TM2 - 37

6.5K 197 8
                                    

''Lola?! -- lola nga! Kailan ka pa bumalik?''

Pinugpog ko nang halik si lola nang madatnan ko siya sa bahay ni Iba.

''Oo, Omie. Kahapon kami dumating --''

''Kami?''

''Kasama ko si Nathalie.  Teka nga -- yan na ba yung apo ko sa tuhod? -- patingin? --- kuh! Abay, kamukha ni Jerick Raval ito ah? Sabi ko na nga ba at matutuloy na ang pangarap kong magkaroon nang apong mag aartista.''

''Thiago ang pangalan niya, la.''

Alam mo yung tuwa  ng lahat habang nakatingin sa anak ko? Kompleto ang pamilya. Si Bree ay di magkamayaw na banggit banggitin ang pangalan ni T. Pati si Lorvin ay nandito, may pa welcome party kasi kay T. Andito din ang mga kapatid niya na tuwang tuwang sa baby ko. Ang saya saya ko, di ko akalaing makaka uwi pa pala ako dito.

''Hey...''

''Lorvin..''

Hinalikan ako ni Lorvin sa pisngi. Bahagya pa akong namula, ex - crush ko kaya ito. Di lang crush may pagnanasa din ako sa kaniya dati.

''Paano ba yan may baby na ako, ikaw ba kelan?''

Ngumiwi siya tsaka uminon ng tubig.

''Never in my vucabulary at this time. We were busy in the company, ayoko ng masaktan gaya nang ginawa mo sa akin.''

Nanlaki ang mata ko saka siya sinuntok sa braso. Sabay kaming nagtawanang dalawa habang nasa salas. Kumakain pa naman kasi ang iba, ang iba naman ay may kanya kanyang kausap.

''Hwag mo akong biruin ng ganyan Lorvin, kinikilig ako.'' Humagikhik ako.

Kahit kailan talaga loko loko itong lalaking to.

''Pero di nga ---  nakita ko kayong magkasama ni Karen noon sa isla ah. Matagal ko nang hindi nakikita ang bruhang yun.''

Natahimik siya nang ilang sandali saka uminom ng maraming tubig.

''Sinong K - Karen?''

Pinanliitan ko siya ng mata. May pinagdadaanan kaya ang dalawa?

''Mahilig manakit ng lalaki ang bruhang yun! Nabiktima ka na ba?''

Lalo siyang natigilan at ilang sandali ay tumawa siya nang malakas.

''Ako? Si Lord Lorvin Mendez? Ako pa? Of course not! Pamilya yata kami nang makapangyarihan! Dinagdagan mo pa, kompleto na kami! May Lord, Goddeza at Godz na! ---- makapangyarihan ako, hindi nasasaktan.'' Bulong niya sa huli.

''Lorvin, will you stay away? Naiistorbo mo ang pagpapahinga ng anak ko. You're too noisy. ''

Salubong ang kilay ni Iba habang may dalang isang platito ng cake.

''Andyan na si Mr. Denial King. Makapangyarihan din yan, di nasasaktan dahil tigang na. Pina skor mo lang kaya medyo naulanan ng onti, paiskorin mo ulit para bagyuhin.''

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo at umalis si Lorvin bago makalapit si Iba. Humagikhik ako, ang laking sira ng isang yun talaga.

''Enjoying too much with Lorvin, huh?''

Napatingin ako kay Iba. Busangot ang mukha na nakatingin  sa kawalan.

''Alam mo, gusto kong isiping pinagseselosan mo si Lorvin. Pero alam ko naman hindi mo gawain iyon. Penge nga ng cake! ''

''I am not jealous.''

Iniwan niya sa mesa ang cake saka umalis na din.

''Walang hiya talaga ang mokong na yun! Pero kinikilig ako.  ---  si Thiago nalang siguro ang forever ko. Diba baby T?''

----

FINE!!

Baliw na kung baliw. Nagpapakabaliw upang makita ang pagbagsak niya. Siya ang may dahilan nang lahat why i'm being like this. He's the reason why i live like a crazy beautiful women for the last nine years in my life.

Dahil sa kaniya ay pinalayas ako nang step mama ko sa amin. Dahil sa ginawa ko ay halos mapatay ako ni papa. Sabi niya pa nga ay nagmana ako sa tunay kong ina. I really don't know why they did that to me. Ginawa ko yun dahil sinaktan siya nang ama ni Sean pero siya pa ang galit! Si papa na best friend ko, akala ko maiinitindihan niya ako --- pero hindi. Walang umintindi!

Dahil kay Sean ay pinasok nila ako sa mental hospital. I hate it! I feel so alone in there, kaya kapag nakikinita ko si mama. Umiiyak akong mag isa,, ang sakit sa dibdib nanag mga panahon yun. It is still a really bad nightmare.

Pero tumakas ako and tried to find a boyfriend can give my needs. Then i met the father of my son at ginamit ang yaman niya para umangat din ang buhay ko tulad nang kay Sean.

Pero ginawa ko lahat para magpaliwag pero ayaw niya naman akong intindihin. Ayaw niya akong pakinggan. He even choose to leave me at nag aral na sa New York.

I deserved a happy life pero sinira nila. Wala naman sa plano ko ang mahalin nang totoo si Sean but i am weak that's why i fell deeply and madly inlove with him. Pero mahal niya si Rafaella so he stay away. Si Rafaella na tinuring kong kapatid, ang akala ko ay papabayaan niya na kami ni Sean. Pero lintik! Tinanggap niya ito nung bumalik.

Anger and vengance grow in me.

I hate them all!

Araw mo muna ito Sean. Magsaya kayong lahat. We'll see what will happen next to you and you're so look at like stupid house maid or something. Hahaha! Akin pa rin naman ang huling halakhak.

Nagawa ko na ang plano, malapit ko nang matapos at inuna ko ang kompanya nila. Tingnan natin Sean.

Isusunod ko na ang bobang babaeng yan!

''Madam, handa na po ang lahat para bukas.''

''That's great! Bumalik na tayo. Maingay dito.''

------


Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon