kakaibang kulay nang kaniyang mata. Pero hindi ko siya matandaan.

''Ikaw? Sino ka din? Hwag sabihing ikaw ang ama nang makulit na batang to?''

Di ko alam kung masaya ba siya o hindi.

''Yes! He's your husband, si daddy Shiba!''

Nanlaki ang mata ko sa sinabi noong Bree. Siya ang asawa ko? Tang ina! Kaya pala nabuntis agad ko! Nakakalaglag panty naman pala eh!

''Tang ina! Talaga?! Bakit ang gwapo naman?''

Napanganga siya kaya bigla ay may kung anong hiya akong naramdaman. Nagbawi ako nang tingin sa kaniya. Hinilot ko nalang ang aking mga binti. Hindi ko pa kasi iyon masyadonh nagagalaw.

''Daddy!''

Umalis sa tabi ko yung si Thiago at patakbong lumapit doon sa lalaki.

''Come on dad.''

Hinili niya ang kamay nito papunta sa akin. Nakatitig lang siya mukha ko na parang gandang ganda siya sa akin. Nang makapit naman siya ay mahigpit niya akong niyakap. Gulat akong napaigik.

''Oh god! Akala ko mawawala ka na sa akin!''

May luhang pumatak sa kaniyang pisngi. Hindi ko alam ang nararamdaman, parang namimilipit sa sakit ang ulo ko. Pero sa huli ay dahan dahan kong iniangat ang aking kamay sa mukha niya. May lungkot o saya na umuusbong sa dibdib ko.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz