TM2 - 23

6.4K 231 13
                                    

Pinuntahan ko siya pagkalabas ko ng ospital pero wala nang nakatira doon. Ang sabi ni Glenda ay umalis daw ito kasama ang kaniyang lola at di na muling babalik pa. Sabi niya ay nagalit daw sa akin ang babae. Natural, pinagsamantalahan ko siya.

Hindi ko na siya napuntahan nung mga oras na yun dahil sinugod ako sa ospital ni Olivia. Dahil siguro sa sobrang sama nang pakiramadam ko nun ay bigla nalang nagdilim ang paligid ko.

At ngayon ay nasa akin ang sisi ni Glenda kaya umalis at di na bumalik si miss Diomampo. She changed me and yet iniwan pa rin ako.

In a number of days she made me miss her, need and want her. And she made me fall inlove with her. Natakot ako. Natatakot akong aminin sa sarili yun. Hindi na dapat ako umibig sa iba. Pero taksil ang puso ko, hinahanap hanap ko ang pangungulit niya. Patuloy kong naririnig ang natutuwang boses niya. Nangungulila ang sarili ko sa presensya niya. In a number of days, she make me crazy.

Limang buwan na pero she's still nowhere to be found.

Sa lahat ng panahong nakasama ko siya ay si Ella ang tingin ko sa kaniya. But staying in this room with out her presence make me sick. Sa kwartong ito ko siya pinagsamantalahan. Dito nangyari ang gabing nananatiling panaginip sa akin. Pangyayaring hanggang ngayon ay di ko pa rin kayang kalimutan nalang basta.

Minahal ko pala siya bilang siya, hindi bilang si Rafaella.

Gsutong gusto ko na siyang makita at maka usap. Gusto kong humingi nang tawad. I sigh, paano nga ba?

''Shiba! Tuloy na tuloy na ang first ever get together party sa lahat nang empleyado under your term!''

''Glenda, you will be the incharge -- .''

Ilang sandaling nawala ang boses sa intercom kaya laking gulat ko nang bigla itong pumasok at naka angat ang kilay.

''Oh, come on Glenda. Marami pa akong ginagawa!'' Hinarap ko ang mga papel sa mesa ko.

How can she so bossy while i am the CEO of this company? Binagsak niya ang kaniyang dalawang kamay sa harap ko at galit na nakatingin sa akin.

''Anong klaseng boss ka? Wala kang pakisama sa mga tao mo! Lahat ay takot sayo! Ewan ko nalang kapag lahat na sila ay aalis gaya nang ginawa ni Youmie at iiwanan ka!''

I was appalled. Ni walang salitang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang murahin pero napanganga lang ako.

''Look at your daughter, sinamahan mo lang nung birthday nang ilang beses tapos nun dito ka na naglalagi sa office mo! Do you think Rafaella would be happy if she sees this? -- stand up, Shiba! Harapin mo nga ang sarili mo, ang payat mo na! Palaging ako ang napapagalitan ni lolo dahil sa pagpapabaya ko bilang ate sayo--''

Humingal siya at biglang lumambot ang mukha.

''-- ayokong nakikitang nagkakaganyan ka. -- tatlong araw ang bakasyon nang mga tao. Kasama tayong lahat pati sina tita Bless at tito Julo. Isinama ko na rin sa booking sina Bliss at Bree. Please Shiba, mag enjoy ka naman habang buhay ka pa.''

She walked out. Something in me was shattered. Napapabayaan ko na ang sarili kong anak. Napapabayaan ko na ang mga tao ko. Napapabayaan ko na ang aking sarili dahil lamang ikinulong ko ang pagkatao ko sa nakaraan. Katotohanang ako lang din ang may gawa.

Kumuha ako nang tubig sa fridge at derestong nilagok iyon. Bakit ba sa lahat nang ginawa kong desisyon sa buhay ay ang daming mali? It is because i'm coward and stupid to face the facts. Magaling ako sa trabaho pero napaka duwag ko naman pagdating sa decision making.

---

''This will be great, dad! Thank you so much for this!''

Inakap ako ni Bree at ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko na siya ka miss.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now