4 Body Guard

9K 407 23
                                    

Alas singko pa nga ay nandito na kami sa lobby ni Baste. Wow, lang ha? ang ganda talaga nang kompanya nila. Ang daming ilaw at ang lamig! Maraming tao ang labas masok na sa ganitong oras palang. Kompleto kaming lima, minsan nga kung makakatitig sakin yung dalawang kasama namin ay parang gusto na akong gahasain. Naku! hwag sila! Di pa nila kilala ang kayang gawin nitong si Baste! 

Matagal tagal din kaming naghintay doon, nakapag yosi na't lahat si Baste hindi pa rin dumadating yung mag - orient sa amin. Nagugutom na ako. 

"Baste, labas muna ako ha? chow muna ako!"

"Sama ako. Baka mamaya't mapano ka pa dyan eh."

Sinapak ko siya.

"Gago ka pala, Kahapon iniwan moko't alam mong wala akong dalang pera, di ka nag alala? Ngayon ang lapit lang nang kainan, mag - aalala ka?" 

Ngumisi lang siya at inakbayan na ako.

"Ang ganda mo talaga pag galit , babes!" Sinabayan niya pa yun  ng tawa.

" 'lul! babes mo yang junior mo!"Nakitawa na rin ako sa kaniya.

Best friend ko si Baste, simula elementarya ay siya na ang kasa - kasama ko. Siya yung kaibigan kong nag pa bagsak sa unang lalaking nanloko sakin, siya rin yung bumugbog sa ikalawang lalaking nag paasa sakin. Kasama ko siya nung mga panahong  umiiyak ako dahil nagkakasakit si lola. Kaso nga lang nagkaroon na kami nang maliit na distansya nang magsimula na siyang magkanobya. Wala na siyang time sa pag kakaibigan namin. Mabuti nalang at tuso ako, matalino at best actress. Tinakot ko yung babaeng haliparot na sumisira sa amin, na pag di niya pa tinan-tanan ang kaibigan ko ay kukulamin ko siya.  eh Ang tanga natakot naman! tsk!

Pag - ibig? yan yung sisira sa mga pangarap namin. Next time na yan pag nakita ko na si Batman!

Napa burp ako nang malakas nang makabalik kami, nandoon na yung mag o-orient sa amin. 

"Wow, chicks!"

Napatawa ako ng mahina nang sikuhin ako ni Baste.Eksaktong alas syete ng umaga ay nag simula na kami.

May kanya kaniyang uniporme kami. Doon kami sa likod, Utility's quarter's Area ang tawag nila doon. Masaya kami ni Baste, marami na naman daw siyang mapapasagot na chiks! Regular agad yung pasahod sa amin, may contrata ding sinasabi, dalawang taon kaming mananatili sa trabaho. Ang saya ko lang, dalawang taon sa Ricaforte company! Malaking ipon na din yun pag nagkataon.

At dahil babae ako, skirt na maliit yung uniporme ko, sa palagay ko kasi yun yung ipinasout sa akin. May humila sakin na isang babaeng katangkaran ko lang at ipinasok niya ako sa isang maliit na kwarto.

"Diyan kana magbihis." utos niya sakin.

Mabilis ko iyong sinunod. Gusto ko pang mayamot, ni hindi ko pa naranasang mag palda! Kung sa school dati , oo. Pero helloww? Bente sais na ako! Sukat na sukat sa bewang ko yung palda. Pati na yung damit pantaas sakto lang din sa dibdib ko. Utility ako, pero talaga bang ganito ang sout? May ibinigay din sakin na sapatos na itim na may takong na maliit. Padabog ko iyong isinout. Magka iba kasi kami nang sout ni Baste. Nakasimangot akong lumabas.

Hinarap ako nung babaeng nag aayos sakin sa salamin saka niya nilagyan nang gel ang buhok ko.

"Teka --- Teka! Ano bang ginagawa mo? Utility lang ako! Tigalinis tapos pag so - soutin mo'ko nang ganito? Paano ako makapaglinis nang maayos neto?"

Umalma na ako pero nabwisit lang ako nang ngumiti yung babae at itinuloy ang ginawa. Inikutan ko siya nang mata at tumingin nalang nang deretso sa salamin. Wow! ang ganda ko ha! Nanlaki pa ang mata ko nang nilagyan niya ako nang manipis na lipstick. 

"Aba! mag - oodisyon na ba ako nang artista, te?"

"Wow! ang ganda mo Miss Diomampo!"

"Talaga? eh, bakit ganito ang sout ko?"

Niligpit niya ang mga gamit na ginamit sa pampaganda at tinayo ako.

"Magiging Personal Body guard ka."

At kailangan talaga ay umawra ako ng ganito? May ini abot siyang kahon na maliit tas may nilagay syang maliit na bagay sa tenga ko. Nanlaki pa ang mata ko dahil sa gulat nang buksan ko yung kahon. Maliit na baril, kinabahan ako, ice pick at kutsilyo palang ang nahahawakan ko. Mabilis kong iyong ibinalik sa kaniya, pero inilapag niya lang ito sa isang mesa.

"Ayoko. Utility ang inaplayan ko dito!"

"May kakausap sa iyong tao." yun lang at umalis na siya.

Hindi maari ito! abah! anong iniisip nila sakin? porke't mahirap lang ako, akala nila madadaan nila ako sa ganito? Oo, matapang ako pero ang maging body guard? Buhay ko nga di ko kayang alagaan sa iba pa?

Nagpadyak ako, masama ang loob ko. Kung sana ay do'n na ako nag trabaho ke mang Berting! may one - five na ako ngayon.

"Goodmorning, Miss Diomampo."

Napa ayos akong humarap nang marinig ko baritonong boses na yun. At muntik pa akong napamura nang mapag sino ang lalaki. Yung ku-mwelyo sa akin kahapon. Yung lalaking may kakaibang kulay ang mata. Yung lalaking may perpektong hugis nang ilong at labi. Yung lalaking di pa tuli kaya laging nakasimangot. Yung lalaking malamig ang tingin. Yung lalaking parang hari.

Yung lalaking bubutasan ko na sa gilid.

---------

Ang inyong koreksyon at opinyon ay malugod ko pong tatangapin! 

Pa - boto po kung inyong nagustuhan. :)

#masayangpagbabasa!

Abangan:

5 Sino ka?




Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now